Chapter 14 - Awkward Situations

1.9K 46 0
                                    

Apparently Alex can't forget the car incident we pulled last 2 days. They had to walk until a cab showed up and he swore to never bring his car when he's with us so now Travis and I are stuck with Greg.

We should try to steal his car key some time so he can leave us alone.

"Kayo na ba?" Greg asked while we're eating and I almost choked on my food.

Hindi sumagot si Travis kaya lalong naintriga si Greg. Uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot. "God, no!"

"Ahh, dating stage pa lang kayo?" Sabi niya na parang satisfied siya sa nalalaman.

"Anong pinagsasabi mo? We're not a thing and we're not dating." Sabi ko.

This time si Travis naman ang nilingon niya. "Damn! Bro, kawawa ka naman. Hindi ka pa pala sinasagot." Tawa niya.

Hindi sumagot si Travis kaya lalong naging awkward dahil walang nagsasalita sa amin and we just kept on eating in silence until we finished. That's when Greg started talking and teasing us again.

"Are you sure you're not dating? Wag na kayo mahiya sakin. Amin na."

"Isa pa, Greg. Masasapak na kita." I warned and I feel like I need to excuse myself. What's with Greg today?

He insisted on going with us tapos mang aasar lang siya. Shouldn't have let him come along.

Medyo nagtagal ako and when I got back napansin kong may pinaguusapan silang seryosong bagay because of their face. 'Yung kaninang nakakalokong mukha ni Greg ay napalitan na ng serious look.

Masyado silang seryoso kaya hindi nila napansin na naririnig ko sila.

"--Next week. Are you going to use this chance to confess?" Dinig kong tanong ni Greg.

Shit oo nga. It's going to be Valentine's next week so he's probably planning to surprise someone. Wait a minute, if I'm not mistaken, may babae nang gusto si Travis? Wow, such a lucky girl.

"I'm still thinking about that. We're really close pero bro you think it's okay? It's okay if she doesn't want me since lalaki naman ako. But she's a girl for sure she'd be awkward around me." Ani Travis.

There goes the thoughful Travis.

Who is this girl that he is going to confess to? May nagugustuhan na pala siya tapos dikit pa siya ng dikit sa akin. He should have told me para iwasan ko na siya. Baka ako pa maging dahilan ng hindi pagsagot sa kanya ng babaeng gusto niya.

Parang biglang sumikip ang dibdib ko nung nalaman ko na may iba siyang gusto.

"Are you kidding me? Travis nagdadalawang isip dahil baka hindi sagutin ng babae? Man, eto sasabihin ko sayo, I'm sure gusto ka nun! Mga galawan niyo pa lang." Nakakalokong sagot ni Greg.

Tumawa lang si Travis and that's my cue to go back.

"What are you up to? Bakit natatawa 'tong isang 'to?" I asked na parang wala akong narinig.

"Travis is thinking--"

Pinutol siya ni Travis sa pagsasalita.

"We're thinking to let you pay the bill." He said at inabot sa akin ang bill.

Kinuha ko 'yung bill. "Hm, just last time someone told me to keep my wallet when he's around. I wonder what happened to that."

"Nagpapasahan pa kayong dalawa." Greg shook his head. "Akin na nga 'yan, mga kuripot!"

If I know maganda lang 'yung waitress kaya 'yan ganyan. Then nakita kong 2k ang nilagay niya sa bill samantalang 1500+ lang 'yun then he even asked the girl to keep the change.

"Let's go? Baka malate tayo."

Buong byahe papuntang studio ay walang laman ang isip ko kung hindi kung sino ba talaga ang babaeng gusto niya. Inisa isa ko pa sa utak ko 'yung mga babaeng nakafling niya dati pero wala talaga akong maisip dahil sa pagkakaalam ko wala naman siyang dinedate ngayon and he doesn't do past flings. At kung meron man sasabihin naman niya siguro sa akin pero-

"Anong pinakain niyo dyan at kanina pa yan wala sa sarili." Tawa ni Alex then he nudged me. "Smile naman dyan! Sige ka, papangit ka sa picture mo."

"Baka hindi nabusog." Singit ni Travis sabay takbo nang samaan ko siya ng tingin.

Matagal ko rin inantay 'tong araw na 'to but I'm not really in the mood right now to have my graduation picture taken.

"Alis nga kayo!" Pagtataboy ko sa kanila habang minemake up-an ako.

"Ow, someone is feisty. Tara na nga dun." Greg said and what he said next had me rolling my eyes. "May maganda dun. Hindi pa masungit!"

Kung bakit ko ba naman kasi pinakinggan 'yung usapan nila kanina. Pinagusapan na nga nila 'yun kung kailan wala ako tapos ako 'tong nakikinig sa usapan-

Then it hit me.

Oh, that's why Greg is teasing me and Travis. He did it on purpose to make things awkward kasi alam niyang mahilig akong umiwas sa mga awkward situations.

Damn it. Bakit hindi ko 'yun naisip kanina! I was too preoccupied with Travis kaya hindi agad pumasok sa utak ko ang ginagawa niya. Kaya pala ang weird ni Greg kanina. Hindi naman kasi siya ganyan. His attention is always with the girls surrounding us tapos wala naman siyang pakialam sa amin.

Above all, nakakatampo pa rin kasi ako lang yata ang may hindi alam.

It's really hard to be the only girl in a group. Hindi ako kasali sa usapan nila.

But it's harder when you know your best friends are keeping secrets from you. I don't know why they think it's a good idea to keep it from me. Close kami ni Travis but it means nothing and if they told me automatic na alam kong dapat medyo umiwas na ako kay Trav.

Hindi nga lang ako sigurado kung kaya ko siyang iwasan but gagawin ko.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon