Talasalitaan:
Bilyete- Ticket
Pinilakang-tabing- Movies, plays
Marangya- Wealthy
Tagapangasiwa- Facilitators/Managers
Tabing- Screen
Batikan- Veteran
Patnugot- Editor
Karikitan- Gorgeuos
Ang tren ng Madangal ay matagal ng naimbento, kaya nitong pumunta sa higit tatlumpong bansa sa kontinente. Pansamantala itong natigil ng anim na buwan, sakto iyon sa mga panahon na nag kakagera sa Morte, kaya nga natagalan sina Barbara makarating noon sa Morte.
Ngunit ngayon, ang naisip ng imbentor na pwedeng uling ang magpatakbo sa tren at hindi purong pusod ng mahika ay naisaayos na kaya't balik na sa paggana ang tren.
Mula sa mataong himpilan ay sinusubukang hanapin ni Barbara si Dosen habang hila hila ang maleta niya. Nagmamasid siya ngunit naramdaman niyang may humawak sa maleta niya, akmang susuntukin ni Barbara ang humila sa maleta niya ngunit madali nasalo ng taong iyon.
"Prinsesa," nakangiting bati ng isang lalaki na nasa 180 sentimetro ang taas. May itim na buhok at kulay abo ang mata, matangos ang ilong, makapal ang kilay, manipis na labi at malokong itsura.
Ang suot nito ngayon ay itim na barong, puting pambaba at balat na sapatos. Hindi sanay si Barbara na hindi ito naka-berdeng uniporme o kaya ay baluti kaya hindi niya ito makita. Isa ito sa mga lalaking pinapangarap ng mga babae ng Morikan, may mahika ng armas at heneral na sa edad na dalawampu't tatlo. Dosen... Dosen Trame. Binawi ni Barbara ang kamao.
"Wag mo akong tawaging prinsesa."
"Pasensya, binibini," paumanhin nito at dinala ang maleta ni Barbara kasama ng kanya. Nagsimula slang malakad.
"Nakabili ka na ng bilyete?"
"Nandito ang iyo, binibini," tinanggap ni Barbara ang bilyete na binigay sakanya ni Dosen bago nagtuloy sa isa sa bagon ng tren.
**********
Ang bansa ng Denir ay hindi kagilagilalas kumpara sa ibang bansa dahil ang minahan nila ng ginto, pilak, tanso, pusod ay masasabing sapat lang sa laki ng kanilang bansa. Ngunit ang pinkakilala sa Denir ay ang hindi mabilang bilang na pagtatanghal ng pinilakang tabing sa entablado. Sa bansa ng Denir makikita ang pinakamarangyang mga tanghalan sa buong kontinente.
Sa loob ng anim na buwan, may isang babae na ang pangalan ay nagsimulang maging matunog dahil sa galing niya sa pag-arte, itim na buhok at asul na mata na akala mo ay may tinatagong nakaraan. Ang eleganteng itsura na gusto mong sambahin.
Hindi makapaniwala si Dosen na nasa harap niya ang babaeng usap usapan hanggang Morikan dahil pinuri ito ng napakapihikang mga manunulat at mga tagapangasiwa ng Denir. Nakasuot ito ng bestida na hanggang itaas ng tuhod ang haba at may hugis kampanang manggas. Matangkad ito ngunit nakabakya pa na may taas na dalawang pulgada. Nakatali ang buhok nito at may kolorete ngunit hindi noon matago ang angkin nitong natural na ganda.
"Magandang gabi, ginoo," bati sakanya nito sakanya at medyo yumuko habang may nakatakip na pamaypay sa kalahati ng mukha nito, natulala naman si Dosen.
Siya ay kilala sa katawagang Malaya, siya ay ilan sa mga piling manananghal na mailalagay ang pinilakang tabing sa naimbentong aparato na kung tawagin ay telehisyon. Ang telihisyon ay hugis tagsulok kagaya ng apa. Kapag pinindot ay lalabas doon ang hugis kwadradong tabing at mula doon ay mapapanood ang pagtatanghal na kung tawagin ay pelikula.
![](https://img.wattpad.com/cover/289970044-288-k582771.jpg)
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasíaBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...