Talasalitaan:
Lagda- Sign
Malupit- Cruel
Mapagkumbaba- Humble
Bilanggo- Prisoner
Kalanta- Monster
Pusod- Core
Panday- Blacksmith
Arkero- Archer
Maalamat, Alamat- Legendary, Legend
Aklas- Revolt
Pain- Bait
Hukbo- Army, troops
"At ito, pirmahan mo ang mga iyan para maiproseso ko na ang pagalis mo sa pagiging kalahok," inabot ni Laon ang mga papel kay Barbara. Tinanggap iyon ni Barbara at nang hindi binabasa ay pinirmahan isa isang ang bawat papel.
Tinignan siya ni Laon na nanunuri, hindi padin siya makapaniwala na hindi nito hiningi ang trono kay Ulap kaya nga siya mismo ang nagprisinta na magaasikaso ng pagalis nito sa paligsahan. Ngunit habang tinitignan ngayon ang dalaga na walang pakialam na pinipirmahan ang papeles ng pag-alis, unti unti na siyang naniniwala.
"Prinsesa, sandali," pinigil niya ang pagsulat ni Barbara ng pangalan sa mga papel, tinginan siya nito na parang nagtatanong.
"Ah, hindi mo man lang ba babasahin? Paano kung may nilagay diyan na hindi dapat?"
"Bakit, ginoo, dadayain mo ba ako?" may ngiting tanong ni Barbara, napamaang si Laon.
"Hahahahahaha!"
"Pasensya na kalihim, natawa lang ako sa ekspresyon mo sa biro ko," sabi ni Barbara pagkatapos tumawa at muling pirmahan ang mga papel. Tinignan siya ni Laon habang walang duda na sinusulat ang lagda sa papel.
"Ginoo... higit sa kahit kanino, sainyo ako may tiwala... sainyo po," makahulugang sabi ni Barbara. Hindi nakuha ni Laon ang ibig sabihin ni Barbara ngunit pakiramdam niya ay may kumurot sa loob niya.
Inabot ni Barbara kay Laon ang natapos niyang pirmahan na mga papel, wala sa sariling tinaggap iyon ni Laon at nagsimulang suriin ang papel kung may nakaligtaan si Barbara.
Habang nagsusuri ay tinitigan ni Barbara si Laon, ang gaan ng pakiramdam niya dito simula pa lang nung una... ngayon alam niya na ang dahilan. Si Niko, ang taong dahilan kung bakit niya piniling itigil ang kasamaan niyang ginawa. Una niyang nakilala ang taong iyon bilang kalihim ng kanyang ama. Niko... siya ang naging guro niya sa pamamalakad ng pinagbabawal na negosyo ng ama niya. Si Niko ang nagpaplano ng araw araw niyang gawain at dapat aralin... At si Niko ay ang nagsilbi niyang tatay tatayan na mas higit pa sa tunay niyang ama.
Sa malupit niyang karanasan, si Niko ang nagpakita ng tunay na kabutihan sakanya, lagi siyang pinagtatanggol ni Niko sa tatay niya kapag nagkakamali siya. May malasakit din ito sa mga tauhan nila at mapagkumbaba. Masasabi ni Barbara na sa talino nito ay kahit na hindi ito gumawa ng ilegal na bagay ay magtatagumpay ito, minsan ay tinanong niya ito kung bakit pinili ang klase ng buhay na meron sila at ang sagot lang nito sakanya ay...
"Mahirap ang magmahal ng isang taong hindi ka kayang mahalin pabalik, Argen."
"Gusto mo si dad?!"
Isang malungkot na tigin ang binigay kay Barbara ng kanyang tatay tatayan. Hindi siya nagulat na pusong babae ito dahil napansin niya na noon ang patunay. Mas nagulat siya na gusto nito ang ama niya. "Kailan? Saan nagsimula? Anong nagustuhan mo sa hayop na 'yon?!"
"Argen, wag kang ganyan, tatay mo pa din siya."
"Wow, 'tay, sinabi mo lang saakin na you swing that way pero si dad padin iniisip mo? Hindi mo man lang ba naisip na nagulat ako?"
BINABASA MO ANG
Barbara: Ikalabing Isang Prinsesa
FantasyBarbara Estera, ikalabing isang prinsesa ng Imperyo ng Madangal. Siya ang pinakamababang dugong bughaw at siya din ang nagiisang babae na kasali sa paligsahan ng magmamna ng trono. Ayon sa numero, huli siya sa rango na may kakayanang mamuno ng emper...