Talasalitaan:
Katuwang- Concubine
Asignatura- Subject
Sipnayan- Mathematics
Tamang asal- (In this sense) Etiquette
Panitikan- Literature
Antas- Level
Pagsusulit- Test
Patimpalak, Paligsahan- Competition
Puslit- Smuggle
Manlilingo- Assassin
Buryo- Bored
Ganid- Greedy
Sindak- Frighten
Hinagap- Thinking
Haka-haka- Speculations
Mangingibig- Lover
Lakbay- Travel
Katanyagan- Popularity
Salapi- Money
Hindi mapakali si Laon at palakad-lakad sa harap ng pinto ng opisina ni Ulap. Napagalitan niya na ang mga bantay na namamahala sa opisina ni Ulap dahil sa hindi pag sabi na naroon ang ikalabing isang prinsesa.
Isang oras na simula ng lumabas siya sa opisina at inaatake siya ng sakit ng ulo dahil sa pag-aalala sa maaring pinaguusapan ng dalawa. Hindi mabura sa isip niya ang ngisi ni Barbara kanina bago siya lumabas. Kinakabahan siya na baka may gawin si Ulap na hindi tama para lang walang makaalam sa pinagbabawal na pag-iibigan nila.
Paano kung hingin ng prinsesa ang trono?
Paano kung ibigay ni Ulap ang trono?
Kung ano anong pumasok sa utak niya at puro iyon masasama... labing apat taon na simula ng makoronahang emperador si Ulap. Dahil sa relasyon nila, wala sa plano ni Ulap magkaroon ng emperatris, reyna, katuwang o asawa. Ngunit dalawang taon palang siyang namamahala sa imperyo ay ginipit na si Ulap ng naunang konseho ng bawat bansa na kailangan niya magkaroon ng tagapagmana, sumang-ayon din si Laon doon, ngunit nagalit sakanya si Ulap.
"Laon, ayaw ko!"
"Gaaano ba kahirap na intindihin na ikaw lang yung mamahalin ko?"
"Makasarili ako, Laon, kaya kong bitawan ang tronong 'to kung maipagsisigawan ko sa mundong ito na mahal kita."
"Ayaw kong titignan mo ako na may ibang kasama, ayaw kong masaktan ka... para saakin mas mahalaga ka kesa sa emperyong ito!"
Hindi na nagawa ni Laon makipagargumento ng marinig ang sinabi ni Ulap. Napakairesponsable... pero hindi maiwasan ni Laon maging masaya. Ganoon siya kamahal ng lalaking iyon... hindi katanggap-tanggap ang pagmamahalan nila sa marami ngunit kaya siyang ipaglaban hanggang hukay ni Ulap, sino siya para tanggihan ang ganoong klase ng pagmamahal?
Ngunit isa pading malaking problema ang walang tagapagmana ang emperador. Kaya nga pinahanap niya ang mga batang may dugong Estera. Ang Estera ay hindi talaga galing sa pamilya ng dugong bughaw, galing sila sa pamilya ng mga sundalo, mga sundalong pinamunuan ang tuloy tuloy na nag-aklas sa mga matapobre at mapangabusong pinuno.
Noong panahon ng gera ay sigurado si Laon na naipalaganap ang dugo ng Estera sa buong kontinente kaya't nagsimula siyang ipahanap ang mga ito. Sa pamamagitan ng mahikolohiya ay nahanap nila ang mga may dugong Estera sa buong kontinente sa loob lang ng dalawang taon, hindi mahalaga kung gaano ka puro ang dugo nila, ang importante ay may dugong Estera sila.
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasiaBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...