JC
Habang naglalakad pagpasok ng campus, inaalala ko ang mukha ng dalawang taong nakita ko sa social media. Yung lalaki ay nagngangalang James Delos Santos, tapos yung babae naman ay nagngangalang Jane Medina.
Habang naglalakad nakita ko sa malapit yung babae may kasama syang sa tingin ko'y mga kaibigan niya. Mukhang ito na ang chance ko para makaharap sya.
"Hi!" Anak ng...
"Ano nanaman kailangan mo Jess?"
"Oh my gosh! Natatandaan mo pa ako, at Jess pa tawag mo sa akin. Ang cute!" Kaysa banggitin ko pa pangalan mo ng buo. Nakakatamad kaya!
"Bahala ka dyan..." Inurong ko Jess para tignan kung nasaan yung babaeng nakita ko kanina, ngunit wala na ito sa pwesto nya. Kulit kasi ng isang 'to eh!
Makapunta na nga sa room...
Punta pala muna akong canteen, para di na ako aalis mamaya. Buti nalang at wala na sa paningin ko yung nangungulit kanina.
Habang naglalakad papuntang canteen, kinabit ko ang isang earphone ko sa aking tenga upang makapakinig sa mga tugtog.
Nang makarating na ako sa canteen, bumili agad ako ng tatlong malaking tsitsirya, upang mamaya pag nagutom ako habang may nagle-lesson makakakain ako. Mabuti nalang medyo malaki ang bag na gamit ko, kaysa itong tatlong tsitsiryang binili ko.
"Ang dami naman nyan." Anak ng...
"Ano nanaman ba yun?" Tanong ko sa kanya. "Tara sabay na tayo sa room" yaya nito sa akin ng nakakapit sa aking bisig. "Oo na, sige na."
Habang naglakad kami patungo sa room, nangungulit ito at pinapakeelamanan nito ang gamit ko at tinatanong ako ng kung ano-ano gaya ng:
"Anong binili mo?"
"Bakit ang dami nito?"
"Anong pinapakinggan mo?" Kinuha nito ang isa pang earphone at inilagay sa tenga nya. Pakeelamera..."Pwede ba wag kang makulit?"
"Shhh!!!" Ano bang...?
"Ano yun?"
"Nakikinig ako ng Moonlight Sonata." May alam pala 'to sa mga ganito.
Pinabayaan ko nalang sya sa pinaggagawa nya at pumunta na kami sa room, at naupo.
Wait, parang may mali...
Pinakiramdaman ko ng mabuti ang paligid ko. Maya-maya, ay napansin kong may nagha-humm na boses ng babae sa tabi ko.
Anak talaga ng...
"Bakit ka nandyan?" Tanong ko kay Jess. "Bakit bawal?" Tinitigan ko ito ng matagal at maya-maya lang ay tumayo na siya.
May gumalaw sa aking tenga, at nahulog ito sa aking balikat. "Ay, sorry. Hehehe..." Nalibang masyado sa tugtog ang putek... Bumalik na ito sa upuan niya at dumating na ang aming guro.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo nito, kinuha ko sa bag ang isang tsitsirya, binuksan ito ng walang ingay, at kumain.
Ang guro na masigasig na nagtuturo sa harapan, ay biglang natigil. Kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa at biglang nagbago ang timpla.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
Ficción GeneralThere are lots of books published that the main character is the protagonist, and the antagonist is the character who make someone's life miserable - especially the protagonist. This book helps us to understand more what is an antagonist really is...