Talasalitaan:
Buwitre- Vulture
Maoy- Manequin
Maya,
Alam mo ba pinagalitan ako nina ama nung umalis ka? Ang daya! Ako lang yung nakinig sa mga pangaral nila samantalang hindi lang naman ako ang um-oo sa kasal. Pero sabagay kasal na tayo, wala na silang magagawa. Hahahahaha.
Ikaw, maayos ka bang nakarating ng Satabin? Sabi ko sayo dapat sinama mo ako! Hindi sana tuloy ako pinagalitan nila tata... wala pang dalawang linggo ng huli kitang masilayan, Maya pero gusto na kita makita... sana maayos ka lang diyan.
Ikalabing-isang prinsesa,
Barbara
**********
Maya,
Maayos na lumipas ang kaarawan ko, nakakainis! Hindi tayo magkasama, nakakatawa minsan isipin, nagpakasal tayo pero ngayon ko lang napagtanto, hindi ko alam ang araw ng kapanganakan mo. Sa susunod pagkwentuhan natin yung mga ganong bagay. Kailan ang kaarwan mo, anong paborito mong pagkain at iba pa. Kahit ano basta ikaw ang kasama, tingin ko hindi ako mabuburyo.
Saka, kilala mo si Malaya? Yung sikat na aktres ng Denir? Kaibigan ko siya at dumalo siya sa kaarawan ko, marami kaming napagkwentuhan, isa doon ang regalo ko sayo kapag bumalik ka dito sa Morikan... makaasa ka sa regalo mo Maya.
Ang iyong kabiyak,
Barbara
**********
Maya,
Gumising na ang bunsong prinsipe ng Satabin kaya nagkaroon ng maliit na pagdiriwang pero hindi iyan ang kwento ko, may malaking sikreto akong nalaman! Hahahahahahaha.
Hindi ko pa nasasabi sayo ito ngunit noong una pa man, napansin ko na may kakaiba sa paraan ng pagtingin ni Prinsipe Yno kay tata, pamilyar saakin yung ganoong tingin pero hindi ko alam kung saan ko nakita. Noong araw ng pagsasalo, saka ko lang naintindihan, dahil parehas si ama at si Prinsipe Yno ng paraan ng pagtingin kay tata, gusto niya si Tata! Hahahahahahahaha. Sino mag-aakala?
Pasensya siya at masyadong mahal ni tata at ama yung isa't isa. Iniiwasan niya ako ngayon dahil kapag wala akong magawa, aasarin ko siya at mamumulang parang kamatis ang loko! Hahahahahaha...
Ayos ako dito Maya, sana ikaw din...
Sinusubukang libangin ang sarili habang wala ka,
Barbara
**********
Maya,
Ika-anim na buwan na ng taon at panahon din ng kaarawan ni tata kaya nagkaroon kami ng simpleng salo-salo. Kaming tatlo, ang babaylan na si Hayla at ilan sa mga kaibigan nila ama at tata. Simple lang naman talaga pero tinigin mo ba papayag ng ganoon ganoon lang si ama? Niregaluhan niya si tata ng minahan ng ginto, kaya ayon, nag away sila, hahahahahaha.
Gusto ko din ng ganoon, Maya... gusto ko ding makipag-argumento sayo sa mga maliliit na bagay, gusto ko din magtampo sayo, gusto ko din makita kung paano mo ako susuyuin kapag nainis na ako. Sana nandito ka, purgang purga na ako dito sa paglalampungan ni ama at tata, pero kahit papaano hindi ako mag-isa, nakakaaliw makitang nagseselos si prinsipe Yno, hahahahahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/289970044-288-k582771.jpg)
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasyBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...