Kaharian ng Hermiano
Third person POV
Kasalukuyang nanganganak ang reyna ng kaharian ng Hermiano ng may marinig sila ng malakas na pagsabog.
" Ano ang nangyayari dama Rosa?" Tanong ng hari sa damang nagmamadali patungo sa kanila.
" Kamahalan, lumulusob ang mga alagad ng dark kingdom." Humahangos na balita ng dama.
Habang nag uusap.. Nakarinig ng iyak ng sanggol ang hari.
" Kamahalan, lalaki ang batang isinilang!" Sabi ng canfes o komadrona na nagpasilang sa Reyna.
Madali naman itong kinuha ng hari at pinagmasdan ang anak na bagong silang.
" Kamahalan, anong nangyayari sa labas ng palasyo?" Tanong ng nanghihinang Reyna.
" Lumulusob ngayon dito ang mga durkas, mahal kong reyna, kaya kailangan ko na kayo mailayo dito!!" Sagot ng hari sa reyna.
Pinatawag ng hari ang dama upang maitakas ang kaniyang anak..
" Dama Rosa, kunin mo ang prinsipe at dalhin mo sa malayong Lugar. Hindi maaari na mapaslang ng kalaban ang aking anak!!" Utos ng hari sa dama.
" Masusunod, mahal na hari!!" Sagot ng dama at itong lumuhad upang magbigay galang.
" Mahal kong hari, hayaan mo na ibigay ko ito sa ating anak upang sa kaniyang pagbalik dito sa palasyo ay atin siyang makilala" pahayag ng reyna habang sinusubukang tumayo sa kaniyang pagkakahiga.
Sinabit ng reyna sa leeg ng prinsipe ang kwintas na pag-aari ng kaniyang mga ninuno.
" Mahal kong prinsipe, hindi namin kagustuhan na ika'y malayo saamin ngunit ito ang nararapat gawin. Nawa'y basbasan ka ng mga diyos at diyosa upang malayo ka sa panganib. Mahal na mahal kita anak." Umiiyak na turan ng mahal na Reyna sa anak..
" Madali ka dama Rosa, pumasok na kayo dito sa portal.. ito ay patungo sa mundo ng mga mortal upang mailayo kayo sa tiyak na kapahamakan!!" Pahayag ng hari.
"Mag iingat kayo dama at mahal kong prinsipe.. magkikita tayong muli mahal ko anak!" Turan ng reyna.
" Masusunod mahal na hari at reyna, gagawin ko po ang lahat para sa prinsipe." Pahayag ng dama bago pumasok sa lagusan.
Habang nag uusap. Nakarinig sila ng malakas na pagsabog ng pinto ng silid na kanilang tinutunguyan.
" Kumusta mahal kong kapatid? Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko? Hahahah " makalas na sigaw ng hari ng dark kingdom.
" Hindi ka na talaga magbabago Arturo masama talaga ang iyong budhi!" Bulyaw na sagot ng hari sa kaniyang kapatid.
" Wala kang pakialam!! Nasaan ang prinsipe at ng siyang aking mapaslang!!" Sindak na sigaw ng hari ng durkas.
" Heneral Philip, ilayo mo dito ang reyna" utos ng hari sa heneral na nasa kaniyang tabi.
" Hindi mahal na hari, sasamahan kita sa labang ito" kontra sa kaniya ng reyna.
" Hahah kung ganun ililibing ko kayo dalawa ng buhay dito sa inyonh pinaka mamahal na kastilyo.. mga alagad patayin silang lahat!! Utos ng hari ng durkas sa kaniyang alagad.
Kasama ang malalakas na kawal ng durkas ay hindi naging madali ang naging laban sa pagitan ng dalawang panig. Marami ang nasaktan at nasawi dahil sa digmaan.
Habang patuloy ang digmaan.
" Thunder's cry" malakas na bigkas ng hari. At may malakas na boltahe ng kidlat na dumapo sa mga kalaban at namatay.
Habang ang reyna ay inilabas ang kaniyang alagad upang siya ang ipagtanggol na si Mirida.. Isang malakas na pinuno ng mangkukulam ang kaniyang summmonee na kayang gumawa ng ibat ibang atake.
Habang naglalaban.. Ang hari ng kadiliman ay nag ngingitngit sa galit sa kaniyang nakikita malaking pagkabawas ng kaniyang mga tauhan.
" Alaka niyo ba mapapabagsak niyo ako!! Unuutusan kita kawal ng kamatayan Rufus tapusin mo ang mga walang kwentang iyan!! Sigaw at utos ng hari ng kadiliman sa kaniyang summmonee.
Bago makakilos ang kawal ng kadiliman.. dumating ang mga hari at reyna sa ibat ibang palasyo upang tulungan ang haring Angelo.
" Hindi ka nmin hahayaan na gawin mo yan Arturo!" Hayag ng hari ng Gresia na si Haring Lojan.
" Mga pakialamero!! Akala niyo ba kaya niyo ako!! Bulyaw ng hari ng durkas.
Bumigkas ng enkantasyon ang mga hari at reyna upang selyuhan ang hari ng durkas.. May lumabas na magic circle sa paanan ng hari ng kadiliman at unti unti siya nitong nilalamon.. Bago makapasok ay hindi nila napansin ang summonee na si Rufus na sinaksak ang reyna Minerva.
" Akala niyo ba gaanon niyo nalang ako kadali magagapi?! Ako ay magbabalik at sa aking pagbabalik ay titiyaki you ko na ang aking tagumpay!!" Sigaw ng hari ng durkas bago ito nakulong sa selyo kasama ang kaniyang summonee..
Napansin naman agad ng hari ang reyna sa kaniyang tabi na nanghihina at may saksak..
" Hindi!! Mahal kong reyna, tibayan mo ang iyong loob huwag kang mawawala sa akin" hinagpis ng haring Angelo sa kaniyang Reyna.
" Mahal ko, ikaw na ang bahala sa ating nasasakupan.. Ang ating anak ay iyong protektahan.. " nanghihinang sambit ng reyna bago ito binawian ng buhayw.
" Hindi!!! Mahal ko gumising ka!! Hindi ka pwede mawala!! Hinagpis ng hari sa kaniyang Reyna.
Awang- awa ang ibang mga hari at reyna sa nakikita nilang kinahinatnan ng knilang kaibigan..
Ilang sandali. Nakita nila ang maraming asul na paro paro na patungo sa direksyon ng nakaratay na reyna..
" Hindi!! Huwag niyo muna kunin ang aking mahal na asawa!! Pagmamakaawa sambit ng hari sa mga paro parong tagasundo ng kaluluwa.
Wala ng nagawa ang hari ng unti unti naglalaho ang kaniyang mahal na reyna..
"Pinapangako ko mahal ko, hahanapin ko ang ating anak at siyang aking poprotektahan."
BINABASA MO ANG
Untouchable Beauty ( Power of Angel)
FantasyThis is a fictional story. Characters' names, settings, and all are just made of my imagative mind. Isang lalaki biniyayaan ng pambihirang kagandahan. Isang ordinaryong binabae na hahabulin ng masamang pwersa ng kadilimin.. Papaano ang no...