Angel's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Minulat ko ang mata ko at tinignan ang oras. Hmm 5:30 am palang at maaga pa.
Lunes ngayon at may pasok kami kaya napagdesisyunan ku na maligo at ng makapag bihis. Nagsuot lang ako ng kulay pink na off shoulder dress na hanggang tuhod at naglagay ng konting polbo at lipgloss. Tinignan ko nmn ang repleksyon ko sa salamin at bumagay na man sa akin ang suot ko.
Habang tinitignan ang repleksyon ko, naalala ko ang nangyari kahapon. Medyo nakaramdam nmn ako ng takot dahil sa mga pangyayari. Napagdesisyunan ko ng bumaba para makapag almusal na.
Naalala ko ang sinabi ni lili, ung tumatawag na master sa akin na ipapaliwanag niya ang mga nangyayari ngayon. Kaya napag isipan ko na mamayang pag uwi ko ay lalakasan ko ang loob ko at kakausapin ko siya. Hindi man malinaw sa akin ang mga nangyayari pero kailangan ko itong harapin.
Sa aking pag iisip ay hindi ko namalayan na nasa kusina na ako.
" Oh, anak. Ang lalim ata ng iniisip mo?" Usisang tanong ni inay. Napabalikwas naman ako dahil sa tanong ni inay.
" Pasensya na po nay. May iniisip lang po" paumanhin ko .
"Tungkol ba ito sa kaarawan mo bukas?" Dagdag niya pa. Umiling nmn ako bilang tugon.
" Kung ano man yang iniisip mo anak. Mabibigyan yan ng solusyon kapag hinarap mo ito ng buong tapang. Halika na at ng makakain na tayo, may pasok kapa". Paliwanag ni inay. Tumango nmn ako at agad na umupo sa hapag.
Habang kumakain, tinanong ko si inay kung anong ihahanda niya bukas. Ang sabi niya ay kaunti lang tulad ng sabi ko sa kniya dahil wala nmn daw ako darating na bisita.
Matapos non ay naggayak na ako upang pumasok. Nag paalam na ako kay inay at dumiretso na ng gate. Nakasalubong ko nmn si Mika sa harap.
" Good morning, frend. Pasensya ka na kahapon ah iniwan kita ngkaroon kasi ng emergency sa bahay eh". Bati at paliwanag nya.
" Ayos lang yon, frend. Meron din nmn ako tiningnan muna doon" wika ko. Hindi na kmi masyado ngtanong pa sa isat-isa dahil baka mahuli pa kami sa klase.
Gustuhin ko man ikwento sa kanya ang nangyari sa akin kahapon ay baka hindi siya maniwala.
" Frend, inimbitahan mo ba sina Alina bukas?" Tanong bigla ni Mika ng makarating kmi saaming upuan.
" Uhmm mamaya frend.. sasabihin ko sa kanila, kaibigan na din natin sila eh". Wika ko. Tumango siya at mukhang excited siya sa naging sagot ko. Napansin ko ksi sa kaniya na lagi siyang namumula kapag kaharap niya si Duke. Mukhang pumapag- ibig na ang bff ko.. sabi ko sa isip ko.
" Oo frend. Invite mo sila gusto ko makasama sina papa Duke" kinikilig na sabi nito. Sabi ko na nga ba at may gusto ito kang Duke eh.
Lumipas ang oras at lunch break na namin. Wala nmn masyado ginawa dahil nagdiscuss lang ang mga guro. Dumiretso agad kami ni Mika sa cafeteria.
Pagdating nmin ay nakita na nmin ang lima na nakaupo sa pwesto nmin. Halos nasa kanila ang atensyon ng mga estudyante dito.
" Frend, ayun na sila" masayang sambit ni Mika. Nagmadali nmn kami lumakad para makaupo na din kami.
" Hi, guys!" Bati agad ni Mika sa kanila. Tumango ang mga lalaki at nakipag beso- beso nmn si Alina sa amin. Pagkaupo ay kinuha nina kurt at klenn ang mga order nmin dahil sila nalang daw ang bibili ng pagkain.
Lumipas ang ilang minuto....
" Heto ang pagkain niyo" sabay lapag ng kambal ang mga pagkain nmin. Pagkabigay nito ay agad nmn kmi kumain.. tahimik ang lahat kaya tumikhim ako ng mahina. Nakuha ko nmn agad ang atensyon nila.
BINABASA MO ANG
Untouchable Beauty ( Power of Angel)
FantasyThis is a fictional story. Characters' names, settings, and all are just made of my imagative mind. Isang lalaki biniyayaan ng pambihirang kagandahan. Isang ordinaryong binabae na hahabulin ng masamang pwersa ng kadilimin.. Papaano ang no...