Chapter 23 - Work Out

1.7K 47 2
                                    

"I guess they have already kissed and made up." Bulong ni Josh pero rinig na rinig namin ni Travis.

Natawa nalang kami tapos sabay namin siyang binatukan. Hindi namin pinagusapan but Josh deserves it anyway.

"Shut up, Josh!" I said.

"I hate Brielle pag LQ sila ni Travis." Comment ni Charles, "Ang sungit!"

"What's the plan for today?"

Napakunot ang noo ko kay Greg. "Kasama ka ba?"

"Basag! Hindi ka pala kasama, e." Halakhak ni Josh pero binasag rin siya ni Travis.

"Hindi ka rin naman kasama. Tawa ka pa."

Si Greg naman ang humalakhak, "Sinong basag ngayon?"

Sumimangot lang si Josh. That's the thing hindi ka pwedeng tumawa agad dahil ikaw naman ang sunod na lolokohin.

Bigla nalang silang naglokohan ng sapakan. I don't know what's with them pero biruan lang talaga nila ang sapakan tapos kusa nalang sila titigil pag pagod na bago magtatawanan.

Inakbayan ako ni Alex at nilayo sa kanila. Si Alex lang ang hindi mahilig makipagbiruan sa kanila ng sapakan. "So did you really kiss and make up?"

Siniko ko siya sa tagiliran.

"Oh shit you really did?" Nanlalaki ang mata niya.

Tignan mo 'to kanina inaasar ako tapos ngayon magugulat.

"Hindi! Ang issue niyo!"

"Aba malay ko ba. You two fight like you're together."

Do we? I think we fight like normal friends.

"You need to shut up now. Really, Alex." Tawa ko.

"O ayan na pala 'yung boyfriend mo." Sabi niya paglapit ni Travis. "Saan date niyo? Ingatan mo si Ming baka mawala."

Tumawa silang dalawa at naghigh five. I guess tapos na ang sapakan nila.

"Hello I'm still here." Sabi ko but they just ignored me and continued with their talking.

"You know I won't let that happen." Ngisi niya at ngumisi rin si Alex.

Pakiramdam ko talaga may meaning 'yung mga ganyang ngisian nila, e. I just can't figure it out yet.

"Halika na nga!" Naiirita kong sabi.

Naiinis ako pag silang dalawa ang magkausap kasi feeling ko palaging may something sa bawat tingin at pag ngisi nila.

"Ang aggressive mo naman, Ming. Gusto mo na agad halikan si Travis?" Halakhak ni Alex at napapailing nalang si Travis sa kanya.

Hinila ko nalang siya palayo kay Alex. Tahimik naman siyang sumunod sakin hanggang sa huminto ako sa tapat ng kotse niya.

"Kung gusto mo ako masolo sabihin mo lang." Malokong sabi niya.

What it is today na lahat ng tao inaasar ako. It's not even my birthday.

"Oo gusto kitang masolo. Now get in the car." Sarcastic kong sabi.

"Demanding, I like that." Pumasok na siya sa loob and asked, "So madam, saan tayo?"

There is only one place that I want to go right now at sigurado akong gusto rin niya 'yun.

"Gym? Never pa tayo sabay nag gym." Nilingon ko siya.

Napaisip siya at ngumiti. Nako alam na alam ko 'yang ganyan ngiti niya. He's up to something.

"Gym," Tumango siya, "Yeah we need to. Para magwork out tayo."

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon