Talasalitaan:
Kutsero- Coachman
Sa palasyo ng Satabin, kung saan nananahan ang dugong bughaw ng mga Duren at masasabing pinakapayapang lugar sa buong bansa, palibhasa ay isa sa prinsesa ay isang makapangyarihang babaylan at nakagawa ng orasyon para hindi masira ang palasyo. Maaring makasarili sa paningin ng taga-labas ngunit hindi iyon totoo, dahil lahat naman ng mamayan sa Satabin ay mangangaso at pang-araw araw na nila ang makipag buno sa mga halimaw. Ang paglalagay ng orasyon sa palasyo ay para may maihaharap padin na matinong lugar ang mga Duren kung sakaling may bisitang darating.
Kasalukuyang kumakain ang tatlong prinsesa at apat na prinsipe kasama ang kanilang amang hari, Tari at inang reyna, Marina. Ang bansa ng Satabin ay isa sa kaunting lugar na wala sa tradisyon ang pagkakaroon ng katuwang kaya't lahat ng nasa hapag ngayon ay dugo't laman ng dalawa. Tradisyon din nila na bigyan ng importansya ang oras sa pamilya, dahil nga, hindi nila alam kung kailan nila huling makakasama ang pamilya ng buhay.
Si Tari at Marina, ay magigiting na bayani ng kabataan ngunit ngayon ay hinahabol na sila ng edad at hindi na ganoon kahasa makipaglaban. Sa gitna ng katahimikan ay nagsalita si Tari.
"Nagpadala ng imbitasyon ang emperador para sa kaarawan niya, sinong pupunta ngayong taon?"
Pare-parehas napatigil ang pito nilang anak sa pagkain, ngunit hindi nagtagala ay nagpaunahan ito tumanggi.
"Hindi ako!"
"Lalong hindi ako!"
"Ako ang nagpunta noong nakaraang taon!"
"Sinamahan ko si kuya noong nakaraang taon!"
"Tatlong beses na akong pumunta doon, ayoko na!"
"Ako din ama!"
Binitawan ni Tari ang hawak na tinidor, alam niyang ayaw pumunta ng mga anak dahil ayaw mapalayo sa amoy ng dugo at gera, ito ang dahilan kung bakit sila kinakatakutan ng ibang mga bansa. Ang mga tao sakanila ay akala mo hindi mabubuhay ng hindi nakikipaglaban sa halimaw, at mas triple ang mga anak niya. Akala mo ay tubig nila ang dugo ng halimaw at hindi tatagal ng isang araw kung hindi sila makikipaglaban.
Kung pangkaraniwan na pamilyang bughaw sila ay baka nag-aagawan ang mga anak ni Tari para sa trono ngunit dahil dugong bughaw sila na Duren, ni walang gustong tumanggap ng posisyon ng kinoronahang prinsipe o prinsesa, at ang dahilan? Ayaw nilang makulong sa palasyo at mawalan ng oras sa pakikipaglaban.
Napailing nalang si Tari at napangisi si Marina, ganoong ganoon din kasi sila ng kabataan, kaya hindi nila ito mapigilan. Ngunit! Hindi pwede na walang pupunta sa Morikan para sa kaarawan ni Ulap kaya, tinignan ni Marina ang anak na nasa pang-apat na upuan sa hilera ng mga prinsipe, asul na mata na pababa ang dulo kaya mukhang malungkot kagaya ng ama nito ngunit, itim na buhok katulad niya at naka suklay pataas. Manipis na kilay at labi, at mataas na ilong. Tulala itong kumakain.
"Ikaw, Yno?" sabay sabay na napalingon ang magkakapatid ng banggitin ng ina nila ang kapatid.
"Hmm?" tanong nito ng wala sa hulog, mukhang wala ang atensyon sakanila.
"Oo nga, Yno!"
"Hindi ka pa nakakapunta sa Morikan, 'di ba?"
"Ang daya mo, palagi ka nalang naiiwan dito!"
"Oras mo na magpakilala sa emperador."
Nagsimulang umingay ang hapag, inuulan si Yno ng dahilan mula sa kapatid kung bakit siya dapat ang pumunta sa Morikan, ngunit nanatili siyang walang imik at ang sinasabi ng mga kapatid ay nagsalita siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/289970044-288-k582771.jpg)
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasyBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...