Iris smiled at Pierre as she stood in front of her unit. Nang matapos silang kumain ay binalikan lamang nila ang mga gamit niya sa hospital dahil naalala niyang may pasok na siya ulit sa trabaho bukas.
"Thank you. Ingat ka pabalik sa hospital." Aniya at tinanggap ang mga paper bags na dala ni Pierre.
"Yep. Ingat ka din sa flight mo tomorrow. Notify me before your take off." Sambit nito sa kaniya at tinanguan niya naman ang binata.
"Okay. Good night." Sambit niya at humakbang muna palapit sa kaniya si Pierre at hinalikan nito ang noo niya.
Napatalikod na lang si Iris tapos ay pumasok siya sa loob ng unit niya.
"Good night." She waved at Pierre while peeking through the gap of the door before she closed the door of her unit.
Napahawak si Iris sa dibdib niya nang maramdaman niya ang mabilis na pagtibok niyon. She felt happy and she even giggled as she walked towards her room.
It's the first time that she's comfortable with a guy. Usually, she would be scared of them or she would be wary of the men around her, especially at work and while she was still studying to become a pilot dahil mas marami ang mga pilotong lalaki kaysa babae.
But as Pierre continued to bug her, nagiging komportable na siya sa binata. He's too talkative for his own good and it makes her feel like she's okay around him. He's a pretty transparent guy.
"Mukhang pera ka talaga, Riley." Pierre stated as he signed the papers that Riley brought at tinawanan naman siya ng kaibigan niya.
"I gave your woman a discount so kailangan kitang pagkakitaan. Look, I gifted the unit to her kaya huwag ka nang magreklamo." Nakangiting sagot ni Riley sa kaniya at dinampot nito ang mga papeles nang mapirmahan niya ang mga iyon.
"Whatever. Basta mukhang pera ka." Aniya at humalakhak naman ng tawa si Riley.
"I could say the same to you." Sambit nito at tumayo kaya nangalumbaba si Pierre at tiningnan niya ang kaibigan.
"Why are you so serious right now? You'd usually piss me off tuwing pumupunta ka rito." Hindi maiwasang tanong niya at ngumiti naman si Riley.
"Wala akong ganang makipagbiruan ngayon. Ang dami kong inaasikaso." Sambit nito at itinaas ang hawak nitong papeles.
"I gotta go. May meeting pa ako." Sambit nito at tumango lang naman siya sa kaibigan niya then he watched him as he left.
"Weirdo." He commented then he picked his phone up and dialed Iris's number pero out of reach iyon kaya napasimangot siya.
Pierre was bored the whole day. Hindi siya makatulog at wala naman siyang naka schedule na ooperahan. Tahimik ang hospital buong araw and when he looked at his wristwatch, alas-sais na ng hapon.
Nangalumbaba lang siya sa lamesa ng opisina niya habang pinapaikot niya sa daliri niya ang ballpen niya. Pierre was thinking kung ano bang magandang gawin nang biglang tumunog ang cellphone niya and when he looked at who's calling, it's his good friend, Connor.
"Hey, are you free today? Tara tumugtog sa club ni Quint." Kaagad na yakag sa kaniya ni Connor nang sagutin niya ang tawag nito.
"Sinong kasama?" Tanong niya sa kaibigan at sumandal siya sa likod ng kinauupuan niya.
"Axis already agreed on being the bassist, I'll be the lead guitarist tapos hinihintay ko pa ang reply nina Blaze at Matthew para sa rhythm at keyboard. So, will you play the drums for us or dapat ko na bang tawagan si Pheonix?" Dere-deretsong sambit ni Connor.
"Nah, I'm coming. Nasan ka ba?" Pierre asked as he stood up and removed his coat.
"I'm on my way na. Plano kong uminom ng kaunti before playing. We'll start at eight." Sambit nito at dinampot naman ni Pierre ang susi ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Dangerous 3: Pierre George
RomancePrince Reuben of Denmark, Count of Monpezat, is a member of the Danish royal family. His whole name, Pierre Reuben Arthur George is known in the medical field as he is an astounding surgeon. He is a first prince, and should've been the first in line...