Isang taon pa lang ng bumalik siya dito ngunit balik na sa normal ang Satabin. Maya't mayang bukas ng lagusan, pangangaso ng halimaw bilang pampalakasan, at ang mga kapatid niya na nag-rereklamo nanaman dahil ayaw dumalo ng okasyon sa labas ng bansa.
Mula sa bintana ng opisina niya ay tinanaw niya ang asul na kalangitan. Kamusta na kaya ang heneral at prinsesa?
Tok. Tok. Tok.
"Kamahalan?"
"Pasok?"
"May imbitasyon po para sainyo."
Kinuha ni Yno ang sobre, iniwan naman siya mag-isa ng kalihim. Binuksan niya ang sobre.
"Kasal?"
Napangiti siya ng mabasa. Masaya siya para sakanila ngunit hindi siya makakadalo. Una masyadong malayo, pangalawa, hindi siya martyr. Ganoon pa man ay nagsulat siya ng pagbati sa mga ito at nagpahanda ng regalo.
*********
Ang sama ng tingin ni Taler sa sobre ng imbitasyon.
"Pupunta ka?" tanong ng asawa niyang si Mara, naka-upo ito sa sariling lamesa na tambak din ng papel. Pagkatapos nila iwan saakin ang lahat umayos lang ng konti ang Morikan? Iniinsulto ba nila ako?
Hindi niya sinagot si Mara at inis na sinunog ang imbitasyon at bumalik sa tambak ng mga papel na dapat asikasuhin ngunit hindi siya makatutok sa ginagawa dahil sa tingin ni Mara, sa huli ay kumuha siya ng papel.
Nginitian siya ni Mara bago bumalik sa sariling inaasikaso. Hindi naman masama na batiin ni Taler ang dalawa sa kasal nila at magbigay ng regalo. Hindi na nga siya makakadalo, kahit na iniwan sakanya ng mga ito ang trabaho. Masayang okasyon ang magaganap, bilang kaibigan, dapat lang na batiin niya ito at handaan ng regalo.
**********
May kasabihan si Barabra na narinig noong si Argentina pa siya, sa hinbahaba ng prusisyon, sa simbahan pa din ang tuloy. Nasasaksihan niya ngayon ang katotohanan ng kasabihang iyon.
"Kasal o hindi, alam mong iyo ako, sapat na saakin na alam natin na mahal natin yung isa't isa. Pero yung manumpa sayo ng ganito sa harap ng maraming tao, ang ipagsigawan na akin ka, ang sarap sa pakiramdam. Laon, alam kong marami pang pagsubok na darating saatin, gusto ko 'yon lutasin kasama ka. Mahal na mahal kita."
Pinunsan ni Ulap ang luha sa mata ni Laon makatapos niya maglahad ng pagmamahal. Oo, kasalukuyang kinakasal ang dalawa sa Uswel. Tumikim si Laon.
"Ulap, ang tagal natin magkasama, may mga panahon pa na akala mo hindi kita mahal. Pero mahal na mahal din kita. Simula ngayon, hindi mo na 'yun mararamdaman, pagisikapan kong pantayan ang pagmamahal mo. Magaling akong gumawa ng talumpati, alam mo 'yan pero ngayon wala akong masabi bukod sa mahal kita, mahal kita at uulit ulitin ko 'yan hanggang mag-sawa ka... mahal kita."
Napatawa ang mga dumalo ngunit pagkatapos ng paglalahad ng pagmamahal ng dalawa ay tinanong sila ni Anima. "Ikaw, Laon ay tinatanggap ba si Ulap bilang iyong kabiyak?"
"Habang buhay."
"Ikaw, Ulap ay tinatanggap ba si Laon bilang iyong kabiyak?"
"Habang buhay."
"Simula sa oras nito, sa kapangyarihan ng Bathala, sa basbas ng Biraddali kayo ay kasal na, bilang simbolismo ng pangako ay maari mo ng halikan ang isa't isa."
Hinalikan ni Ulap si Laon kasabay ng palakpakan ng tao. Kung ang buhay ng kalihim at emperador ay isang libro, dito na ang parte na saabihin at nabuhay silang masaya't magkasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/289970044-288-k582771.jpg)
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasyBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...