Talasalitaan:
Dwelo- Duel
Tarangkahan- Gates
Ang mga sundalo na babalik pa lang sana sa pagsasany ay muli nanamang nakaupo sa damuhan at pinapaligiran si Barbara at Elhan na nakaposisyon na para sa pagbubuno. Imbes na espada, ang kinuha ni Elhan ay sibat na sinabayan din naman ni Barbara.
Totoo na inis ang karamihan ng nasa batalyon kay Elhan ngunit ngayon ay hindi nila maiwasan makaramdam ng kaba para dito, si Barbara Estera ang kalaban niya! Sandaling ipinaliwag kay Elhan ang alituntunin at hindi nagtagal...
"Handa!"
"Atake!"
Umalis si Dosen sa gitna ng dalawa pagkabigay ng senyales ng simula. Kabado din siya para kay Elhan ngunit hiling niya ay maawa si Barbara sa sariling mangingibig... lumipas ang dalawampung segundo ngunit walang umatake, pinaiikot lang ni Barbara ang sibat sa kamay, habang parang estatwa si Elhan na hawak ang sibat.
"Prinsesa, ayaw mong unang umatake?"
Nanlaki ang mata ng mga sundalo sa panghahamon ni Elhan, pero mas nakakagulat na may ekspresyon ito ngayon! Sa limang araw na lumipas na nakasalamuha nila ito, maski katiting na paggalaw sa mukha nito ay wala, iniisip nila na may sakit ito, ngunit ngayon ay nakangisi ito! Mukhang nasiraan na ng ulo dahil hindi siya marunong lumaban!
"Nagpapakamaginoo ka ba, Ma-Elhan?"
"Alam mo bang pwede mo ikamatay 'yan?"
Kumibit ng balikat si Elhan. "Bakit hindi mo subukan ng malaman na-"
SWISH. TING. SWISH.
Hindi na natapos ni Elhan ang sasabihin dahil umatake si Barabara at sa isang iglap ay natahimik ang buong lugar ng pagsasanay. Ang tanging naririnig lang nila ay ang pagtama ng dulo ng sibat ng dalawang tao.
TING. TING. TING.
Tama, kung mag ensayo sila ay ganito; Bakal na espada, may tulis na palaso, katad na latigo, at sibat na kahoy ngunit may talim ang magkabilang dulo. Napamaang ang lahat, sa unang pagkakataon ay nasasaksihan nilang ang nag-iisang taong kayang sumabay kay Barbara ng hindi gumagamit ng mahika, ng hindi nadedehado at nabubugbog. Ngunit walang pakialam si Barbara sa pagkamangha nila. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa sibat at buong pwersa itinulak ang talim kay Elhan. Ginamit ni Elhan ang kabilang dulo ng sibat para ilihis ang talim na papunta sakanya.
TING. SWISH. SWISH.
Kung titignan, walang mag-aakala na may kumakalat na kwento na mangingibig ng prinsesa ang lalaki. Kaliwa, kanan, pailalim, mula sa taas, paglilihis ng talim. Ilang beses na paulit ulit iyan nangyari at nakanganga ang lahat sa nasasaksihan. Si Elhan na hindi makahawak ng espada ng maayos at ang prinsesa na palaging bubog sarado ang kalaban... nagtatagisan ng galing at makikitang walang gustong magpatalo.
Ngunit sa ginta ng paglalaban, ang pinakanakakatakot dito ay parehas silang nakangiti, na animo'y tunay na masaya sa ginagawa, pero sino bang nagsabi na hindi sila masaya? Tunay naman na nasisiyahana ng dalawa, kahit anong bagay nilang ginagawa basta magkasama, masaya sila, iyon ang katotohanan na walang nakakakita!
Umatake si Elhan pabulusok ngunit tumalon si Barbara sa ere at umapak sa parte ng sibat ni Elhan na walang talim kaya't bumaon iyon sa lupa paktapos ay, TOK!
Pinutol ni Barbara sa gitna ang sibat nito. Napangiti nalang si Elhan at binitawan ang kalahati ng sibat at tinaas ang kamay bilang senyales ng pagsuko, ngumiti naman ang prinsesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/289970044-288-k582771.jpg)
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasyBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...