Kabanata 9

2.8K 151 6
                                    

Talasalitaan:

Tugis- Chase

Bahay-tuluyan- Hotel

Delental- Apron

Pasador - Sanitary napkin

Paltik- Gun

Kaputsa- Hood

Himpilan- Station

Kulang na lang ng ilang linggo bago mag-isang taon ang tagumpay na nakamit ng sa hukbo ng Morikan sa gera ng Morte. Sa ngayon ay maayos na Morte, mas mapayapa sa pangunguna ni Taler bilang gobernador heneral.

Ngunit ang pinka naaala ngayon ng mga mamamayan ng Morikan ay ang pinka-malaking eskandalo na naitala sa Morikan. Mag-iisang taon na din ito at hindi nalalayo ang araw ng kaganapan mula sa tagumpay sa gera sa Morte, ang paghuli at pagpaparusa ng kamatayan sa Gobernador Heneral ng konseho at dating hari ng bansa dahil sa sinubukan niyang pag-aaklas.

Nakilala si Barbara ng karamihan dahil sa pangyayaring iyon, hindi bilang mainitin na ulong ikalabing-isang prinsesa at palaging nasa dulo ang ranggo sa mga lumalaban para sa tagapagmana ng trono kung hindi isang magiting na mandirigmang walang mahika.

Una sa lahat, walang kahit sino na mag aakala na magbabalik siya. Ngunit hindi lang siya nakabalik, bagkus ay dinala niya pa ang tagumpay sa kamay ng emperador. Kalat na kalat ang kwento ng kontribusyong ginawa niya para magwagi ang hukbo. Pangalawa ay dinala niya sa emperador ang patunay ng pag-aaklas ng gobernador heneral. At pangalato, kasama si Dosen ay personal niyang pinangunahan ang pagtugis sa tumakas na gobernador heneral.

Idagdag pa na pinahintulutan siya ni Ulap na tawagin itong ama bilang gantimpala sa kontribusyon sa pagkapanalo sa Morte. Kaya ngayon, kahit hindi gusto ni Barbara, bukod sa tumaas ang tingin sakanya ng maraming may titulong pamilya ay tumaas din ang kredibilidad niya bilang tagapagmana.

"Aalis ka?" tanong ni Laon sakanya habang nagkakape sila sa sa opisnina kasama si Ulap.

Kape ang sakanila habang inuming tsokolate ang kay Barbara. Nitong nagdaang taon, hindi lang si Barbara at Laon ang lalong napalapit kung hindi pati kay Ulap.

"Mhh."

"Saan mo planong pumunta, gusto mo ba na magpahanda ako ng hukbo na magbabantay sayo? O kaya ay pareserbahan kita ng kwarto sa pinakamahal na bahay tuluyan kung saan ka pupunta?"

"Ama, hindi ko kailangan ng ganyang kagarbong bagay, payagan niyo lang ako umalis ni tata."

"Barbara, baka nakakalimutan mo, hindi ka pa din nakakaalis sa paligsahan ng tagapagmana ng trono kaya't may mga panganib pa din na pagtangkaan ka ng pamilya ng mga prinsipe."

Totoo ang sinabi ni Laon, dahil sa pagiging abala ng buong konseho ngayong taon ay hindi padin opisyal na nakakaalis si Barbara sa paligsahan ng tagapagmana ng trono at hindi niya padin nasisimulan ang paglalakbay, sa totoo lang madaming nababahala sakanya lalo na ang mga pamilya ng prinsipe. Iniisip na isa siyang hadlang dahil pinapaboran siya ni Ulap.

Binaba ni Barbara ang tasa sa platito nito. "'Ta, hindi ba't mas lalo akong kapansin pansin kung papadalan niyo ako ng sangkatutak na bantay?"

"Kung ganoon ay anong plano mo?"

"Um, dadalhin ko ang regalo ni ama at sasakay nalang ako ng tren," sabay siyang tinignan ng dalawa na parang nababaliw na siya.

"Prinsesa, magdala ka kahit limang bantay."

"Sang-ayon ako sa emperador, Barbara," napangiwi si Barbara, at ito nanaman sila, pinagtutulungan nanaman siya.

Pero hindi iyon uubra ngayon sakanya, desidido siyang umalis ng walang kasama pero alam niya din na hindi papayag ang mga ito.

Barbara: Ikalabing Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon