Angel's POV
Lumipas ang isang linggo matapos ang tagpo nmin ni Prinsipe King.
Nakilala ko na rin ang iba ko pang guardian. Sinanay nila ako kung paano ko gamitin ang aking tunay na kapangyarihan.
Flashback
Nandito ako ngayon sa madilim na lugar. Wala akong makita o maaninag na anumang liwanag. Nasaan ako?
" Hello! May tao ba dyan?" sigaw ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa bigla na lang umikot ang buong Lugar. Napapikit nalang ako dahil don.Pagdilat ng aking mata ay napunta ako sa lugar na maliwanag. Nasaan na nmn ako? Tanong sa isip ko.
" Kumusta, master?" Narinig ko sambit ng isang bata. Tumingin ako sa paligid ngunit wala akong makita.
" Nandito ako master" masayang turan nito. Tumingin ako sa taas at nakita ko ang isang batang puti ang kasuotan at may apat na pakpak sa kaniya likod . Isang anghel! Sigaw sa isip ko.
" Tama ka master isa akong anghel. Ako si Lucas, ang anghel ng hustisya at ako ay iyong guardian!" Magiliw na pakilala nito. Kung ganoon ay isa sya sa mga guardian ko? Isang anghel? Namamangha kong wika.
" Bata ka pa lang ay kasama mo na kmi master. Ito ang araw na mgpapakilala kmi sa iyo bilang iyong mga guardian". Pahayag nito. Namamangha tumango ako sa kaniya. Shocks!! Mayroon ako angel guardian!
" Halika master upang makilala mo pa ang iba!" Wika nito at lumipad sa aking harapan. Bigla nalang nabalot ng liwanag ang buong paligid at pagmulat ng aking mga mata ay napunta kmi sa lugar na maraming mata paro paro. Napakaganda ng buong paligid dahil puno ito ng mga magagandang creatures tulad ng mga nymphs, fairies, unicorn at iba pa. Wow!!
" Master isara mo ang iyong bibig!" Bungisngis ni angel Lucas. Tumingin ako sa knya at medyo nahiya.
" Maligayang pagdating sa aking mundo, master!" Bati sa akin ng babaeng , bigla nalang may mga paro paro na nag aanyong tao sa aking harapan.
" Lili!" Medyo gulat kong tawag. Napangiti nalang siya sa aking reaksiyon.
" Ako nga master. Nakilala nyo na po pla si Lucas" wika nito. Tumingin ako kay Lucas at nakangiti siyang nakatingin sa akin.
" Magtungo na tayo kay Thaddeus master" pagkasabi nila ay nag iba nanaman ang paligid at napunta kmi sa lugar na puno ng nag liliyab na apoy. Hala! Nasa impyerno na ata kmi. Balak ata akong isangla dito nina Lili at Lucas. Mga gumugulo sa isip ko.
Nakarinig nmn ako ng mga tawanan sa aking gilid at nkita ko sina Lili at Lucas na nagpipigil ng tawa. Hay! Nakalimutan ko nababasa pla nila ang aking isip.
" Ikaw na ba yan panginoon!" Dumagundong ang malakas at nakakatakot na tinig sa buong lugar. Malilitchon na ata ako di oras huhuhu.
" Huwag kng matakot sa aking panginoon pagkat akoy iyong guardian!" Wika pa nito at bigla nalang may nagliliyab na bulalakaw na papunta sa aking direksyon. Napapikit ako sa takot na baka ako ay matamaan ng bulalakaw.
" Panginoon idilat mo ang iyong mata. Ako ito si Thaddeus the demon of curse" baritonong pakilala nito. Dinilat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang matipunong lalaki walang suot pang itaas at fitted na black pants lamang ang suot. Napalunok ako ng laway sa sobrang gwapo niya. Grabe may 8 packs abs siya at napakalaki ng katawan, mayroon din siyang buntot na patulis sa dulo. Kayumanggi na may pagkapula ang kniyang balat.
" Hindi ko alam na ako a iyong pinagnanasahan panginoon" nakangisi nito sabi. Namula ako at napayuko dahil sa hiya.
" Tama na yan Thaddeus may ipapakilala pa tayo kay master" masungit na sabi ni Lili at dumila pa si Lucas. Ang cute! Sinamaan nmn ng tingin ni Thaddeus si Lili.
Muli ay nagbago na nmn ang paligid at tulad ng kay Lucas kanina ay kulay puti ang buong paligid maliban sa itaas na ang buong universe ang makikita. Wow!! Nilibot ko ang aking panginin at may nkita ako isang malaking trono sa gitna ng lugar.
" Masaya akong nakapunta ka na dito Angel!" Tining ng isang babae. Luminga ako sa paligid at nakita ang isang napakagandang babae na may suot na puting dress. Bumagay sa kaniya ang gintong buhok niyang hanggang bewang at gintong mga mata. Sobrang ganda niya....
Ngumiti ito sa akin at nilahad ang kaniyang kamay. Nahihiya nmn ako iniabot ang kamay ko sa kaniya.
" Wag kang matakot sa amin Angel sapagkat kmi ang iyong guardian. Ako si Minea the goddess of creation and destruction at nandito ka sa aking mundo" nakangiti pakilala nito.
" Kami ang iyong tagapangalaga. Ako, si lili the princess of fairies, Lucas the angel of justice at si Thaddeus the demon of curse. Kami ay handang paglingkuran ka at tutulungan ka nmin para matutunan mo ang paggamit ng iyong magi" paliwanag nito. Naguguluhan man ay tanggap ko na ang mga nangyayari dahil nandito ako sa mundo ng mga mahika at lahat ng bagay diyo ay possible.
" Ihanda mo na ang iyong sarili Angel sapagkat ang panganib ay nandiyan lang sa iyong paligid. Kailangan mo ng magpalakas dahil marami ang magtatangka sa iyong buhay." Tumango ako sa kaniya dahil naiintindihan ko ang nais niyang sabihin.
" Ikaw ay nakatakdang tapusin ang paghahari ng kasamaan sa mundo ng mga mago, Angel. Kaya kailangan mo ng magpalakas dahil nagsisimula ng kumilos ang alagad ng kadiliman" palala ni goddess Minea.
Matapos ng pagkikita nmin ay gabi gabi nila ako sinasanay. Umabot ng dalawang buwan ang pagsasanay nmin. Ang isang oras ay katumbas ng ng limang araw doon sa dimensional training nmin.
Si Thaddeus ay nagtuturo sa akin sa physical na lakas at paggamit ng ibat ibang armas. Si Lucas nmn ay sa pagmemeditate o pagkakaroon ng payapang isip. Si Lili ay sa paggamit ng aking mga abilities at si goddess Minea ay sa paggamit ng aking mga kapangyarihan.
Mahirap lahat ng aking mga pinagdaan bago ako natuto. Maraming beses akong gustong sumuko ngunit binibigyan nila ako ng lakas ng loob upang magpalakas.
Tinanong ko na din sila sa aking tunay na magulang ngunit iisa lang ang kanilang sinasabi.
" Ikaw ang nakatakdang alamin ang iyong pagkatao at nalalapit na iyon" lagi nilang sabi sa akin.
Binigyan din ako ng mahiwagang singsing ni goddess Minea.
" Itong singsing na ito ay kayang pigilin ang paglabas ng iyong awra upang di ka matukoy ng iyong mga kalaban. Isa rin itong pananggalang sa mga nagnanais na ikay saktan. Walang sinoman ang makakagamit niyo bukod sa iyo lamang. " Paliwanag niya. Sinuot ko ito at nagandahan sa singsing, purong ginto ito.
" Ito na din ang huli namin pagtuturo sa iyo sa iyong mga kapangyarihan. Mag iingat ka palagi at tawagin mo lang kmi kapag ikaw ay nasa panganib!" Paalala nila.
Nagpasalamat ako sa kanila at nangakong laging mag iingat.
Present time
Nakahiga ako sa aking silid ngayon at inaalala din ang mga nangyari nitong nakaraang linggo. Ang kakaibang pakikitungo sa aking ng pulang prinsipe.
Nitong mga nakaraan araw ay nakikita ko sa kniya ang pag aalaga at pag aalala sa kniyang kilos. Hindi niya man sabihin ay nararamdaman ko ang kakaibang pahiwatig niya. Sa lahat ng kaniyang ginagawa ay hindi ko mapigilan kiligin kaya kung minsan ay iniiwasan o kaya nmn ay dumidistansya ako sa kniya.
Sa aking pag iisip ay hindi ko nalamayan ako ay nakatulog na...
Itutuloy..........
BINABASA MO ANG
Untouchable Beauty ( Power of Angel)
FantasyThis is a fictional story. Characters' names, settings, and all are just made of my imagative mind. Isang lalaki biniyayaan ng pambihirang kagandahan. Isang ordinaryong binabae na hahabulin ng masamang pwersa ng kadilimin.. Papaano ang no...