Chapter 6

8 0 0
                                    

JC


Nakakairita man isipin na napagod ako ng sobra sa request na ginawa ng isang makapangyarihang tao para lang sa kanyang kagustuhan, natutuwa parin ako dahil sa wakas at naka-uwi na.

Bago ko pa maipasok ang susi sa doorknob ng pinto ng bahay ko ay may napansin na akong kakaiba dito—ang mismong suksukan ng susi ay medyo nakatabingi.

Alam ko sa sarili ko na ang ganitong klase ng bagay ay hindi madaling mapansin o napapansin, hindi ko rin alam kung bakit ganoon nalang ako kabilis makapansin ng mga walang kwentang bagay sa mundo, hindi ko talaga alam pero malay ko baka may dahilan kung bakit.

Sinuksok ko ang susi ipinihit ito't pumasok sa loob. Sa aking pagpasok, kamay ko na ang mismong kumilos para i-lock ang pinto.

Bago magtungo sa kwarto para kumuha ng damit at maligo, nagpunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

Sa bawat paglagok ng tubig ay dahan-dahang nawawala ang pagod na aking nadarama.

Antagal na rin pala nung huli akong nagpagod ng ganito, naaalala ko pa nung nasa Lucifer High School pa ako, ang mga activity nilang pinapagawa talagang kakaiba kumpara sa mga school na mapapasukan ng mga estudyante, ikaw ba naman ang papuntahin sa mataong lugar gaya ng mall at pag-obserbahin ng mga tao kung anong klaseng pamumuhay meron sila sa isang simpleng tingin lang.

Matapos uminom, agad kong hinugasan ang baso na aking ginamit at binalik ito sa dati nitong pinaglalagyan.

Habang naglalakad patungo sa kwarto, agad akong napatigil ng may napansing iba sa sala. Nang tignan ko ang sofa sa sala may nakita akong malaking bag na nakabukas, agad akong nabahala sa nakita at kumuha ng kung anong bagay na malapit sa akin na pwedeng ihampas.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwarto, bago ko pa buksan ang pinto huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan binuksan ito. Nakabukas ang TV sa kwarto at mahahalatang wala ng palabas dito, nang magawi ang aking paningin sa balat ng taong nasa kama agad kong inangat ang aking hawak at bumwelong hahampasin ito.

Nang makita ko ang isang babaeng may maliit at matambok na labi, malalaking mga mata, at maaliwalas na mukha, bigla akong natigil at binitiwan ang aking panghampas.

Anak ng tokwa... Paano nakapasok ang isang ito dito?

Nang naisip ko kung sino ang nasa kwarto ko, pinatay ko ang TV sa kwarto naupo sa kama.

Nang umupo ako sa tabi nito, napatitig ako sa kanyang mala-anghel na mukha. Habang tinititigan ito, kumunot ang noo nito't namaluktot, ang ilan sa mga buhok nito ay nahulog sa kanyang mukha na syang nagtago sa napakaganda nitong mukha, dahil hindi pa ako satisfied sa pagtitig sa maganda nitong mukha, hinawi ko ang buhok nito patungo sa likod ng kanyang kanang tenga at kinuha ang makapal na tela na nasa kanyang paanan at kinumot ito sa kanya para hindi ginawin.

. . .

Okay, recharged na ko.

Habang gising pa ako, sinubukan ko munang maglakad-lakad at baka sa kaling may maisip kung ano ang pwedeng gawin, sa mga oras na 'to. Sinubukan kong manood sa mga video sa YouTube like: game reviews ng famous youtubers, conspiracies, documentaries, facts, at kahit anong nakakatawa. Sinubukan ko na ring manood ng music channel malaman kung anoman ang popular ngayon, kahit ang paglalaro sa cellphone ay hindi ako nalibang.

Dahil wala na talaga akong ibang maisip na pwedeng gawin, dumiretso ako sa kwarto at humiga sa pangalawang pagkakataong katabi ang babaeng ito.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at baka sakaling dumapo ang antok sa akin lalo na't pagod na pagod ako.Naka ilang ayos na ako ng pagkakahiga, ngunit di pa rin talaga ako kakomportable para maramdaman man lang ng katawan ko yung antok. Sa inis ko, tinitigan ko yung dingding ng kwarto ng matagal, hindi ko masabi gaano katahal, pero talagang nakakainis at hindi makapagpahinga yung katawan ko.

Medyo nakakaramdam na ako ng lamig sa katawan, sinubukan kong lumingon sa kaliwa ko at sa kabutihang palad bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi ko namalayan na sa direksyon ko pala nakatingin ang katabi ko.

Papikit na ang mata ko dulot ng antok, ngunit bigla itong natigil matapos kong makarinig ng boses mula sa labi ng katabi ko. Nagsasalita ito habang pikit ang mata, siguro maspagod pa 'to sa akin? Medyo maligalig pa naman din ito lagi pagkumikilos.

"Antagal naman ng lalaking yun..."  Yup, maspagod nga ito kaysa sa akin.

Mapagtripan nga...

"Kanina pa ako nandito sa tabi mo"

"Walang hiya ka JC anong oras na? Saan ka ba nanggaling?"  bulong nito habang mahinang humihilik. Mukhang may galit sa akin 'tong si Jess...

"Pinag-aalala mo ko walang hiya ka kanina pa ako naghihintay sa'yo, ikaw na nga lang lagi kong nakakasama aalis ka pa"

Sa mga salitang narinig ko sa kanya, hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin at mukhang nananaginip sya, hindi ko na rin sya mapagtripan lalo na't hindi ko gawain ang manira ng panaginip. Mukhang no choice ako at go with the flow nalang ako.

"Nandito na ako nakatabi sayo kaya wag ka nang mag-alala"

Matapos kong magsalita ay biglang umakap ang katawan ni Jess sa akin na sya namang ikinalaki ng mata ko, lalo na't hindi ko inaasahang mangyayari ito. Dahil inaantok naman na din na ako wala na akong nagawa kundi titigan ang mukha nya habang pumipikit ang mga mata ko.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon