Chapter 11

0 0 0
                                    

Jessica

Antagal naman nila, ano na kaya nangyari sa loob. Sana walang mangyaring masama sa kanila, lalo na kay JC, s'ya nalang pa naman ang nag-iisa kong matalik na kaibigan ngayon sa school na 'to. At sana hindi mangyari ulit na tuluyan akong nawalan ng kaibigan gaya ng last year, dahil nalaman nila yung bagay na 'yun.

Mayamaya ay may dumating na itim na van at lumabas sila kuya Michael, Lander, at Justine. Sa pagkakaalala ko, sila lagi ang tinatawagan tuwing may problemang hindi kaya ni kuya makontrol. Ano naman kaya ang ginagawa nila dito?

Teka sandali...

"Kuya Lander, anong nangyayari? Ba't kayo nandito?"

Sa pagmamadali ng tatlo, tumakbo nalang agad ang mga ito papunta sa lugar kung nasaan sila kuya ngayon.

Ang takbo nila, hindi tulad ng dati noong na-kidnap si ma'am, ang takbo nila ngayon ay parang mga tumatakbo sa isang competition ng hundred-meter dash.

Sa aking mga natunghayan, ang pagkabog ng aking dibdib ay sadyang nararamdaman ko na ng hindi man lang ipinapatong aking kamay dito.

Masama ito, ayoko na ulit makaranas at makaramdam ng ganitong pakiramdam. Ayoko ng ganito, please lord! Ayoko na ulit maranasan ang ganitong pakiramdam, nakakamatay.

Halos mga labinlimang minuto na ang lumilipas nung nakita ko ang tatlong lalaki na nagmamadali. Sinubukan ko na rin libangin ang sarili ko sa harap ng aking hatinig (cellphone), ngunit hanggang ngayo'y ang kalagayan ni JC ang nasa isipan ko.

Mayamaya ay dumating na rin sila kuya Lander at Justine.

Tinutulugang ni kuya Lander si ma'am Grace na makalad ng maayos papunta sa van, at sa itsura ni ma'am, para ba itong nakatingin sa kawalan at nanginginig na para bang may nakita itong multo.

Samantalang, si kuya Justine naman ay tinutulugang makalad si sir Bell, pero sa kalagayan nito parang buhay-buhat na ni kuya Justine si sir, dahil ni isang hakbang ng paa nito ay hindi n'ya kayang gawin. Napansin ko rin na Ang pantalon nito ay parang natalsikan o nabuhusan ng bleach para kumupas ang kulay nito, sa may hitang part ng pantalon nito'y makikita naman ang mga butas na makikita ang mismong balat nito napara bang nasunog o nalusaw.

Sa kalagayan ng dalawang dinala, lalo lang ako naguluhan sa mga nangyayari.

Sa mga nasabing pangyayari kanina, dapat si JC ang ililigtas namin, ngunit bakit si ma'am Grace pa yung mukhang niligtas nila, ang nakakagulat pa kasama nila ang napakawalang hiyang professor na naging dahilan lahat nga ito.

"Kuya Lander, ano po ang nangyari? Bakit parang may mali kay ma'am?"

"Hindi ko rin talaga alam, dahil late na kami dumating. Pero sa tingin ko nung nakita namin s'ya, para siyang na-trauma sa mga nakita n'ya sa loob ng laboratory. Kung ako man ay tulad ni ma'am, panigurado hindi rin ako maniniwala sa mga makikita ko."

Sa sobrang pag-aalala ko, agad akong lumapit kay Alexander at kinuwelyuhan ito. Sa tagal ng panahon ngayon lang ako nakaramdam ng sama ng loob sa tao na halos gusto ko na itong sakalin hanggang sa ito'y mamatay.

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo manyakis ka! Anong ginawa mo kay JC?!"

"Please, h'wag mong banggitin ang pangalan na 'yan! Paki-usap!" Sa pagkakarinig n'ya sa pangalan ni JC kanina, bigla itong nakaramdam ng takot na s'ya ang magiging dahilan kung bakit magiging katapusan n'ya na.

"Tama na yan, aayusin ko muna ang injury n'ya. Lumayo ka muna sa van, Jessica." Anong nangyayari? Nakakabahala na.

"Bakit kuya Justine, anong nangyari sa kanya?"

"Mamaya ko na sasabihin, isasarado ko na yung pinto."

Mukhang seryoso ang natamong injury ni Alexander, kung ano man 'yun buti nga sa kanya at nakarma s'ya sa mga pinaggagawa n'ya sa buhay n'ya.

"Nga pala kuya Lander, asaan na si kuya Michael?"

"Kasama ni kuya mong naiwan, may kailangan lang silang ayusin."

Ayusin?

Anong aayusin?

Hindi na nga nagtagal pa, dumating na si kuya buhay-buhat si kuya Michael.

Teka nasaan si JC?

Habang papalapit si kuya sa amin, lumalabo na ang aking panigin na parabang nag-blur ang paligid. Kaunting saglit, naramdaman kong may tubig na tumutulo ng marahan sa aking mga pisngi. Hinawakan ko ito, ipinikit ang aking mga mata't dumilat muli. Nakita ko sa aking kamay, na tuloy-tuloy ang pag-agos nito at mukhang nagmumula ito sa aking mata.

Muli kong sinulyapan ang direksyon kung nasaan si kuya. Habang tinititigan ang lugar, nakita ko na rin si JC sa likod ni kuya.

Sa hindi malamang dahilan, tumakbo ako ng mabilis papalapit kay JC at agad itong niyakap. Nang tumagal-tagal na niyayakap ko ito, naramdaman ko ang lamig at init ng pakiramdam na aking naramdaman noong gabing ito'y aking niyakap sa pagkakahiga na nakakapagpaalis ng bahala sa iyo, na s'yang panigurado'y kagugustuhan ng lahat — ang maging komportable sa piling ng iba.

"JC, ayos ka lang ba? Nag-alala ako sa'yo." Hindi ko makalas ang sariling yakap sa kanya na ayaw ko itong pakawalan sa aking piling. Ang mga luha ko'y binabasa na ang kasuotan nito na para bang unan nabinubuhusan mo ng lungkot at galit sa bawat gabi.

"H'wag kang mag-alala, ayos lang ako." Hinimas nito ang aking ulo gaya ng sa isang batang umiiyak sa piling ng kanyang magulang.

Ang pakiramdam na 'to, ito yung pakiramdam na matagal ko ng hinahanap. Mula noong nawala sina mama at papa. Mula noong naghiwalay sila at napabayaan kami ni kuya. Mula noong ako'y bata pa't nag-iisa sa aking buhay.

Sa wakas ligtas na ang lahat.

Kasabay ng dahan-dahang pagkalma ng aking pakiramdam, s'ya ring pagdahan-dahan ng pagpikit sa aking mga mata hanggang dumilim ang akin paligid at tuluyan ng namahinga.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon