Third person POV
Isang araw bago sumapit ang levelling ng mga estudyante sa akademya. Naisipan ni Angel na magtungo sa library upang magkaroon ng dagdag na impormasyon tungkol sa kaharian at mga nilalang na maninirahan sa Magi world.
Ng makarating siya sa library ay agad siyang nagtungo sa mga kumpol ng libro at hinanap ang mga librong nais niyang basahin. Sa kaniyang paghahanap, may librong nakapukaw ng kaniyang atensyon. Isa itong lumang libro na balot na ng alikabok.
Umupo siya sa isang sulok at sinimulan basahin ang libro " The Untold One" yan ang kaniyang basa sa unang pahina ng libro. Sa sobrang kyuryosidad ni Angel ay sinimulan na niyang basahin ang libro.
Sa mga unang pahina ay tungkol sa pagkalikha ng Magi world dahil sa makapangyarihang Bathala. Inatasan niya ang isang tapat niyang alagad na si Haring Aragus upang mamuno dito sa kaniyang nilikhang mundo. Siya ay biniyayaan ng pambihirang kapangyarihan na magsummon ng isang goddess, ito ay si goddess Minea, the goddess of creation and destruction.
Kung ganoon ay si Haring Aragus pala ang unang nagmay ari kay goddess Minea? Takang tanong sa isip niya. Nagpatuloy siya sa pagbabasa.
Naging maganda at matiwasay ang pamumuno ng hari. Ngunit sumibol ang kasakimaan ng mga Mago, nagkaroon sila ng hangaring maging mas malakas at ganid sa kapangyarihan. Sila ay nag aklas at dito nagsimula ang digmaan ng mga Mago. Dahil sa lubhang makapangyarihan ang hari ay hindi nila ito nakaya, ngunit sa hindi inaasahan ay ang pinagkakatiwalaan ng haring Aragus ang siyang papaslang sa kniya. Ito ay si Mecius ang kaniyang kanang kamay na naghahangad din ng malakas na kapangyarihan. Bago pumanaw ang hari ay mayroon siyang sinambit na kataga.
" Sa a-aking pagkasawi ay ma-may bagong pag-asa. Siya'y aking babasbasan ng paglipat sa kniya ng aking kapangyarihan GODDESS MINEA, THE GODDESS OF CREATION AND DESTRUCTION I COMMAND YOU TO LEND YOUR PROWESS TO THE CHOSEN ONE. HELP THE GIFTED ONE TO END THE REIGN OF DARKNESS. EVIL WILL FADE AND GOOD WILL RISE. " Sa mga kataga ng hari ay natakot ang ibang mga taksil ngunit lalong nagalit si Mecius kayat tinapos niya ang huling hininga ng unang hari .
Si Mencius ay naging hari kasama ng kniyang mga kaalyado nagtaksil sa dating hari.
Ngunit di rin nagtagal ay naulit muli ang hidwaan. Nagkaroon ulit ng digmaan sa dahilang gusto ng iba na maging hari din at mamuno sa Magi world. Napaslang ang haring Mecius at nahati sa anim ang Magi world.
Ang Fireo kingdom para sa mga fire elementalist. Ang Gresia Kingdom sa mga Earth elementalist. Aquasia kingdom para sa mga water elementalist. Etherial kingdom para sa mga air elementalist. Hermiano kingdom para sa mga Mago may ibat ibang kapangyarihan. At ang Dark kingdom para sa mga sakim sa kapangyarihan at mga taksil.
Naglipat pa ng pahina si Angel hanggang sa mapunta siya sa paglusob ng dark kingdom sa Hermiano kingdom. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso at nakaramdam ng kaba.
Ito ay naganap 18 years ago. Ang mga darkus na pinamumunuan ni haring Arturo , ang kapatid ng hari ng Hermiano kingdom na si Haring Angelo, sila ay lumusob sa araw na panganganak ng reyna ng Hermiano kingdom na si Reyna Minerva. Hindi napaghandaan ng mga Hermian Mage ang paglusob ng mga darkus kayat napaslang ang reyna at nawala ang sanggol na kniyang isinilang. Dahil sa tulong na rin ng ibang kaharian ay nagapi ang hari ng dark kingdom at itoy nakulong sa isang realm. Bago ito mawala ay isinambit niya ang kniyang pagbabanta sa mga light mages. Na siya'y magbabalik at muling pababagsakin ang mga kaharian.
Napaluha nalang bigla si Angel sa sinapit ng Reyna Minerva at sa kniyang sanggol. Nakakaramdam siya ng lungkot sa naganap na paglusob.
Sa kaniyang pagbabasa ay napunta siya sa isang propesiya nakasaad sa aklat.
BINABASA MO ANG
Untouchable Beauty ( Power of Angel)
FantasyThis is a fictional story. Characters' names, settings, and all are just made of my imagative mind. Isang lalaki biniyayaan ng pambihirang kagandahan. Isang ordinaryong binabae na hahabulin ng masamang pwersa ng kadilimin.. Papaano ang no...