16. levelling

342 27 0
                                    

Angel's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sinabi ni King.

Angel, I think I'm falling for you!

Angel, I think I'm falling for you!

Angel, I think I'm falling for you!

Ahh shitt!! Di ako maka get over hanggang ngayon.

" Angel, hoy! Tulala ka jan" at binatukan pa ako ni Sarah.. aray ko!!

" Bat ka nambabatok?" Habang himas ko ang batok ko .

" Hello, kanina pa kaya ako salita ng salita dito di ka nakikinig. Ano bng iniisip mo? " Curious niyang tanong. Namula agad ako sa alaala kahapon.

" Aha! Mukhang inlove ka ahh namumula ka pa jan!" Nakangisi sabi nito. Hinampas ko nmn agad ito sa balikat.

" Gaga! Hindi no" deny kong sagot. Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

" Hindi daw peri kung maka pag daydream ka jan! If I know si Prince K------" tinakpan ko agad ang bibig niya baka marinig pa ng iba kong kaklase. Talaga tong babae to!!

" Shhh! Wag kang maingay" sabi ko habang lalong namula.

" So, totoo nga? Kyahhhh!!" Ang lukaret tumili pa ng malakas kaya napunta sa amin ang atensyon ng lahat.

Ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si prof Irco,ang prof nmin sa duel. Tumingin ako sa katabi ko at nakatingin sya sa akin na maraming kang dapat ikwento look. Hays, sabi ko na nga ba wala ako takas dito eh.

" Maaga ngayon gaganapin ang levelling isang linggo mula ngayon,  kaya wala na kayong pasok sa susunod na isang linggo bilang paghahanda niyo sa nalalapit na levelling. Dito natin malalaman kung may nag improve na sa inyo at para malipat sa ibang class ang mga magagaling na sa paggamit ng inyong physical na lakas at kapangyarihan. " Siguru may kinalaman ito sa ginawang pagsalakay ng mga darkus noon sa Mystic Forest kaya pinaaga ang levelling para makapaghanda na kmi. Kung ganoon ay kailangan ko pang magpalakas para magawa ko ang aking plano.

" Ok class dismissed!" At lumabas na si prof. Agad nmn ako hinila ni Sarah patungo cafeteria.

===================

Nandito ako ngayon sa realm ng mga guardian ko upang mag ensayo. Tuturuan daw nila ako ng mga stages ng summoning.

" Sa pagsummon master ay may mga stages. Ito ay ang stage one : Calling, kung saan tatawagin mo kami para tulungan ka sa iyong laban. Stage two ang Borrow, ito ay paghiram ng kapangyarihan sa amin master. Maaari mong gamitin ang aming mga kakayahan. Stage three ang Merge, ito ay ang pagsasama natin bilang isa master, dito kailangan ng pantay na daloy ng ating enerhiya para maging isa tayo. At ang huli ay ang stage four ang MultiMorph, dito ay maaari kang makiisa higit sa isa mong guardian master ngunit delikado ito master na sa oras na hindi mo ito nagawa ng tama ay maaari bawiin ang iyong buhay dahil sa hindi tamang pagdaloy ng iyong kapangyarihan." Paliwanag ni Lili. Nagawa ko ng ang stage one kaya sa stage two na kmi. Kinakabahan ako dahil dito pero kailangan kong tatagan ang loob ko, kailangan kong magpalakas dahil marami ang umaasa sa akin tulad ni inay.

Stage one: Calling
Stage two: Borrow
Stage three: Merge
Stage four: MultiMorph

" Kapag natawag mo na kami guardian mo master ay maaari ka ng humiram ng kapangyarihan sa amin, ngunit ang borrow ay may limitasyon 50% lamang ng kapangyarihan namin ang iyong magagamit." Hindi pa ako masyado familiar sa mga kapangyarihan ng mga guardian ko kaya hindi ko pa alam kung paano ko magagamit ito kapag humiram ako ng kapangyarihan sa knila.

" bilang prinsesa ng mga fairies master ako ay may kakayahan ng mga elemento tulad ng tubig, apoy, hangin, lupa maging ang yelo at kidlat master." Sabi ni Lili.

" Ako nmn ay may kakayahan ng pagparusa master bilang the Angel of Justice. Anuman ang gawing atake ng iyong kalaban ay babalik ito ng triple ang lakas. Kaya ko din gumawa ng mga spells master at illusion." Si Lucas.

" Ako nmn panginoon ay kayang isumpa ang mga nilalang master. Kaya kong  ipawalang bisa ang kanilang mga atake at isumpa ang mga nilalang. May kakayahan akong tinatawag na naked eyes, kaya kong makita kung masama o mabuti ang isang nilalang base sa aurang lumalabas sa knila." Paliwanag ni Thaddeus.

" Ako master bilang goddess ng tagalikha at tagawasak ay kaya ko ang lahat. Kaya kong ibalik ang dati nawala maliban sa pagbalik ng buhay dahil hindi na sakop ng aking kapangyarihan iyon, ang kataas taasang bathala na ang may kakayahan. Kaya ko din wasakin ang anumang bagay gaya na lamang ng mga lugar o buong mundo" si goddess Minea.

Grabe naman malalakas pala ang mga guardian ko. Alam ko ng kontrolin ang mga elemento dahil tinuruan na ako ni goddess Minea noon maging ang aking mga abilidad tulad ng teleportation, super strength at speed.

" Gawin na natin ang stage two master" sabi nila.

=====================

Lumipas ang limang araw dito sa mundo ng mga mago at isa't kalahating buwan katumbas sa spirit realm ,  tuluy tuloy ang ginawa nmin pag eensayo. Nahirapan ako sa stage four noon na halos ikawala ng hininga ko buti nalang ay nagawa nmin ito. Itunuruan din nila ako ng pagpapanatili ng lakas upang hindi ako agad maubusan ng enerhiya. Sa paggamit ng stage four ay maraming enerhiya ang kailangan gamitin kaya dapat panatilihin ang lakas ng enerhiya ko.

Sa lumipas na limang araw naging busy ang lahat sa kanilang pag eensayo. Si Sarah ay halos hindi ko na makita dahil magdamag ito nag eensayo ng mga spells niya kasama ang familiar nito.

Si King nmn ay dumadalaw pa rin dito kahit alam kong busy din ito sa pag eensayo niya. Lagi niya akong kinukulit na nagpapakilig saakin. Di ko alam na mayroon pala siyang side na ganon. Nagtataka na din ang ibang royalties sa pinapakita ng pulang prinsipe. Kapag ako ang kasama niya ay sobrang lambing nito kapag iba nmn ay walang emosyon ang kaniyang pinapakita. Sa lumipas na araw ay napatuyan ko ng iniibig ko ang mahal na prinsipe, alam kong nali ito dahil siya ay isang prinsipe at ako ay isang simpleng mago na walang ng pamilya. Higit sa lahat ay bakla ako at siya ay isang straight na lalaki. Pero kahit ganon man ay hindi ko hahadlangan ang puso kong magmahal.
Masaya ako kapag kasama ko siya kaya susundin ko ang nais ng puso ko.

Third person POV

"Panginoon pinaaga ang gagawin levelling sa Magi Academy" napangiti ng malademonyo ang itim na magong nakaupo sa kanyang trono.

" Kung ganon ay maghanda kayo para manggulo sa knila . Patayin niyo ang lahat ng mga estudyante HAHAHHA!! " Halakhak ng hari ng mga darkus.













Itutuloy.......

Untouchable Beauty ( Power of Angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon