JC
Sa mga oras na ito, ramdam ko pa rin ang antok kahit na kaharap ko na ang aking laptop, lalo na't kailangan kong matapos ang aking sinusulat na libro. Alam ko rin naman kasi na makakatulong ito sa nakakarami pagdating ng panahon.
Habang nagta-type, may biglang kumatok sa pinto. Nilapitan ko ito at tinignan kung sino ang kumatok.
"Good Morning!" bati at agarang pagpasok ng babae sa loob ng aking bahay. "Bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya habang nililibot ang mga mata sa buong bahay. "Wala lang nangangamusta lang," Nangangamusta ha?
"Hindi joke lang, gusto ko lang tumambay dito sa bahay mo. Close naman tayo diba?" pagdadahilan nito. "Anong gusto mo lang? Ayoko, umalis ka dito ngayon din," bigla itong lumayo sa akin matapos ko syang pagsabihan at lumapit sa laptop na nasa lamesa.
"Ano 'tong tina-type mo?" agad ko namang kinuha ang laptop sa lamesa at baka kung ano pa ang gawin nito dito.
Lalapitan ko na sa 'to para hatakin palabas, ngunit bigla itong tumakbo papunta sa loob ng kwarto ko. "Anak ng- lumabas ka dyan!" sigaw ko dito. "Ayoko nga..."
Pumunta ako sa loob ng kwarto at nakita ko itong nakahiga sa kama. "Oy, anong ginagawa mo dyan?" tanong ko dito. "Obvious ba? nakahilata," sa inis ko dito binuhat ko ito para dalhin sa labas. "Wag po, kuya!" Wait, what?! "Pinagsasabi mo?"
"Napaka-naughty mo naman po..."
Anong ka-put*nginahan pinagsasabi nito?
Sa sobrang inis ko, binalibag ko ang katawan nito sa kama ko. "Sisimulan mo na po ba, kuya?" pang-aasar nito.
"Bahala ka sa buhay mo," sinarado ko nalang ang pinto ng kwarto at pumunta ako sa sala para manood ng TV para malibang ko rin ang sarili ko.
Sumunod naman si Jess sa akin at nanood nalang din ng TV. Makalipas ang ilang oras na panonood, napansin ko na malapit na ang oras bago pumasok. Pinauna ko na sya lalo na't mukhang ito yung tipo ng tao na bago makaalis ng bahay ay marami pang seremonya.
Gaya ng nakasanayan bago pumasok, tinaggal ko sa saksakan ang mga kailangan tanggalin. Lumabas na ako at sakto namang nakita ko si Jess na kakalabas lang din. "Tara sabay na tayo," anyaya nito sa akin. "Dami pang satsat, tara na."
Pagkalabas namin, nakita namin si Shane na nasa tapat at naghihintay. "Ihahatid mo kami, right?" tanong ni Jess kay Shane. "Ano pa nga ba?" Pumasok si Jess sa sasakyan, pero ako... ayoko muna.
"Oh, JC! Ano pang hinihintay mo? Pasok na."
Ano kayang dahilan ng isang 'to para ihatid ako.
"K, fine."
Habang naghihintay na makapunta sa aming paroroonan, maraming bagay ang pumapasok sa aking isipan gaya nalang ng bakit ang nakita kong presyo ng sabon ng isang brand ay iba sa bigger size nito kahit same lang ang amount ng sabon, bakit pumapanget na ang palabas na drama sa TV, at paano ko makakaharap yung babaeng kailangan ko daw bigyan ng leksyon. Ewan ko sa sarili ko, bakit ko ba yun pino-problema? Bahala na si Batman.
"JC" tawag sa akin ng katabi kong babae, di ko muna ito pinansin, para mainis.
"JC" Sige, isa nalang para pansinin kita.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
Ficción GeneralThere are lots of books published that the main character is the protagonist, and the antagonist is the character who make someone's life miserable - especially the protagonist. This book helps us to understand more what is an antagonist really is...