Chapter 4

34 0 0
                                    

JC

Kaya ko 'to.

Matatapos ko rin ito.

"Kulang..." marami na akong nakuha at natipa sa laptop, ngunit alam ko sa sarili ko na kulang pa rin.

Ilang oras na akong gising, nagsimula akong mag-type kaninang alas-otso ng gabi. At sa hindi malamang dahilan nanghihina na ang aking katawan.

Nakaramdam ako ng panginginig sa aking bulsa. At napansin ang alarm na sya dapat na gigising sa akin matapos kong matulog. Alas-quatro na pala, 'di ko man lang napansin ang oras.

"Tama na nga muna 'to, takteng yan hindi pa pala ako nakakatulog," habang iniisip kung paano ko tatapusin ang ginagawa ko, niligpit ko ang mga nakakalat na gamit sa mesa.

Humiga ako sa sofa sa sala at sinubukang umiglip ng kaunti.

"Tao po!" Kalabog ng kung sinoman sa pinto. Narinig ko na ang boses na iyon ng isang beses, at mukhang mang-iistorbo na naman 'to.

"Walang tao."

"Buksan mo nalang 'to, gising ka naman eh." Tigas ng ulo ang kulit. Alam naman niyang ang aga-aga pa.

Binuksan ko ang pinto at hininarangan ito. Tinulak ako nito paloob at sinarado ang pinto ng nagmamadali, at makikita mo sa mukha nito na natatakot ito.

"Problema mo?"

"'Wag ka munang maingay pwede ba?" Nag-aalalang sumbat nito sa akin na kinatahimik naming dalawa ng ilang saglit.

Hinayaan ko munang lumipas ang isang minuto para matanong ito.

"Bakit ka nandito?"

"Pinapasok mo ko." Anak ng tokwa...

"'Wag mo akong pilosopohin."

"Gusto ko lang bakit ba?" Talaga nga naman.

"Anong dahilan yan? Alas-quatro ng umaga na, gusto ko ng matulog tapos mang-iistorbo ka," panunumbat ko dito.

"Oo na, gusto ko dito sa bahay mo maskomportable ako dito. Gusto ko ring manood ng TV. Ano okay na?" Pangangatwiran nito.

"Sige na sige na. Doon ka sa kwarto ko may TV doon sa loob, at kung inaantok ka na matulog ka doon kung gusto mo. Hayaan mo muna akong matulog dito sa sofa." Sagot ko dito. "Okay po! Teka, hindi ka pa natutulog?"

"Oo na, doon ka na, gusto ko ng matulog."

"Opo"

Sa wakas, ang pagpapahinga ko sa araw na ito ay magsisimula na.

Sa aking paghiga, ipinikit ko ang aking mga mata at naghintay na muling maramdaman ang antok na kanina ko pa hinihintay.

Masyadong magulo ang aking isipan, hindi ako makatulog. Gusto na ng katawan ko matulog ngunit ang isipan ko ay patuloy paring kumikilos at hindi nakakaramdam ng pagod.

Maya-maya lang tinamaan na ako ng antok, sa wakas ang sandaling aking hinihintay ay nandito na.

Sandali...

Ano nga ba ang bagay na iyon na syang gumugulo sa akin?

Bakit may mainit na hangin akong nararamdaman sa mukha ko?

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon