Third person POV
Nagising ako sa sikat ng araw. Nag- unat muna ako bago magtungo sa banyo. Hmm 5:40 na kailangan ko na magmadali.
Matapos maligo at magbihis ay nag ayos na ako. Pagakaharap ko sa salamin ay nagulat ako sa repleksyon ko.. Humaba ang hanggang balikat kong buhok na ngayon ay nasa hanggang beywang na, nag- iba din ang kulay nito, nagkaroon ng gold lining sa mababang parte, parang nahighlight ng gold. Ung mga mata ko nmn ay nag - iba din ang kulay, naging kulay ginto ito.. Ano bang nangyari kagabi? Tanong sa isip ko..
Hindi ko lubos maisip na ganito ang naging epekto ng nangyari sa akin kagabi. Ang natatandaan ko ay may pwersang nais lumabas sa loob ko tapos ay nawalan na ako ng malay..
Pagkababa ko ay hinanap ko agad si inay, nakita ko siyang abalang nagluluto para sa handa ko mamaya.
" Good morning, nay". Masayang bati ko sa kaniya.
" Good morning, nak. Happy birthday sayo." Masayang tugon namn ni inay. Niyakap ko nmn ito at hinalikan sa pisngi. Nakita ko nmn si inay na nabigla sa itsura ko.
" Anak, nag -iba ang kulay ng buhok at mata mo.." sambit nito.
" Maging ako nay ay nagtataka kung bakit nag iba ang kulay nito" balik tugon ko. Hindi na nag usisa pa si inay at mukhang mayroon siyang iniisip sapagkat natahimik ito...
" Ayos lang ba kayo, nay?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko nmn ang pagkabigla sa kaniyang mukha.
" Ayos lang anak. Mayroon lang ako iniisip. Mabuti ay kumain kana dito. At mamaya pag - uwi mo ay isama mo na ang iyong mga kaibigan" sagot nito. Tumango nalang ako bilang pagsang - ayon at baka dahil marami lang ginagawa si inay kaya marami siya iniisip.
Kumain na man ako habang si inay ay busy sa kaniyang mga niluluto..
" Nay, una na po ako" paalam ko sa kniya. Tumango lang ito at ngumiti ng tipid.
Lumabas ako ng bahay at sinalubong ako ni Mika.
"Happy birthday, frend!" Bati nito at yumakap sa akin.
" Thank you, frend!" Tugon ko. Nilahad naman nito ang kaniyang mga kamay upang ibigay ang regalo niya.
" Heto ung regalo ko sayo frend.. pero teka lang bakit parang nag- iba ang kulay ng mga mata at buhok mo? Usisa nito.
" Hindi ko din alam frend basta pagkagisinh ko ganito na ito". Tugon ko.
" Sana all may glow up pag birthday. Ano ba yan frend lalo ka gumanda, nakaka inggit ka!!"
Matapos ng pag- uusap ay pumasok na kami ng school. Iniwan ko sa amin ang ibinigay niya regalo.
Makalipas ang ilang oras ......
" Happy birthday, Angel!" Bati sa akin ng lima. Nagpasalamat nmn ako sa kanila. Nandito kami ngayon sa cafeteria.
" Mamaya paglabas ay dumiretso na tayo sa amin". Pag- anyaya ko. Tumango namn sila at ngpatuloy na sa pagkain.
Third person POV
Pinagmamasdan ng lima ang pagbabagong pisikal ni Angel. Nararamdaman din nila ang malakas na aurang bumabalot dito.
Lingid sa kanilang kaalaman ang naramdaman nilang pwersa kagabi ay nagmula sa taong kanilang minamatyagan.
Nagpatuloy nalang sa pagkain ang lima habang palihim na sinusulyupan ang taong kanilang pakay.
Angel's POV
Kasama ko na ngayon ang anim at papunta na kami sa amin. Naglakad nalang kmi dahil malapit lang din nmn ang bahay nmin. Hindi na kumontra pa ang iba sa paglalakad nmin.
BINABASA MO ANG
Untouchable Beauty ( Power of Angel)
FantasyThis is a fictional story. Characters' names, settings, and all are just made of my imagative mind. Isang lalaki biniyayaan ng pambihirang kagandahan. Isang ordinaryong binabae na hahabulin ng masamang pwersa ng kadilimin.. Papaano ang no...