Chapter 9

10 0 0
                                    

Jessica

Nakakairita s'ya, kung sino pang tumutulong s'ya pang pinapalayo. Ang attitude ny'a huh...

Anong oras na nga ba? Mag-aalas dose na pala, kaya pala ganoon nalang ako antukin.

Dapat ganitong oras nasa bahay na ko eh, ito kasing si kuya kasi bakit kailangan kasama pa ako pumunta sa mansyon ng amo n'ya. Ano 'yan magtatrabaho narin ako sa kaniya? Eh ang sungit-sungit ng babaeng iyon tapos pagsisilbihan ko siya? NO WAY! Kung gusto n'ya jowain amo niya bahala siya sa buhay niya, basta h'wag niya ako pagtrabahuin, paghuhugas ng pingan na nga lang alam kong gawin eh, kung hindi pa ako tinuruan ni JC edi wala na talaga, finish na.

"Oy, dito ka lang ah... H'wag ka magulo dito, baka ikaw ibayad ko sa masira mo dito."

Kita mo 'tong lalaking ito, sinama ako dito tapos dito lang daw ako sa loob ng library. Parang timang, anong gagawin ko dito sa loob, mukha ngang ang bo-boring ng mga libro na nandito, nakakahilo basahin hindi ko maintindihan.

Lumipas na ang dalawang oras nakahiga parin ako dito sa carpet ng sahig sa tagal ni kuya.

Makalabas nga muna.

Habang isinasara ang pinto ng lugar na aking pinanggalingan, siya namang paglibot ng mata ko sa buong hallway na napakalawak. "Grabe yayamanin talaga ang datingan, ang aliwalas ng lugar."

Sa paglalakad ko sa mahaba at malawak na hallway, sa wakas at nasa mismong entrance na ako ng mansyon. Sa ganitong oras, hindi ko inaasahang gising pa pala ang mga maid lalo na't may pagkamalamig na ang paligid, senyales na dapat natutulog na sila.

Syempre dahil ako 'yung tipo ng tao na kinukwestyon ang mga bagay-bagay, lumapit ako sa isang maid na nagwawalis sa gitna ng gabi sa harap ng pinto.

"Excuse me ate..."

"Ay yawa ka! Sino ka? Ba't nandito ka sa loob?" Sa lakas ng gulat ni ate sa akin, pati ako nagulat sa reaksyon niya.

"Easy lang ate, kapatid po ako ni Shane."

"Ah... Ikaw 'yung pasaway na kinukwento ni Shane."

"Opo, ako po yun..."  grabe naman si kuya kailangan talaga i-brodcast dito 'yung mga pinaggagawa ko. Kala mo s'ya lang walang kalolokohan.

"Tanong lang ate, alas-dos na po ng madaling araw, ba't nagwawalis pa kayo? 'Di ba dapat nagpapahinga na po kayong mga maid?"

"Ay hindi dai... halos lahat kami dito hindi pa pwede matulog hangga't hindi pa kami pinagpapahinga ni kuya mo, kasi alam mo naman masungit ang madam kaya kailangan gising kami para kung sakaling tawagin kami gising pa kami." Grabe naman, hindi n'ya pinagpapahinga mga tao dito. Kaya pala madaling araw na si kuya nakakauwi. Bakit kasi gising pa yung babaeng yun ganitong oras, ano bang pinaggagawa nun?

"Nga pala ate, anong ibig mong sabihin na si kuya ang nagpapapahinga sa inyo?"

"Eh ang kuya mo lang naman ang, nagpapatulog kay madam, kala mo bata na kailangan may taga-bantay para makatulog. Tapos pagtulog na si madam, sasabihan na n'ya kami na magpahinga na kami. Hay nako... Buti nalang mabait kuya kung hindi, ewan ko na dai."

Sa haba ng pakikipag-usap ko sa kanya, halos umabot na kami ng kalahating oras. At hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan ako pwede pumunta, ay oo nga pala...

"Ate last na hindi na kita dadaldalin pagtapos nito, pwede ko bang malaman kung anong lugar pwede kong puntahan? Halos isang oras na kasi ako pinatambay ni kuya sa library eh." Napakamot na lang si ate at tinuro yung mga direksyon na pwede kong puntahan, buti nalang mabait si ate kahit na kanina ko pa s'ya kinakausap.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon