Kabanata 25

1.9K 151 45
                                    

Talasalitaan:

Batikos- bash

Daop- joined

"Prinsesa, sa pagkakataong ito... hindi ko alam kung paano ka namin proprotektahan."

Sumusukong sabi ni Laon, gayunpaman ay nginitian lang siya ni Barbara, nang makita niya iyon ay biglang napatid ang pasensya niya. "Barbara! Tingin mo ba biro ito?!"

"Binabatikos ka ng mamamayan sa ginawa mo! At ang pamilya ng mga prinsipe ay hindi papalampasin ang pagkakataon na ito para alisin ang karapatan mong magmana ng trono!"

Ngiti lang ulit ang sinagot ni Barbara kaya't napahawak sa sentido si Laon at katahimikan ang bumalot sa opisina ni Ulap.

Ang nangyari kasi sa loob ng sumunod na araw ay nagkaroon ng pagsabog sa pinakamalaking piitan ng imperyo kung nasaan ang mga pinaka halang ang kaluluwa na kriminal... at sinisi ng pahayagan ng Sa Loob ng Palasyo si Barbara, sinabi pa nila na plinano ng prinsesa ang nangyaring pagtakas ng mga preso.

Pagkatapos noon ay sobrang binaluktot nila ang kwento, nilathala ng pahayagan ang dalawang artikulo pang ibinigay ni Barbara sakanila at sinabi na plinano niyang gawin iyon at lutasin para magpabango ng pangalan, pagkatapos ay sinabi nila na binantaan sila ng prinsesa na papatayin kapag hindi sumunod at nakipagsabwatan sakanila.

Bukod mismong kwento ay nagmukhang walang kinikilingan ang pahayagan ng sa Loob ng Palasyo kaya't naging agaw atesyon ito sa lahat, kahit saang sulok ng Morikan ay usap usapan ang pagiging masama ni Barbara at katapangan ng pahayagan. Nabuga ni Barbara ang iniinom na tsaa sa gulat nang una niyang mabasa ang ginawa ng Sa Loob ng Palasyo, humanga pa nga siya sa abilidad ng mga manunulat na ito na gumawa ng kwento, manunulat nga talaga sila!

Isa lang ang pinapapasalamat ni Barbara kahit na sobrang nagmukha siyang masama, iyon ay wala itong binaggit tungkol kay Laon at Ulap kaya kahit papaano, masasabi ni Barbara na tagumpay siya sa pag-agaw ng atensyon dahil biglang nakalimutan nila ang kwento ng emperador at kalihim.

Sabagay, ang dalawa pa kasi na plano pagkatapos pakawalan ang mga preso na inilabas ng Sa Loob ng Palasyo ay talagang nakakabahala. Una, sunugin ang kalahati ng Morikan at ang isa pa ay ipapatay ang mga prinsipe. Kailangan ni Barbara ng ganito kalalaking ulo ng balita para mabaon sa limot ang kwento ng mga magulang niya.

Dahil sa mga kontrobersya at hindi matahimik na haka-haka, ngayon ay merong opisyal na komperensya na binuo ng mga mamahayag ng bansa ng Morikan para pakinggan ang panig ng prinsesa. Ngunit ang ikinasasakit ng ulo ni Laon at ni Ulap ay walang paliwanag na ginawa si Barbara sakanila. Hindi sila naniniwala na ginawa ni Barbara ang nilathala o kaya ay plano talaga nitong gawin, ngunit nakakabahala ang pananahimik nito.

"Prin-"

"Laon," putol ni Ulap sa akmang magaglit nang kalihim. "Wag mo ng pilitin ang prinsesa."

Bumaling siya kay Barbara. "Kakayanin mo ba?"

Ngumiti lang si Barbara at tumango. "Kaya ko 'to, ama, tata, wala po ba kayong tiwala saakin?"

Napakagat ng labi si Laon. "Prinsesa, huling tanong pakiusap sagutin mo."

"Ginawa mo ba yung sa mga preso? At plano mo ba talagang gawin ang nakasaad sa dyaryo?"

Tinignan ni Barbara ang dalawa na nag-iintay ng sagot... totoo yung sa preso, pinakawalan niya sila sa tulong ni Maya, nangyari na at hindi niya na iyon mababawi pa ngunit dahil hindi niya pa naman nagagawa o magagawa pa ang dalawa pang plinano niya, anong masama sa kaunting kasinungalingan?

Barbara: Ikalabing Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon