Chapter 41 - Longest Ride

1.3K 43 0
                                    

There are just too many memories in this car. The same car he always use to fetch me. The same car with the same person in it. 'Yun nga lang ay iba ang nakaupo sa front seat. My seat.

The whole ride was boring and awkward. Pinagtritripan ba ako ng Alyssa na 'to? Ang sabi niya she wanted to talk to me pero puro silang dalawa ni Travis ang naguusap. Clearly, third wheel ako dito. Hello, I'm still here!

Kung bakit ba naman kasi ako pumayag! Mapapanis lang ang laway ko dito. Sila kasi 'yung tipong pag naguusap ay may sarili silang circle that no one can get in.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang nakita kong nagharutan silang dalawa sa harap. Tawa ng tawa si Alyssa habang kinikiliti siya ni Travis at panay ang pagbanta niya kay Travis. Tinignan ko ang stoplight. Damn stoplight ang tagal!

Nagiwas ako agad ng tingin at kumalabog ang puso ko nang nakita kong nakatingin siya sa akin sa rear view mirror.

Nakita niya ba ang pagsimangot ko?

"Hoy go na! Tumitingin ka nanaman ng babae noh!" Pabiro siyang hinampas ni Alyssa sa kanyang braso.

"A very beautiful girl at that." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin bago nagalis para magdrive.

Nalaglag ang panga ko. How can he say that in front of Alyssa! Wala naman pakialam si Alyssa sa kanya at patuloy lang sa pagkukwento.

Maya maya ay nilingon niya ako at kinausap. Kala ko mapapanis nalang ang laway ko hanggang makauwi.

"Sorry, mahilig kasing tumingin ng magagandang babae 'to! Okay ka lang ba?" Pagkakamusta niya sa akin.

Wow, kanina pa ako nandito pero parang ngayon lang niya nasense ang presensya ko dito.

Ngumiti ako at tumango.

"Pero seryoso, wala ka pang boyfriend? I heard maraming cuties sa school niyo." Ngumuso siya.

"Yup." Tipid kong sagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot pa. Lalo na sa sunod niyang tanong.

"Ay I know na! Siguro dahil sa ex mo kaya ayaw mo muna magboyfriend. Is he a douchebag?" Tanong niya.

Natahimik ako. Sandaling nilingon ni Travis si Alyssa pero nanatili sa akin ang tingin ni Alyssa.

"I know all about douchebag guys." Alyssa added and I just smiled.

"Hindi mo man lang pinagtanggol ang kaibigan mo sa ex niya! Ikaw talaga!" Saway niya kay Travis.

Nangingiti nalang si Travis habang umiiling sa girlfriend. He's probably thinking that, that ex is actually her boyfriend now.

"Hindi ka ba napapagod magsalita?" Maloko niyang tanong.

Tumawa si Alyssa, "Well you know me."

And there they are again. May sarili nanaman silang mundo.

Just how long can this ride be? This is the longest ride ever!

Isang liko nalang at bahay ko na pero dumiretso lang siya ng takbo. This is not the way to my house!

Huminto ang kotse niya sa isang puting two storey na bahay. Nagtaka ako. Nakalimutan na ba niya kung saan ako nakatira in just two years?

Magsasalita na sana ako when he opened the door tapos lumabas si Alyssa. Wait, so..

Inuna niya si Alyssa! This is her house! Pero bakit niya inuna si Alyssa when my house is just around the corner tsaka diba hinuhuli ihatid ang girlfriend? Ganon 'yun diba?

But she doesn't seem to mind. Parang normal lang sa kanya na unahin siya ni Travis.

"Thanks!" Sumilip siya at kumaway siya sa akin habang nakangiti. "See you next time. Sana marami na tayo mapagkwentuhan. Bye!"

Kahit naguguluhan ay kumaway ako pabalik. "Bye." Ngumiti ako.

Hinintay siya ni Travis makapasok ng gate nila tapos ay nilingon niya ako. Tinignan ko lang siya. What? Pabababain na ba niya ako? Tumagilid ang ulo niya sa akin at hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang iparating. So, bababa na ba talaga ako?

"You are making me your driver." Ngumuso siya.

Oh right! Mabilis kong kinuha ang bag ko at bumaba para lumipat sa harap. How could I forget about that.

Nakangisi siya nang pumasok ako. Pero hindi pa rin siya gumagalaw na parang may gusto pa siyang gawin ko.

"Seatbelt." Sabi niya at siya na mismo ang kumuha ng seatbelt ko at kinabit sa akin.

Napalunok ako at nagpigil ng hininga nang ginawa na iyon. Shit! Ako lang ba nakakaramdam ng ganito? Bakit ba niya ginagawa 'to!

"My house is just around the corner." Bulong ko.

"Still, I want you safe." Sabi niya at pinaandar ang kanyang sasakyan.

I am safe when I'm with you. I always feel safe when he's around.

Ito na ang pinagaalala ko. Ang pagpapaalam sa kanya. Do I say thank you or thank you, ingat? Or bumaba nalang ako tapos kumaway nalang?

"Uh..thank you." Medyo awkward kong sabi. Damn, why am I making everything so awkward!

Hawak ko na ang door handle, handa nang bumaba when he answered. "Sure, basta ikaw."

Hindi ko na siya nilingon nun. Hindi ko alam kung nakangiti ba niya iyon sinabi o seryoso. Pinagtritripan ba ako ng isang 'to? Seriously, kanina pa siya sa mga lines niya. Hindi ko na siya masundan. Are we even on the same page?

Nagmadali akong pumasok ng bahay. Halos mahulog pa ang susi sa pagmamadali ko. Nilingon ko pa ng isang beses ang kotse niya bago ako tuluyang pumasok.

Never. Ever. Do this again. Hinding hindi na ako sasabay sa kanya kahit anong mangyari lalo na kung maiiwan kaming dalawa! Dammit may girlfriend siya for pete's sake!

xx

Ilan beses na akong pumaikot ikot sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Ito nanaman ako sa dating sakit ko. The Travis syndrome. Why am I even thinking about him in this ungodly hour? My God may pasok pa ako bukas! I need to sleep now.

Bakit ko ba naiisip na nilalandi nanaman niya ako! May girlfriend siyang tao. Travis has always been like that. Yeah, maybe he treats his girl friends like that. Baka nature na niya ang pagiging malandi kaya wala lang 'yung mga pinakita ay sinabi niya kanina. And I am one of his girl friends so that's actually pretty normal.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero ang alam ko lang ay late na ako sa first class ko. Buti nalang ay walang exam sa subject na 'yun or else I'm dead. This is all Travis' fault!

Tutal late na rin ako ay hindi na ako nagmadali. Nakapasok ako ng third subject na. Hannah and Yna eyed me suspiciously pagkapasok ko while Reyna is too busy texting.

"Bakit ka late!" Hannah mouthed at me pero hindi ko na siya sinagot. Mamaya ko na sasabihin ang details sa kanila.

Please, kailangan ko ng distraction. Travis shouldn't be in my mind right now. I need to get him out.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon