Kabanata 29

1.8K 143 62
                                    

Grabe walang patawad, 'di man lang kayo nagpalipas ng isang araw. HAHAHAHAHAHA. But as promised, here's your compensation (suhol ;)

Just special mention,  @wefwfwfwefwf  @Mangooooo_14 @julie_ann10  @darkgalaxy_22  Thank you for those comments (may malalagay na ako sa assignment ko :) other readers should also thank them, sila ang dahilan ng mabilis na update na ito, HAHAHAHAHAHA. 

Nonetheless, I thank eveyone for reading and supporting!

'Yun lang, you can keep on reading ⬇️⬇️⬇️

***

Ang sumunod na araw ay mas maingay sa kahapon, sa kalagitnaan kasi ng pahinga sa ensayo ng grupo na kinabibilangan ni Elhan ay sabay-sabay siyang pinuntahan ng buong batalyon sa pangunguna ni Yno.

At talagang pumunta sila lahat dito?

Nagbubulungan ang mga sundalong kasama ni Elhan, palibhasa hindi nila alam ang tunay nitong katauhan. Lumalamig pa lang ang kwento na ang ikalabing-isang prinsesa na nagdala ng mangingibig, ngunit mukhang may bagong kwento nanaman pagpipyestahan ang mga nasa loob ng palasyo.

Mukha lang walang pakialam si Barbara, ngunit alam ni Elhan na sinisigurado nito na ang kwento ay mananatili sa loob ng palasyo at walang pahayagan ang makaalam, nakaupo siyang tinititigan ang batalyon niya ngunit nararamdaman niya na ang sakit ng ulo.

Tumayo si Elhan kaya't sabay sabay na sumaludo ang mga sundalong nakakulay itim simula pangtaas hanggang pambaba. Lalong lumakas ang bulungan at nagsimulang mairita si Elhan.

"Dapa," sa gitna ng bulungan ay nangibabaw ang malamig niyang boses at sa isang iglap ay natahimik ang buong hardin na pinag-eensayuhan.

Nakadapa ang batalyon niya bukod kay Yno. "Tayo."

Sumunod sila. "Dapa, gulong. tayo, upo."

Lumipas ang kalahating oras na paulit ulit ang inutos ni Elhan, bago niya iwan ang mga ito sa posisyon na nakataas ang kamay sa ere at nakabaluktot ang tuhod ng isang oras. Hindi na natuloy ang ensayo ng grupong kinabibilingan ni Elhan dahil walang naglakas loob na guluhin ito sa animo'y pagdidisiplina sa sariling batalyon.

"Tindig," sabay sabay na umayos ng tayo ang batalyon bago sila tuluyang harapin ni Elhan. "Anong ginagawa niyo, dito?"

"Heneral, nandito kami para sunduiin ka, heneral!" sagot ng isa sa sundalo kaya't bumaling si Elhan kay Yno.

"Kamahalan, 'di ba't sinabi ko na hindi ako babalik, bakit mo sila pinapunta dito?"

"Pasensya na, heneral, ako ang nagpadala ng sulat sakanila, hindi ko inakala na pupunta sila dito, walang alam ang kamahalan," malakas na paliwanag ni Nana.

Malamig na tinignan ni Elhan ang mga sundalo. "Narinig niyo ako, hindi ako babalik, umuwi na kayo."

Tinalikuran niya ang batalyon ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nagsalita si Raul. "Dahil ba sa ikalabing-isang prinsesa?"

Napatigil si Elhan sa paglalakad gayunpaman ay hindi siya lumingon. "Paano kung patayin ko ang prin-"

Sa isang iglap ang mga sundalo ng Morikan na nagpapahinga ay sabay sabay na inilabas ang mahika nila at pinaligiran ang buong batalyon nila Yno. Walang naglabas ng mahika sa batalyon nila Yno ngunit mararamdaman ang tensyon. Napahawak si Yno ng sentido, dinala niya ang batalyon dito dahil ayaw magpatinag ng mga ito ngunit, hindi ito ang gusto niya!

Samantala, liningon naman sila ni Elhan at naglakad papalapit kay Raul na may blankong ekspresyon. "Mukhang nakalimutan mo ang lugar mo, Raul dahil parang kapatid ang turing ko sayo, wag mo akong subukan."

Barbara: Ikalabing Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon