"You can just go without me. Hindi naman ako magtatampo."
Sumandal ako sa desk. Antok na antok pa ako kaya bawat break o hindi kaya walang teacher ay natutulog ako. Hindi kasi ako makatulog ng maayos these past few nights kakaisip sa pinagusapan namin ni Alex.
"But we are a team!" Josh argued.
Inangat ko ang ulo ko, "Team? Okay, how about walang pupunta because unfortunately Josh, one of your teammates is down."
Pati ang mga kaklase namin ay nagtitinginan sa pangungulit ni Josh.
Ewan ko kung anong pumasok sa utak ni Travis at sinabing hindi siya sasama pag hindi ako pupunta. Ginawa pa akong dahilan! Ayaw pang aminin na ayaw niya sa mga ganung party. Ang gusto kasi niya 'yung sa mga high end bars.
"Ano ba kasing ginagawa mo tuwing gabi at hindi ka natutulog?" Tanong ni Greg na sumandal sa desk ko.
"Nagaala bampira ka ba? Sobra ka na sa panonood ng series. Itigil mo na 'yan!" Dagdag ni Charles.
Hindi ko nalang sila pinansin dahil baka mapaamin ako na hindi ako makatulog kakaisip kay Travis.
Speaking of him, nakasubsob rin siya sa desk niya sa may bandang likod at himalang hindi nakikisali sa pangungulit.
"Iba naman yata ang pinapanood mo kaya hindi makatulog." Umiling iling si Alex habang nakatingin kay Travis at sa akin sabay ngingiti sa akin ng may meaning. Agad naman akong nag iwas ng tingin at bumalik sa pagkakasandal sa sarili kong desk.
"Ielle, this will be fun!" Pagkukumbinsi pa rin ni Josh sa akin. They always said it will be fun pero hindi naman and there were instances where it's really fun pero once in a blue moon. The most awesome party pa rin na napuntahan ko was the party of Alex last year.
Tapos yumuko siya ng konti para bumulong. "I heard Kurt will be there. Ayaw mo pa rin?"
He got my attention there. Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya habang nakakunot ang noo. Anong pinagsasabi nito? Pakialam ko naman kung pupunta si Kurt doon.
Nagtaas baba ang kilay niya sa akin at wala pa akong sinasabi ay bigla nalang siya sumigaw at nagfist pump sa ere na para bang pumayag na ako.
Nang matapos ang break ay bumalik sila sa kanya kanyang room at pwesto but I'm still stuck with Josh. Ano bang gagawin ko dito kay Josh at ang kulit niya. He kept on whispering my name to call my attention.
Sinilip ko ang phone ko sa ilalim ng desk at nakita kong nagtext si Travis.
Travis:
You're going? I thought ayaw mo?I sighed and typed a reply.
Me:
Hindi pa nga ako umoo. Si Josh lang 'yun! I'm really sleepy.Napapatingin ako sa teacher sa harapan habang naghihintay ng reply.
Travis:
Bakit kasi hindi ka natutulog. Let's ditch them tonight and let's just sleep ;)Napangiti ako sa text.
Me:
That sounds good but do you think they'd let us? Just look at Josh smiling like an idiot!Josh is so happy with the idea of us partying together. Hindi ko nagegets ang gusto niyang mangyari since pagdating dun ay may kanya kanya naman silang business.
Travis:
He's an idiot. How about we go then tumakas tayo?Siraulo talaga 'to! Hindi na ako nagreply dahil hindi ko rin alam kung seryoso ba siya sa escape plan niya o kalokohan lang niya 'yun.
xx
We are walking the distance to the venue from the parking. I'm walking beside Travis at nagulat ako nang itabi niya ako sa gilid at siya ang naglakad sa may labas.
"Porket maraming babae feeling mo gentleman ka na?"
"I'm a gentleman. Wag mo ko itulad kay Greg." He argued.
"Hoy wag mo ko idamay! Gentleman yata 'to!" Ani Greg at nagflex siya.
"Tsaka ikaw lang naman babae sa buhay ko." Dadag ni Travis.
Minsan hindi ko alam kung nambobola lang siya o totoo na 'yung sinasabi niya. Hindi rin mahahalata sa mukha niya kung nanloloko o ano pero hindi ko mapigilan hindi magblush sa sinabi niya.
"Bwisit ka talaga noh?"
"Why, are you finally affected?" Aniya at inakbayan pa ako.
"Asa pa. Alis nga!"
We heard Alex groaned. "The lovebirds are fighting again."
"We are not." I hissed. Nagkibit balikat lang si Alex sa akin, madalas ay pinipigilan niya kami ni Travis magbangayan pero ngayon wala siyang pakialam and he even called us lovebirds. Yuck.
xx
"Sige na nga, pinapayagan ka namin makausap si Kurt." Then Josh pointed at him while slightly pushing me into his direction.
"Bakit ko naman siya kakausapin?"
"Wag ka nang mahiya. Sus, pumunta ka naman dito para sa kanya diba?" Nakakalokong sabi ni Josh.
"Stop it Josh. She'd go if she's really interested." Travis cut me off.
Alex whistled on the side. "Chill man." Tapos inabutan niya ng beer si Travis.
"Wag mo masyadong bakuran." Ani Josh na mas lalo niyang kinairita.
Medyo iritado pa rin siya kay Josh dahil kinukulit ako ni Josh na lapitan si Kurt but Alex had it under control. Alex asked me to avoid Josh para hindi na mangulit. Makulit na siya pag hindi lasing, what more kung lasing na siya.
"Let's do it." Travis said as he sat beside me.
Luminga linga ako to check if Josh is around buti nalang wala siya. "Let's do what?"
"Tatakas tayo diba? Our sweet escape." Then he smiled at me. A kind of smile that he does when he's about to do something crazy.
"Are you crazy?" Tanong ko nang naalala ko na wala nga pala kaming kotse because we only brought Alex's car with us. The next thing he did surprise me, winagayway niya ang susi ng kotse ni Alex sa harapan ko.
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso? Nababaliw ka na."
"I know and I might do something crazier if we don't leave right now." Aniya.
I was just about to ask why when I heard Alex shouting curses at Trav. "Run!" Sabi niya bago niya ako hinila palabas.
We only stopped when there is no sign of Alex around. And I don't know whether my heart is racing because of the run or because of our hands that are still entwined.
"That was fun!" Aniya habang hinihingal pa rin. "Though I feel sorry kasi hindi mo nakausap si Kurt."
This sarcastic guy! His voice is not even near apologetic.
"But don't worry, I'm all yours tonight."