Chapter 29 - Of Endearments and Kisses

1.5K 45 0
                                    

After few bottles of beer and talks, napagisipan namin na matulog na rin.

Pahiga na ako nang may kumatok sa kwarto ko. Akala ko kung sino ang kumakatok pero narinig ko ang pamilyar ni boses ni Travis.

Bumangon ako at binuksan ang pintuan.

"What are you doing here? Hindi ka pa inaantok?"

"Can I sleep here?"

"W-what?" Okay, why the stutter. I cleared my throat and tried asking again. "Why?"

"No choice. They locked the door. Nakalock rin ang kay Charles. Kumatok ako but they won't open." Halata ang iritado sa mukha niya dahil sa antok at walang kwartong matulugan.

"So can I sleep there? Kahit sa sofa lang ako." Tanong niya ulit.

Nilingon ko ang kwarto at napakunot ang noo ko. "Uh okay but there isn't any sofa in here."

Binuksan ko ang pinto at pinapasok ko siya sa loob.

Maliit lang ang guestroom na to compare sa tinulugan nila Alex. Napagkaisahan nanaman nila kami.

Umikot ang paningin niya at napagtantong isang kama, cabinet at table lang ang meron sa kwarto.

Napakamot siya ng ulo. "Its fine. Sa sahig nalang ako."

But I can't just let my boyfriend sleep on the floor right?

"Gusto mo tabi nalang tayo. That is kung okay lang sayo?" I suggested. Ilan beses na rin naman kaming nagtabi. Moreover boyfriend ko na siya ngayon so okay lang siguro 'yun.

Pahamak kasi sila Alex. Lagot sakin mga yun bukas!

"Okay." then dumiretso siya sa kama at humiga sa left side.

Napangiti ako. Alam niyang gusto ko sa right side ng bed.

Humiga na rin ako. Ang problema lang ngayon isa lang ang kumot kaya kailangan talaga namin magshare.

"Uhm. So, inaantok ka na?" Tanong niya sakin pagkahiga ko.

"Hindi naman. Ikaw?"

Dalawa kami nakatitig sa kisame ng kwarto. Nafifeel rin ba niya ang awkward atmosphere?

"Hindi rin." He let out a nervous laugh.

I shifted so nakaharap ako sa kanya habang nakatingin pa rin siya sa ceiling.

"What did you mean sa sinabi mo kanina?"

Tinignan niya ako pero agad rin bumalik ang tingin niya sa taas. "Wala 'yun. Wag mo na isipin."

Tumahimik nalang ako ulit. Wala na, hindi ko na alam sasabihin. This time alam kong may tinatago talaga siya sakin.

Umayos siya ng higa at pumihit paharap sa akin so we're face to face now.

"Kiss ko?" Ngiti niya.

"Kiss ka dyan! Wala tayong usapan na ganun."

"Ah ganun, ayaw mo?"

Hindi ako sumagot. Seryoso ba siya sa sinabi niya kanina? So pag ayaw ko hindi ko na siya makikiss forever.

"Gusto mo o ayaw?" Tanong niya ulit.

"Ayaw." Mahina kong sabi.

"Sigurado kang ayaw mo? Baka magsisi ka. Ano gusto mo o ayaw?" Tanong niya ulit.

"Gusto." Bulong ko. Ahh, ang awkward naman nito! Ang landi landi niya talaga!

Lumaki ang ngiti niya. "Yun naman pala eh. Kiss ko na."

Ngumuso ako at napaisip. I let out a loud sigh before I went closer towards his face. Konti nalang at didikit na pero mabilis siyang nagiwas ng mukha at tumawa.

"Joke lang! Gagawin mo naman talaga. Of course I won't let you kiss me. Gusto ko ako. You should know that guys should always be the one to kiss you."

"Ang lakas ng trip mo noh? Gusto mo 'yung napapahiya ak-"

Bigla nalang niya akong hinalikan habang nagsasalita pa ako. I was really caught off guard there pero sandali lang niya ako hinalikan.

"May sinasabi ka ba?" Tanong niya pagkatapos.

Tingin ba niya may sasabihin pa ako after ng mind blowing na kiss niya na 'yun! Sandali lang ang halik but it was really mind blowing. I dont know pero yun ang nafeel ko.

"Let's sleep. It's getting late." At napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

Pumikit na siya at nakatitig pa rin ako sa kanya. Lalo tuloy ako hindi dinalaw ng antok. How am I going to sleep when he just kissed me!

Maya maya ay hindi pa rin talaga ako inaantok kaya kinulit ko siya.

"Travis.."

"Hm?" Sagot niya habang nakapikit.

"Gising ka pa?"

"Hmm."

I don't know what's with me but I found myself closing the distance between us and kissed him on his cheek. Napadilat siya sa ginawa ko at narinig ko siyang nagmura.

Napatingin siya sa akin at namumungay ang mga mata niya.

"Baby." Pati boses niya ay husky.

Kung ano anong endearment ang tinatawag nito sa akin! Minsan love tapos ngayon baby. Pero pareparehas ang epekto nun lahat sa akin. Oh damn endearments!

Pinadaan niya ang daliri niya sa tungki ng ilong ko at napapapikit ako.

Naramdaman kong gumalaw ang kama at sunod kong naramdamam ang pagdampi ng labi niya sa mata ko at sumunod sa ilong ko tapos sa labi ko. Mabababaw na halik lang ang binibigay niya pero shit.

Nakailan mura na ako sa utak ko. Sobrang nagwawala ang puso ko sa ginagawa niya. Unti unti kong sinuklian ang halik at naramdaman kong pumulupot ang isang kamay niys sa likod ko habang nasa batok ko ang isang kamay.

Nalulunod na ako sa halik niya and I think I won't be able to stop even if he told me to.

Siya ang naunang humiwalay sa amin at pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Dumilat ako at nakita kong nakapikit pa rin siya.

Namumungay na mata ang sumalubong sa mata ko pagkadilat niya. Ganon rin kaya ang mata ko ngayon.

"Damn! I love you so much!" Bulong niya.

"I love you so damn much too." Sagot ko.

Natawa siya at niyakap ako. "Stop cursing."

"Nauna ka kaya!"

He kissed the top of my head. "Sleep. Really sleep. If you try to kiss me again I swear I won't be able to stop anymore."

"Weh?" Pangaasar ko.

"Try me. You'll do me a favor by trying."

"Whatever! Goodnight, Trav." At niyakap ko siya pabalik.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon