Chapter 60 - Minus Points

1.6K 38 1
                                    

Mahirap. Mahirap manligaw lalo na kung hindi namamansin ang nililigawan! At first I was so trilled because I thought it's going to be easy but when a week passed and still, he's as cold as winter, medyo nagbabago na ang isip ko and I regret about accepting the challenge.

Like him I like a challenge but this I don't know if I like.

Nakita ko silang nagtatawanan sa bench habang may pinaguusapan. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa kanila. Travis saw me but he acted like he didn't! The nerve of that guy! Sisiguraduhin kong siya naman ang pahihirapan ko once I get him.

Nagtatawanan pa rin sila nang makalapit ako. They are talking about a girl! If I'm not winning his heart here malamang binatukan ko na 'siya.

Binato ko kay Travis ang paper bag na hawak ko na agad niyang nasalo.

"Ano 'to?" Tinagilid niya ang ulo niya habang hawak ang binigay ko sa kanya.

"What do you think?" Tumaas ang kilay ko sa tono niya.

"Oohh, taray." Narinig kong comment ni Greg na nakangiti. Pinagtritripan nanaman ako nitong mga 'to!

"Mister, kung ayaw mo edi wag!" Akmang aagawin ko 'yung paper bag pero nilayo niya just before I could reach it.

"I'm just asking! Sabihin mo lang kung ayaw mo na para alam ko kung sasagutin kita o hindi." Nangingisi niyang sabi habang tinitignan ang laman ng paperbag.

Tinalikuran ko na siya pagkatapos nun. I hate that guy! I need to think of other ways to get him. This isn't working at all! "The way to get into a man's heart is by his stomach" apparently this quote can't be applied to him.

"Nako, kung ganyan ang manliligaw ko hindi ko sasagutin yan." Malakas na sabi ni Alex para marinig ko.

I groaned. Nakakainis! They are all on his side! I think only the girls can help me now. Tignan nalang natin kung sinong mananalo sa huli. Reyna is also a good bait for Greg. I will make sure na sa akin pa rin ang huling halakhak. Travis should know that I always have a way to get what I want at hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko.

Tinext ko agad si Lance at ang mga girls. I realized that I need an opinion from a guy and it's definitely not from the boys. You see, they don't want to help me. Tuwang tuwa pa sila na pinapahirapan ako ni Travis!

xx

"I'm on. What's your plan?" Nakapalumbaba ni Alyssa sa table habang iniinom ang kape niya.

"Hindi ko pa nga alam. Lagot talaga sakin yan si Travis. Lakas ng loob pahirapan ako!"

"Ikaw naman kasi, e! Tinanggap mo pa. Alam mo naman hindi ka rin matitiis nun dapat hinayaan mo nalang." Sabi ni Hannah.

Umirap si Yna kay Hannah. "Parang hindi mo naman alam. Mapride yan! Ayan tuloy napala."

"So pati kayo aawayin ako? C'mon help me here!"

Reyna shrugged from her seat. "I'm on your side. Lagot sakin yan si Greg for siding with Travis!"

"Woah woah chill girls.. Baka nakakalimutan niyo may lalaki dito? I think he did that because his pride is hurt." Lance nodded.

"Ano naman akala niyo kayo lang mapride? Babae kaya kami kaya dapat kami ang suyuin noh and not the other way around!" Yna argued.

"That's the problem, gusto niyo palaging kayo. Aba unfair naman ata yan sa amin." Lance said.

"I say..that's the best part of being a girl." Alyssa smirked.

"Okay stop." I raised my hand. "Seriously, isang oras na tayo nandito. Ano na?" Sumandal ako sa upuan ko. This is getting harder and harder.

"I do have a plan." Alyssa answered.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon