Kabanata 23

1.9K 139 12
                                    

Talasalitaan:

Banderilya- Part of terrace

"Mukhang totoo ang mga kwento kwento," sabi ni Nano sa kakambal, tumango naman si Nana sakanya.

Palibhasa ay nasasaksihan nila ngayon ang patunay ng usap usapan na pinapaboran ng emperador ang ikalabing-isang prinsesa. Magkasayaw ngayon ang dalawa at tanging ito lang ang isinayaw ng emperador sa lahat ng prinsesa.

Nakatitig sakanila, maski ang mga kasabay nila sa pagsayaw. Kaya't habang hindi tinatanggal ang tingin sa emperador at prinsesa nagsalita si Nano.

"Nana, sigurado ka ba nanakita mo ang heneral?"

Napatingin si Nana sa kakambal ng masama. "Pinagdududahan mo padin ba ako?"

"Isa akong arkero, Nano. Hindi mo maloloko ang mata ko!"

Tinignan ni Nano ang kakambal. "Anyong tao?"

Natahimik si Nana... ang huling laban nila bago mawala ang Heneral Elhan ay magulo, natalo nila ang mga halimaw ngunit, ang problema ay nagsimula ng may nailigtas ang heneral nila na isang mangkukulam mula sa karatig bansa.

Ang mangkukulam na si Dira ay inalay ang buhay sa paggamit ng mahika para makapanggamot, at napadpad daw ito sa kakahuyan ng Satabin sa paghahanap ng mga kailangan sa iniimbentong gamot, gamot na hindi kailangan ng maraming bilang ng pusod ng mahika. Nanghingi din ito ng pabor na sumama sakanila para makompleto ang proyekto, na pinayagan ni Yno at ng heneral nila.

Maayos noong una ngunit, unti unti itong nahulog si Dira sa kanilang heneral, kung titignan hindi naman iyon malaking bagay. Tinanggihan ng heneral si Dira na tinggap naman agad nito ng nakangiti pa at sinabi na, "Gusto ko lang ipaalam, heneral... hindi mo kailangan ibalik ang kahit ano saakin."

Ngunit ang problema ay nagsimula ng may nakaharap sila ng may kalakasang halimaw, natalo nila ito ngunit, maraming nalagas sa grupo nila. Si Dira ay nagsisilbi na nilang manggamot ay sobra ang lungkot na naramdaman at tingin nila nang makita niya ang kanilang heneral na walang emosyon na minanduhan ang natitira pa sakanila.

"Ilibing sila, bilisan niyo, hindi natin alam kung kailan may muling aatakeng halimaw."

"Heneral, kailangan natin sila ipagdasal bago sila ili-"

"Pasensya na, binibini, wala tayong oras para doon," malamig na putol ni Elhan sakanya.

Tandang tanda ni Nana ang itsura ng tinigin ni Dira noong oras na iyon na puno ng muhi kay Elhan.

"Ah, alam ko na!"

Napatigil si Elhan sa pakikipagusap kay Yno na binibilang ang mga pinsala sakanila. Sa loob ng tolda ay ang mga bangkay lang, si Yno, si Elhan at ang kambal, natahimik sila sa biglang pagsasalita ni Dira ng may panunumbat.

"Hindi sa hindi mo ako mahal, heneral."

"Teka, bini-"

"Hindi mo kayang makaramdam! Wala kang kakayanan na magmahal!" sisitahin sana ni Nana si Dira ngunit natahimik siya sa sinabi nito.

"Tanggap ko na hindi ka mahuhulog saakin, dahil sino ba ako? Pero!"

"Ang mga bangkay na nandito ay mga kasamahan mo! Wala ka man lang bang kahit kaunting pagpapahalaga sakanila?"

Walang emosyon na tinignan ni Elhan si Dira. "Pagpapahalaga? Kung bangkay ka na binibini, wala ka ng halaga, hindi pa ba sapat na nilibing namin sila?"

Barbara: Ikalabing Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon