Chapter 10

8 0 0
                                    

Shane

Nakakainis ano ba kasing klaseng bata 'to at paano naging ganito ang sitwasyon namin.

"Kasalanan mo 'to Shane eh, sabi ko bantayan mo s'ya ng maige, nagpaka-carefree ka naman."

"Hindi ko naman talaga kasi alam na kaya ng isang tulad n'ya yung ganitong bagay, wala namang ganitong klaseng activity nakuha natin sa investigator natin."

Habang tumatakbo papunta sa pinto ng laboratory, tuloy-tuloy parin ang paninisi nito sa akin na para bang kasalanan ko ang lahat kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon.

Isang liko nalang ang gagawin namin, habang tumatakbo napapansin ko ang dalawang babae sa aking likuran. Ang isa nagsasalita habang tumatakbo ng may pag-aalala sa mga nangyayari, at ang isa nama'y napag-iiwanan na sa mabilis kong pagtakbo, katulad ni Grace nag-aalala rin s'ya, ngunit ang pag-aalala nito ay iba sa nararamdaman ng kasama ko, habang lumalayo ang distansya namin sa kanya, nakikita ko ang mga mata nitong nagtutubig na para bang gusto nitong maglabas ng luha.

Magulo man ang nangyayari sa paligid ngayon, ngunit kailangan namin s'yang mapigilan. Hindi pa namin alam kung bakit, ngunit malakas ang kutob namin na hindi pa namin na-encounter ang ganitong klaseng masamang pakiramdam.

Habang papalapit ako't inaabot ang pinto ng laboratory, naririnig ko ang iyak ng isang lalaki na para bang ito'y nagdudusa. Hindi ko alam kung sino sa kanila 'to, ngunit habang pinipihit ko ang busol o ang doorknob ng pinto, biglang sumagi sa isip ko na ang issue lagi kay Alex ay sexual abuse, at hindi pa kami naharap sa ganitong sitwasyon na nakakarinig kami ng boses ng taong nagmamakaawa na para bang ito na ang katapusan ng buhay n'ya.

Sa pagbukas ko ng pinto, napansin ko ang dalawang lalaki sa loob ng laboratory. Ang isa sa kanila ay nakatali sa upuan gamit ang ginupit o pinunit na lab coat na may naka-busal sa kanyang bibig at nakahubad ang kanyang pambabang kasuotan. Samantalang ang isa nama'y isang binatilyong nakangiti, hawak-hawak ang isang bote ng nitric acid na dahan-dahang bumubuhos sa laman ng isang teacher na panot at umiiyak sa sakit.

Naramdaman ng binatilyong nakangiti ang aming presensya at napalingon ito sa akin. Sa kanyang paglingo'y para bang nawala ang ngiti nito na para bang isang batang inagawan mo ng laraun habang ito'y sayang-saya sa paglalaro.

"Ay, ano ba yan...! Magta-tatlongpung minuto palang kami nag-aaral ni sir eh." Sagot ng lalaking kanina'y nakangiti sa kanyang ginagawa.

Habang si Grace ay papalapit na sa akin, agad akong napatingin sa kanya na may mukhang humihingi ng tawad, dahil napag-isip-isip ko na siguro nga kasalanan ko kung bakit nangyari ang ganitong klaseng bagay.

Nang makarating s'ya sa pinto't lumingon sa dalawang lalaki, biglang nangiyak ang mga mata nito't nagtago sa aking likuran.

Sa nakitang reaksyon ni JC sa babaeng nagtago sa aking likuran, agad nitong binaba ang bote sa lamesa katabi ng bote ng muriatic acid at sulfuric acid. Mahahalata sa mukha nito na ito'y naiirita na para bang pinigilan namin s'ya sa kanyang ginagawa.

Mayamaya ay nakita namin si Jessica na tumatakbo't hinihingal papunta sa amin.

"Kuya anong nangyari kay JC, ligtas ba s'ya!?" Sigaw nito sa amin.

Sinalubong ko s'ya ng takbo at hinarangan upang maiwasang makita ang nasa loob na maaaring makapagpa-trauma sa kanya.

"Kuya bitawan mo ko, si JC!!!"

"Tumigil ka!!! Ayos lang si JC, bumalik ka na sa kotse..."

"Pero kuya si—"

"Jessica!!! Makinig ka sa akin, ako ang kuya mo, inuutusan kitang bumalik sa kotse ngayon na!" Bakit ba ang kulit nitong bata na 'to at ayaw makinig sa akin? Ginaya kasi nila papa at mama ugali nila sa kanila eh.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon