Jessica
Sa sobrang sarap ng pagkakahiga ko sa kama ay halos hindi ko maidilat ang mata ko, basta ang huli kong naaalala bago matulog ay niyakap ko si JC bago natulog ng tuluyan.
Hanggang ngayon ang posisyon ko ay katulad ng kagabi na nakayakap kay JC, at hanggang ngayon ay nararamdaman ko paring nakayakap ako sa kanya. Aaminin ko napapakagat labi akong ngiti sa tuwing iisipin na yakap ko pa rin sya hanggang ngayon. Anong term nga ulit ang ginagamit nila sa ganitong pagkakataon? Kinikilig? Hindi ko maisip kung yun ba yun, pero parang ganoon na nga. Kinikilig ako.
Nakaharap nga pala sya sa akin noong natutulog sya. May plano ako...
"Good morning," bati ko kasabay ng pagdilat ng mata at pagtitig sa direksyon kung saan ko sya huling nakita.
Asan na yun? Naiisahan ako ah.
Ang plano kong papulahin ang mukha nya ay hindi naging matagumpay.
Nakakairitang isipin na ang mukhang inaasahan ko sa kanya kapag ginawa ko sa kanya yun ay hindi nangyari, gusto ko pa naman makita uli yung mukha nya kagabi nung naghuhugas kami, pero sigurado kung nagtagumpay ako sa plano ko makikita ko nanaman yung cute nyang mukha. Bakit ganoon imbes na sya ang kiligin ako ang kinikilig?
Tumayo ako sa aking pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid.
Pangalawang beses ko ng natulog dito sa kwarto nya, pero bakit ganoon parang masmaganda ito ngayon, ang sinag ng araw sa may bintana ay pumapasok at mukhang masmaaliwalas tignan ang paligid kumpara sa nakaraan.
Pumunta ako sa sala para hanapin sya, sa bawat pagtingin ko sa paligid, nagmumukha itong sobrang maaliwalas tipong hindi mo aakalaing condominium ito.
Sa patuloy na paghahanap sa kanyang bahay, natunghayan ko sya na nagluluto ng kung anong mabangong masarap na pagkain.
Sa aking paglapit, nabaling ang tingin nito sa akin sa kaunting sandali't muling ipinagpatuloy ang kanyang inaasikaso.
"Gandang umaga," kalmadong bati nito sa akin habang tutok na tutok sa kanyang niluluto.
"Magandang umaga rin," bati ko dito ng nakangiti, dulot narin ng bango ng kanina ko pang naaamoy na lutuin. Sa pagbati nito sa akin, napansin kong kalmado itong kumikilos; hindi gaya nung unang beses ko syang nakilala— masungit, seryoso, at walang pake alam sa mundo.
"May pagkamaamo ka naman din pala paminsan-minsan," napatingin ito sa sinabi ko't muling ibinalik ang pansin sa niluluto.
Sa tagal kong nakatayo, at pinagmamasdan ang kanyang pagluluto, naisipan kong kumuha ng mga plato at kubyertos na gagamitin at saka umupo sa may lamesa, napansin ko naman ding malapit na itong matapos.
"Jess," tawag nito sa akin habang inihahain ako pagkain.
"Bakit?"
"Naniniwala ka ba sa mga sinasabi ng mga naging teacher mo na —kung ano ang ugali mo sa bahay ay yun din ang ugaling ipinapakita mo sa school?"
BINABASA MO ANG
The Antagonist
General FictionThere are lots of books published that the main character is the protagonist, and the antagonist is the character who make someone's life miserable - especially the protagonist. This book helps us to understand more what is an antagonist really is...