Chapter 48 - Angelus

1.3K 38 0
                                    

I still can't believe how he did it. Naniwala lang ako nang nakita ko siya sa building na may bag at hawak na registration form. Noong una ay halos ayaw ko pang maniwala until I see it with my own eyes and I did.

Hay paano na 'to? Mas mahihirapan na akong iwasan siya dahil makikita ko siya palagi. Akala ko naman wala na akong puproblemahin. Looks like meron pa pala. Kailan ba matatapos 'tong mga problema ko!

"Okay ka lang? You're spacing out."

"Ha?" I blinked.

"May problema ka?" Concern na tanong sa akin ni Lance.

"Wala. Tara na!" Dumiretso ako papasok ng building.

Buong magdamag ay halos hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng mga Prof ko dahil nagiisip ako ng mga maaaring mangyari. Nasa iisang building kami kaya imposibleng hindi kami magkita. Pero kung makikita ko ang schedule niya at pwedeng hindi kami magkita. Right, hihingin ko nalang kay Alex ang schedule ni Travis.

Hanggang maguwian na ay lutang pa rin ako sa pangyayari na hindi ko nasagap na may group report pala kaming gagawin kung hindi ako tinawag ni Reyna.

"Hoy te! Ikaw magreport dahil hindi ka nakikinig!" Tinanguan niya ako.

Ngumuso ako. I'm okay with reporting kaya lang ay hindi ko alam kung ano ang irereport because like she said I wasn't listening. I don't even know the topic we're reporting!

"Uh, okay."

"Japan ang country natin ah." Sabi ni Hannah sa akin.

Umoo naman ako agad dahil wala naman akong kaalam alam. Bigla nalang ako hinampas ni Reyna. "Gaga ka! Hindi ka nga nakikinig! Pati sa pinagsasabi ni Hannah naniniwala ka? Bakit ka ba lutang dyan?"

"Inaantok lang ako. Late kasi ako nakatulog kagabi." Pagpapalusot ko. Tinukso naman nila ako agad.

"Nagtelebabad pa kayo ni Lance noh?" Siniko ako ni Yna.

"Hindi noh." Tanggi ko agad.

"Asus! Sige na nga kunyari hindi namin alam. Basta ikaw pa rin ang magrereport ha? Marketing strategies lang naman, kayang kaya mo yan!" Halos hindi matanggal ang ngiti sa labi nila samantalang ako ay hindi makangiti.

Naglalakad ako sa hallway nang makita siya sa kabilang dulo. Iiwasan ko sana siya kaya lang naisip ko ay mas lalo akong mapapalayo kung sa kabilang hagdan ako dadaan pero parang mas gugustuhin ko pang mapalayo kaysa makaharap si Travis. I was about to turn around pero nagkatitigan kami kaya no choice ako kung hindi ang dumiretso. Hindi ako tumitingin sa kanya habang naglalakad at balak ko sanang lagpasan nalang siya pero nang magkasalubong kami ay hinigit niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Hindi mo man lang ba ako papansinin?" Tumagilid ang ulo niya.

"Uh hi." Awkward kong sabi at pumihit paalis but I failed dahil humigpit ang hawak niya.

"Starting today you'll be seeing me a lot. Kaya kung may plano kang iwasan ako, I suggest you not dahil mahihirapan ka lang." Ngisi niya at tsaka binitiwan ang braso ko at naglakad palayo.

Tumingala ako hindi alam ang gagawin kaya nilakad ko ang distansya naming dalawa para malinawan ako sa mga tanong ko.

"What game are you playing?"

Hindi ko na kasi siya masundan kung ano ba talaga ang ginagawa at naiisip niya.

Kunot noo niya akong tinignan at sinara niya ang distansya naming dalawa. Napaatras ako sa ginawa niya. "Game? What are you talking about? I'm here to study." Tumawa pa siya ng mahina.

"Wag na tayo maglokohan Travis. This? 'Yung paglapit mo sakin and saying weird things? Ano 'yun?" Tanong ko.

He just shrugged like I didn't say anything. Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang bell ng angelus. Bago pa magumpisa ang prayer ay bumukas ang bibig ko para ituloy ang sasabihin.

"Travis! I need an ans—"

"Shh," Sabi niya sakin na nagpatahimik sa akin. "Angelus." Paalala niya. Ugh not this time again!

This might be the longest angelus in my life. I patiently waited for the prayer kasi baka masita nanaman ako ni Travis. Halos magtatalon ako nang matapos ang prayer.

"Can I talk now? Tapos na ang prayer—"

"Sorry, I need to go." Sabi niya habang tumitingin sa wristwatch niya. "My next class starts in a few."

Just like that I am left with no answer. Niloloko talaga ako nitong lalaking 'to, e!



The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon