Chapter 53 - House Hopping

1.5K 43 1
                                    

I set my alarm clock early in the morning para makapagjog ako sa may village namin. Matagal na rin akong hindi nakakajog sa dami ng iniisip ko. It's good that now I actually found time to jog plus feeling ko tataba kung buong sembreak ay nasa bahay ako.

I'm wearing my favorite pair of running shoes, jacket and leggings. Mga halos isang oras rin siguro akong nagjog bago ako dumiretso sa bahay ni Josh. My favorite place after I jog. (Because Auntie cooks yummy breakfast)

Nakangiti akong nagdoorbell at pinagbuksan ako ng Daddy ni Josh. "Goodmorning Uncle!" Masayang bati ko.

"Ang aga mong nandito a? May lakad kayo?"

"Wala po. Nagjogging po kasi ako kaya dumaan ako dito." Ngiti ko.

Bumalik si Uncle sa table at dinampot ang dyaryo habang umiinom ng kape.

"Did you eat already? Why don't you join me here? Natutulog pa ata si Josh. It's good that you exercise. 'Yun si Josh ay walang ginawa kung hindi ang matulog at kumain." Umiiling siya habang nangingiti ako.

Buhay baboy talaga si Josh pero siya 'yung kilala kong hindi tumataba sa dami ng kinakain. Fit na fit pa rin ang katawan niya. If I know patago siyang nagwowork out!

"Dad! Ano nanaman sinasabi niyo-" He stopped mid stairs when he saw me at nanliit ang mata niya sa akin. "Why are you here?"

"Grabe ka a! Ikaw nga bigla bigla ka rin sumusulpot sa bahay!" Sabi ko habang kumukuha ako ng isang pancake. Well hello again pancakes!

"You woke up early just to eat? Wow!"

"Excuse me lang, nagjogging kaya ako!" Pinakita ko pa ang itsura ko sa kanya. "Palibhasa ikaw puro kain lang ang alam mo!"

Tumabi sa akin si Josh tapos ay tinusok niya ang pancake ko.

"Hey this is mine! Kumuha ka ng sayo!" Reklamo ko, I almost forgot that Uncle is with us.

"Ang damot mo naman nakikitusok lang, e! Besides that is my breakfast." Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Sabi kaya ni Uncle samahan ko siya!" I stuck my tongue out at him and looked at Uncle at nginitian ko siya.

"Josh. Manners."

In just 1 word napatahimik niya si Josh. Yay I won! Girls always win though.

In the end wala siyang nagawa kung hindi ang kumuha ng sarili niya tapos ay pinaghugas pa siya ng pinggan ni Uncle dahil nag grocery si Auntie. Gumanti naman sa akin si Josh nang nanonood ako ng tv. Tinago ba naman niya 'yung remote tapos daan siya ng daan kaya hindi rin ako nakanood!

"Aalis na nga ako. Mukha naman hindi ako welcome dito. Pupunta nalang ako kay Charles." Pagdadrama ko pero wala siyang pakialam dahil pumalakpak ang ang loko.

"Yes! Mabuti pa nga. Sige na alis na, dun ka naman mangistorbo!"

Sinimangutan ko siya kahit na alam kong nagjojoke lang siya. Paalis na ako nang tawagin niya ako. Akala ko nakonsensya kaya pipigilan ako 'yun naman pala balak sumama para makaganti at makikigulo rin sa ibang bahay.

House hopping and ginawa namin at sa bandang huli we all end up here in my house. Just great!

"Sino ba nagsimula nito? Diba ikaw?" Ani Alex at sabay sabay silang tumingin sa akin habang nagtataas baba ang kilay at naglalakad papalapit sa akin. Oh no..

"Wait," Hinarang ko ang kamay ko but they didn't stopped. "Hindi kaya ako! Si Josh talaga! I was going alone when he gave me the idea." I tried explaining pero mas lumawak ang mga ngiti nila.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon