Chapter 7

9 0 0
                                    

Shane

Hay hay hay...

Anong oras na rin pala, baka tulog na yung kapatid ko ganitong oras madaling araw pa naman na.

Pasensya na Jessica kung hindi kita madalas nasasamahan, kailangan ko rin talagang magtrabaho para mapag-aral ka't mabuhay tayong dalawa.

Mabuti nalang talaga mabait 'tong amo kong si Grace, at napaka-swerte ko talaga dahil nung wala na talaga akong mahanap na trabaho ay niligtas nya ako laban sa nararamdaman kong lubos na kalungkutan habang ang nasa isip ko ay ang pagtalon sa tulay malapit sa paaralan kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Sinabihan nya ako na kung mayroon man akong mahal sa buhay na maiiwan kung sakaling itutuloy ko ang balak ko, pagsisihan ko lang yun. Nang maranig ko ang mga salitang yun galing sa bibig nya galit ang naramdaman ko, dahil hindi nya naman alam kung anong meron sa buhay ko. Matapos ko syang masigawan sa sinabi nya, napansin kong ngumiti lang ito sa akin at halata sa kanyang mukha na masmalala pa ang naranasan nya kaysa sa akin. Sa pagkakataong iyon, bumaba ako sa kinatatayuan ko't tinignan ang isang pilas ng papel sa dyaryo na nasa bulsa ko't tumingin kung saan pwede makahanap ng magandang trabaho. At bago ko pa mabasa ang nilalaman nito ay kinuha nya ito sa kamay ko at nilahad ang kanyang kamay sa aking harapan at sinabing may trabaho na ako. Simula nun ay naging maligaya na ako dahil mabubuhay na kami ng maayos ng kapatid ko.

Habang naglalakad sa loob ng mansyon ni Grace, napasin kong may mga nagbubulungan na maid, nilapitan ko ang mga ito para malaman kung ano man ang pinag-uusapan nila.

"Anong ginagawa nyo dyan? Gabi na magpahinga na kayo para may lakas kayo bukas"

"Tanong lang Shane, hindi ka ba naiinis kay madam? Kasi alam mo naman ang ugali ni maam, kaunting mali lang matatanggal ka," seryosong tanong nito sa akin.

"Naiinis."

"Eh yun naman pala, bakit gusto mo paring pagsilbihan yan si madam?" tanong ng kasama nito.

"Ganoon talaga, alam naman natin na pare-pareho tayo ng kalagayan dito, wala tayong ibang mahahanap na trabaho pagnawala tayo dito."

"Oo nga, pero ang ibig-sabihin namin ay minamaltrato tayo dito-"

"Ano naman kung minamaltrato tayo, maganda naman ang sinusukli sa atin ni ma'am diba? Napagtapos mo nga dalawang mong anak dahil kay ma'am ng walang pasang nakikita sa katawan mo, hanggang sigaw lang naman si ma'am."

"Sa bagay, may punto sya doon," pagsang-ayon ng kausap ko kanina.

"O sige na tama na yan, pahinga na kayo."

"Salamat sa pag-aalala sa amin Shane."

"Walang anuman"

Bago umalis ng mansyon  at umuwi, pinuntahan ko muna si Grace para masigurado na ligtas sya. Kinatok ko ang pinto sa kwarto nya at pumasok ng marahan. Habang isinasara ang pinto, napansin kong nakapwesto pa rin sya sa kanyang lamesa at maayos na binubusisi ang mga papel sa kanyang lamesa.

"Anong meron?" tanong nito sa akin na para bang ayaw nitong maistorbo.

"Magpapaalam lang po ma'am-"

"'Di ba ang sabi ko sayo pagtayong dalawa lang wag mo kong ma-po at tawaging ma'am?"

"Pasensya na"

"Anong ipapaalam mo?"

"Alas-dos y media na ng umaga, uuwi na ako"

"Kung ganoon ano pang tinatayo mo dyan, ba't hindi ka pa umuwi?!"

"Sa tingin ko dapat magpahinga ka na rin."

Matapos ko syang sabihan ay nagkatitigan kami, pareho naming pinipilit na hindi bumali sa pagkakatitig sa halos kalahating minuto, sa ilang sandali lang ay tumango ito at niligpit ang mga gamit na nasa mesa nya. Halatang-halata sa kilos nya na pagod na sya, kaya nilapitan ko ito at tinulungan itong maglipit.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon