Angel's POV
Isag linggo na ang lumipas matapos ang pagsugod ng mga darkus sa Mystic Forest. Sa isang linggo yon ay lalong napalapit ang loob ko sa pulang prinsipe. Lagi na lang ksi niya ako sinusundo bago pumasok sa silid. Alam ko sa marami ang nagagalit sa pinapakitang atensyon sa akin ng prinsipe lalong lalo na si Megan.
Flashback
Papunta kami ngayon sa cafeteria kasama sina Sarah at Rina ng bigla nalang humarang sina Megan kasama ang alipores niya..
" Walanghiya ka talaga bakla ka!! Mang aagaw ka!" Galit nitong sigaw. Ano nanaman problema ng babaeng ito. At sino ang inagaw ko? Tanong sa isip ko.
" Ano nanaman ba problema mo at wala akong inaagaw sayo" kalmadong sagot ko. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya bigla na lang niya akong sinugod. Buti nalang at agad ako nakaiwas sa kanya kaya in the end natumba siya.. hahha deserved!
Tumayo agad ito at sobrang sama ng mukha sa sobrang galit niya.
"YOU!!BITCH!! " Akmang susugod ulit ito ng biglang lumitaw sa harap nmin si King at pinigilan siya. De javu! Nangyari na ito dati...
" Stop this Megan or else I will tell this to headmaster!" Walang emosyong wika ni King. Huminto nmn sa pagsugod si Megan at galit na humarap sa akin.
" Hindi pa tayo tapos bitch!" Sabi nito at ngmamadaling umalis kasama ang kaniyang alipores.
"Are you hurt?" Nag aalalang tanong ni King ng harapin niya ako. Tumingin ako sa paligid at alam ko kanina pa sa amin ang kanilang atensyon lalo na itong mga kasama na parang binudburan ng asin sa kilig..
" A -ayos lang" namumula kong tugon. Pinisil niya nmn ang pisnge ko na siyang kinasimangot ko.. ngumiti siya kaya lalo akong namula dahil sa sobrang kagwapuhan niya. Shettt!! Bakit sobrang gwapo ng lalaking ito lalo na pag nakangiti.. sarap niyang iuwi...
Binitawan niya ang pisnge ko at agad na ginulo ang buhok ko.. ayssttt kakaayos ko lang ginulo agad...
Sumabay na kami kumain sa kanilang royalties at pinakilala ko na din sina Sarah at Rina sa kanila.
Present time
Nandito lang ako sa kwarto dahil walang pasok. Umalis nmn si Sarah at umuwi sa kanila gusto pa niya ako isama ngunit tumanggi ako balak ko rin nmn ksi maglibot mamaya kahit mag isa ako...
Tok tok tok
Rinig ko katok sa pinto. Sino kaya ito?
Agad akong nagtungo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang gwapong nilalang na lagi kong naiisip. Sobrang gwapo niya ngayon sa suot niya. Bagay na bagay sa kniya." Baka matunaw ako niyan" nakangisi sabi nito. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa kniya.
" A-anong ginagawa mo dito?" Ginawa kong natural ang boses ko para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.
" Magbihis ka aalis tayo" sabi nito. Saan nmn kaya ako dadalhin nito?
" At saan nmn tayo pupunta aber?" Medyo mataray na tanong ko. Napakamot ito ng batok at parang nag isip. Shettt! Ang hot nya tignan tuloy rarw!!.. parang lumalande na ako ah..
" Basta magbihis ka nalang" kabadong utos niya. Hindi ako nakinig at mukhang may tinatago ito sa akin.
" Hindi ako magbibihis hanggat hindi mo sinasabi kung ano gagawin natin" seryoso wika ko. Bumuntong hininga muna ito at mukhang kinakabahan.
" Go on a date with me" at ngumiti ng tipid. Shock! Yan ang mukha ko ngayon. Date? As in date? Hindi makapaniwala tanong sa isip ko.
"Da-date? " Kabadong tanong ko.
"Yes. Get dress, then we will go on a date" nakangiti ito. Sa sobrang pula ng mukha ko ay tumakbo agad ako papasok at narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya.
Mabilis ako naligo at nagbihis. Simple lang ang suot ko, Isa itong white dress.
Dinala niya ako sa isang park malapit din sa mall. Kung ganun meroon din plang mall dito sa magi. Wow! Sobrang ganda ng park nila dito.
Marami kaming napuntahan at nag enjoy akong kasama siya sa maghapon. Sobrang sweet niya sa akin kaya lalo akong nahuhulog sa kniya. Sa bawat pagngiti niya ay nadadala ako sa alapaap.
Lumipas ang ilang oras .....
Pauwi na kmi sa dorm nmin. Ng nasa pinto na kmi ay naglakas ako ng loob na magtanong sa kniya.
" Bakit mo pla ginagawa ito sa akin?" Lakas loob kong tanong.
" What do you mean? " Tanong niya pabalik. Kumuha muna ako ng hangin dahil baka hindi ko kayanin dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
" Ito. Itong pagiging mabait mo, itong pagiging maalaga at sweet mo sa akin. Hindi ka nmn ganito noon sa akin pero bakit ngayon iba na ang pakikitungo mo sa akin? Naguguluhan na ako sa kinikilos mo? Ano ba talaga ang intensyon mo?" Mga katagang binitawan ko sa harap niya na halos lumabas ang puso ko. Ayoko ksi mag assume sa mga galawan niya sa akin. Ayoko mabigyan ng maling akala dahil sa pinapakita niya sa akin ay parang may gusto sya sa akin.
Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at biglang tumikhim.
" Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta nagising nalang ako isang araw na ikaw ang hinahanap ko, that you are the reason why I smile , just looking to your beautiful face it made my heart pound so crazy! Your smile is my weakness, and I want those smiles of yours be mine! I don't want to share with you to someone else, I'm jealous!! Fuck! I'm going crazy whenever I see you smiling with any other guy. I don't want to see you get hurt, I feel of killing someone who would try to hurt you!! Angel, I think I'm falling for you" sincere na sabi niya. Wala salita lumabas sa bibig ko sa ginawa confession niya. Nakatulala lang ako at hindi makapagsalita.
" You don't need to answer yet. I'll wait for you. Let me just court you" halos lumabas ang puso ko sa kaba at kilig na nararamdaman ko. Liligawan niya ako .....
Lumapit ito sa akin at biglang linapit ang mukha nito sa mukha ko napapikit ako dahil doon naghihintay na baka halikan niya. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa noo ko kaya iminulat ko na ang mata. Hinalikan niya ako sa noo? Parang sasabog na ang mararamdaman ko.. feeling ko mag kakaheart attack akong hindi oras nito. Lumayo ito ng bahagya at ngumiti.
" You better sleep now I know you're tired" nakangiti nitong wika. Tumango nalang ako bilang sagot. Wala pa rin ako sa wisyo dahil sa nangyari. Pumasok na ako ng umalis na siya.
Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ngtitili.. hindi maprocesswng utak ko ang mga nangyari.
Angel, I think I'm falling for you!
Angel, I think I'm falling for you!
Angel, I think I'm falling for you!
Arghhhh!! Bwisit ka King. Ilang lupasay pa ang ginawa ko bago ako lamunin ng antok.....
Itutuloy..........
BINABASA MO ANG
Untouchable Beauty ( Power of Angel)
FantasyThis is a fictional story. Characters' names, settings, and all are just made of my imagative mind. Isang lalaki biniyayaan ng pambihirang kagandahan. Isang ordinaryong binabae na hahabulin ng masamang pwersa ng kadilimin.. Papaano ang no...