I never thought that Travis would be so good at lying. And I never thought that he'd do it again after last time. Akala ko hindi na niya uulitin. He said it like he's really serious and sincere about it. I thought wrong.
Bakit ba ang bilis bilis ko palagi maniwala pag kay Travis? Hindi ako madaling maloko dahil hindi ako nagpapaloko. But..Travis, he's just so good at it. Or is it because he's Travis kaya ang bilis ko magpaloko.
I trusted him too much. And now, he's gone again. I don't know where the hell he went! I tried calling his phone but he's not available. I tried asking the boys to call him too and his phone is also turned off.
What the hell happened to him? Wala akong kaalam alam! One day he's here and then next nawawala siya. He did it twice already. Nung una nung nasa Tagaytay kami and then nung hindi siya nagpakita nung kuhaan ng grades. What's the matter with him lately?
Nakakahiya pa pag tinatanong ako ng mga tao tapos sasabihin ko hindi ko alam. They will give me faces like "ikaw girlfriend tapos hindi mo alam" look. 'Yung iba naman naaawa kasi girlfriend nga ako pero hindi ko naman mahagilap 'yung boyfriend ko!
Naiinis na ako sa kanya! Shouldn't we be trusting each other? Looks like ako lang ang nagtitiwala sa kanya. I know there's something about him and his mom pero ayaw kong makialam since family niya 'yun at kilala ko siya. Sasabihin niya sakin pag gusto niya.
Kilala ko rin siya at alam kong kung ayaw niya magpahanap hindi siya magpapahanap. But what the hell?
Minsan napapaisip nalang ako kung naging good girlfriend ba ako sa kanya o ano. I hate it but I think I'm starting to doubt myself. Ayaw ko ng ganitong feeling.
I want us to be okay. I'm trying my best pero siya.. I know nageeffort siya for me pero 'yung ganito? Who wants to be left? Wala naman diba? 'Yung tipong mawawala tapos magugulat ka nalang na nandyan na pala siya.
Ayaw kong masanay na ganun. Hindi okay sa akin na bigla siyang mawawala without saying anything.
He's like my parents. Ayaw kong ganun ang mangyari sa amin sa huli. Kasi nasanay na ako na wala sila. They are always out of the country or out of town kaya pag umuwi sila parang wala lang sakin. I don't know what to feel parang stranger sila para sa akin. Hanggang ngayon, nasanay nalang ako na ako lang magisa. We skype or facetime pero sandali lang 'yun at madalas ay kamustahan lang.
Something is urging me to stop this thing between us pero ayaw ko. I want us pero kung ganito ng ganito, we better stop this kasi wala rin naman patutunguhan e. Mukhang naglolokohan lang kami.
Magkakasama kaming lima ngayon sa tambayan namin at mukhang sanay rin sila na nawawala si Travis. Hindi nga sila nagulat nung nalaman nila.
"Baka nambabae na. Lambingin mo kasi paminsan!" Inasar pa ako ni Greg. Hindi ko siya pinansin pero nakita kong siniko siya ni Charles at pinanlakihan ng mata.
Bumuntong hininga ako. "I'm really trying. Really, really trying pero mukhang wala talaga e. Bahala na nga siya!"
"Huy joke lang 'yun! Baka seryosohin mo. Wala siyang ibang babae!" Agad sumagot si Greg.
"I know pero kasi bigla nalang siya nawawala. Hindi niya naiisip kung ano pwede kong maramdaman. Basta pag trip niyang mawala, mawawala nalang siya at babalik pag feel na niya. Wow ah!"
Nagrarant na ako sa kanila pero wala akong pakialam. I need to let this out kasi ang hirap huminga pag hindi ko 'to nalabas lahat.
"Minsan nga naisip ko kung seryoso ba siya sa akin. I mean baka nachachallenge lang siya since we never get along tapos bigla kami naging okay. Hay, hindi ko na alam." Tumayo na ako at inayos ang bag ko.
Gusto ko nang umuwi. Gusto kong isipin na pag uwi ko ay makikita ko siya sa labas ng bahay na nakasandal sa kotse niya at naghihintay sa akin. Pero sawang sawa na ako makakita ng ganon sight. Napapagod na ako maghintay kung kailan siya magoopen up sa akin.
It's not my fault pero siya ang nagpaparamdam sa akin ng ganito.
"Where are you going?" Tumayo rin si Alex. Alarma ang kanyang mukha.
Tumawa ako, "Going home."
"I'll go with you." Sabi niya at naunang maglakad.
I just shrugged and followed him. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin and I guess it right when he stopped just beside my car.
"What is it?" Tanong ko at tumaas ang kilay niya. "You are going to tell me something, right? May alam ka."
Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa at tumingin sa malayo. He's contemplating kung sasabihin niya sa akin o hindi.
"I'm not in the right place to tell. But Travis.. he's..leaving." Nagiwas siya ng tingin sa akin.
"Yeah. He leaves then he comes back. What's new? Sinasanay ko na nga sarili ko." Tawa ko.
Kung 'yun lang ang sasabihin niya sa akin. Well, good news, alam ko na 'yun.
"No. He's leaving. Really leaving. Nagkaproblema sila Tito. He wants Travis there." Tumingin siya sa akin at this time ako naman ang nagiwas ng tingin. Ayaw kong may makita siyang emosyon sa akin.
He's leaving. Ayaw magsink in sa akin. But why..
Travis never mentioned anything about this to me. Tuwing tinatanong ko siya ay iniiba niya ang usapan.
Tinitigan ako ni Alex hoping to find some reaction from me. I did what I do best. Tumawa ako at nagkunyaring walang pakialam.
Before he could even say something, sumakay na ako sa kotse ko at mabilis na nagdrive paalis.
Gaya ng gusto kong mangyari, just like a dream, he's there! Right outside my house! Hinintay niya akong matapos magpark bago siya naglakad papunta sa akin. May dala dala pa siyang cupcakes.
Huminga ako ng malalim at pilit na inayos ang mukha ko. "Peace offering mo ba 'yan for disappearing again?"
Nagkamot siya ng ulo at inabot sa akin ang box. "I guess?"
Ayaw kong tanggapin pero dapat kong kunin kaya tinanggap ko na.
Sari saring emosyon ang namuo sa akin nang nakita ko siya sa malayo. Gusto ko siyang murahin, awayin at sigawan for not telling me everything. Pero sino nga naman ako sa buhay niya?
"You're not leaving me again, right?" I tried to give him my best smile hoping that he won't fail me this time. Hoping that he could tell me the truth.
One last chance. I gave him that pero sinayang niya because until the end he lied to me. He failed me.
"Yeah, I'm not."
He's really a good liar. So good that I almost wish I didn't know the truth.