Talasalitaan:
Darang- this happens when a person is exposed in the heat of fire (mostly sensually used)
Siping- Sex
Lulan- Aboard (nakasakay)
"Kuntento?" pungas pungas na tanong ni Barbara sa lalaking nakatitig sakanya habang nakakalumbaba sa kama. Ngumisi si Elhan sakanya bago marahang tumango.
Nakapikit pa ang isang mata na bumangon si Barbara, mabagal siyang naglakad papunta sa lamesa ng kwarto nila kung nasaan may nakalagay na pitsel ng tubig.
Malilim ang buong kwarto ngunit dahil may nakaawang sa isa sa mga kurtina, pumapasok ang sinag ng araw at tanaw na tanaw ni Elhan ang nakatalikod na prinsesa, walang kahit anong suot at umiinom ng tubig. Napangisi siya ng makita ang nakakalat na marka ng halik at kagat sa likod nito, sa balikat, sa batok, sa hita, maski sa braso ay meron ito. Sa gitna ng hita nito ay meron ding natuyong likido.
Ito ang dahilan kung bakit hindi nagawa ni Elhan takasan ang prinsesa, akala niya ay magliliwaliw lang sila bilang selebrasyon ng kasal nila ngunit ibang liwaliw ang plano ng prinsesa... liwaliw sa kama. Sa loob ng tatlong araw ay hindi sila lumabas ng silid, masyado silang okupado sa pag-uusap ang katawan nila.
Kung hindi matutulog o kaya ay kakain, para magkaenerhiya ay parehas nilang ayaw bitawan ang isa't isa. Ngunit maski ang tulog nila sa loob ng 72 oras, ay aabot lang ng labing dalawang oras at ang kain nila ay nasa apat na beses lang. Dahil sa totoo lang mas ginugol nila ang oras para ulit ulitin na abutin ang langit, lunurin ang ang isa't isa sa pagkadarang, hagkan at yakap na walang hanggan. Maski nga ang pagligo ay hindi nila pinalampas. Palibhasa kasi, parang kahit gaano nila katagal yakapin ang isa't isa ay hindi sapat para mabawasan ang pagkasabik nila.
Natapos uminom si Barbara ng tubig.
"Prinsesa!" napabalikwas sa kama si Elhan at tarantang lumapit kay Barbara at marahang kinuha ang kamay nito. Hindi siya sigurado ngunit tinignan niyang maigi ang pulsuhan nito, at tama nga siya, may pasa.
"Maya, bak-"
Hindi pa man natapos ni Barbara ang tanong ay inikot siya ni Elhan, nanlaki ang mata niya ng makita ang hugis kamay na pasa sa hita nito, sa bewang, maski sa binti nito at bukong bukong ay may pasa. Bigla niyang naalala ang mga nangyari noong una silang makita ni Barbara. Wala sa plano niyang saktan si Barbara! Alam niyang may karanasan ito na napagsamantalahan kaya't gusto niya ay marahan itong itrato, ngunit mukhang naging magaspang siya at nasaktan niya ito ng hindi namamalayan.
"Sandali, Maya, bakit?!" tarantang sabi ni Barbara dahil biglang lumuhod sa harap niya si Elhan ng walang dahilan. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa bewang niya.
"Patawarin mo ako prinsesa," sabi nito animo'y sising sisi.
"Sandali, bakit ba?"
Hindi sumagot si Elhan, plano ni Barbara na alisin ang pagkakayakap nito at patayuin ito ngunit natanaw niya ang repleksyon sa malaking salamin, nakita niya sa sariling katawan ang patunay ng tatlong araw na pagsisiping nila.
"Pasenysa na prinsesa, ipagpaumanhin mo kung nasaktan kita hindi ko sinasadya."
Habang naglilintaya si Elhan ay nakita ni Barbara ang pasa at naintindihan kung bakit umaakto ng ganito ang heneral.
"Maya-"
"Masyado akong naging brus-"
"Elhan!"
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasiaBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...