Kabanata 14

2.3K 149 21
                                    

Talasalitaan:

Pahayagan- Newspaper

Baul- Treasure chest

Pluma- Quill

Isang araw, dalawang araw, tatlong araw. Isang linggo, dalawang linggo... isang buwan. Mabilis na lumakad ang oras, kasabay noon ay ang pag kalat ng kwento tungkol kay Barbara. Balawis, walang awa, kampon ng kadiliman, at marami pang iba na tumutukoy sa kung gaano siya karahas.

Ngunit matagal na ang kwentong iyon, ngayon ay may bagong kumakalat na istorya. Hindi lang sa Morikan kung hindi sa buong emperyo ng Madangal. Matalim na tinignan ni Ulap ang pahayagan ng Sa Loob ng Palasyo. Ang unang pahina na may malaking baybayin at nakalagay 'Ang alagang halimaw ng palasyo'.

Sumandal si Ulap sa kinauupuan, tinignan niya ang lahat ng sundalo at katulong na nakatalaga sa bahagi ng palasyo na pinaglalagian ni Barbara. Nasa limampung katao iyon na batikan sa ginagawa, ngunit nagawang makalusot ng isang mamahayag sakanila. Ngunit ang mamamahayag ng Sa Loob ng Palasyo ay hindi din masasabi na basta basta. Sikat ang dyaryo nila dahil kung gugustuhin nila ay kaya nilang malaman ang pinakatatago tagong sikreto kahit ng patay ng tao. Hindi tuloy alam ni Ulap kung dapat ba siyang magalit o ano.

"Humanap kayo ng ibang kwento na pwedeng tabunan ang istorya na'to," sabi ni Ulap imbes na magalit.

"Masusunod, kamahalan," sagot ng isa, tumango si Ulap.

"Pwede na kayong bumalik."

Sabay sabay na nagbigay pugay ang mga tagapaglingkod at lumabas sa opisina niya. Tinitigan niya ang pahayagan ng Sa Loob ng Palasyo at bumuntong hininga. Ayon sa paglalarawan ng pahayagan ay may inaalagaang halimaw ang palasyo, nakalagay doon ang saktong bilang ng sundalong nag babantay dito at mga katulong na umaasikaso dito, pati nadin ang mangkukulam na nag papaamo dito.

Ang mga mangkukulam ay para lang ding babaylan, kaya nilang magpagaling ng sakit at gumawa ng mga imbensyon, ngunit isang bagay na pinagkaiba nila sa babaylan ay ang kakayahan nila ay may katangian na kayang baliktarin ang takbo ng mundo. Madalas ay kaya nilang gumawa ng lason, sumpa at gayuma, kaya nilang makipag-usap sa mga halimaw na galing sa teritoryo ni Sitan at minsan ay kaya nilang bumuhay ng patay.

Kaya siguro mas malala ang kwento tungkol sa halimaw na inaalagaan ng palasyo. Pero ang tinutukoy na halimaw ng palasyo ay walang iba kung hindi si Barbara... na simula maparusahan ang dapat parusahan, ay hindi na muling nag mulat ng mata.

"Kali-" napatigil si Ulap sa pagtawag kay Laon dahil wala ito sa madalas na kinatatayuan nito.

Palibhasa paggising nito ay ginusto nitong magbitaw sa tungkulin at... makipaghiwalay sakanya, hindi niya iyon iniintindi at nagpapakalunod sa trabaho ngunit nang maalala ang sitwasyon nila ni Laon ay biglang umakyat ang inis sa ulo ni Ulap, masama niyang tinignan ang pahayagan at itinsta sa basurahan.

Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mata, emperador siya ngunit wala siyang magawa para tulungan si Barbara o kaya ay ayusin ang relasyon nila ni Laon, anong silbi ng pagiging emperador kung wala akong maggawa sa sitwasyon na 'to?

***********

Sa hindi pagising ni Barbara sa loob ng isang buwan ay maraming nangyari. Bukod sa pagpapaliwanag ng babaylan sa kalagayan nito ay binigyan ito ni Ulap ng grupo ng mangkukulam na magsisilbing manggamot nito. Mayroon din siyang mga katulong na mag-aasikaso sakanya, ngunit nagkaroon ng insidente kung saan may nagtangka sa buhay nito.

Napakaingay ng palasyo noong araw na iyon, ngunit imbes na bangkay ni Barbara ang abutan, ang nakita lang nila doon ay ang tatlong bangkay ng manlilingo at ang alagang ibon ni Barbara na may dugo ang tuka at pakpak, kaya nga nilagyan ni Ulap ng sundalo si Barbara, na siyang naging dahilan ng mga haka haka na may alagang halimaw ang palasyo.

Barbara: Ikalabing Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon