JC
Hay buhay, parang life...
"JC!" Uy gagi ambilis tumakbo!
Nang malapit na ito sa akin, agad ako nitong niyakap sa hindi malamang dahilan.
"Ayos ka lang ba?" Sa tanong niyang ito, agad akong napayakap dito na para bang ang katawan ko ay hindi sumusunod sa ipinag-uutos ng aking isipan.
"Nag-alala ako sa'yo." Mayamaya naramdaman ko na parang unti-unting nababasa ang aking kasuotan.
Wait...
Dinuduraan n'ya ba ak—
Sandali, bakit n'ya gagawin 'yun? Sa pinapakita n'yang ugali malayong mangyari ang ganoong klase ng bagay.
Nag-aalala s'ya para sa akin?
Bakit?
Mayamaya'y nakarinig ako ng hagulgol at napansing ang taong kayakap ko ngayo'y umiiyak at nag-aalala sa mga nangyayari.
Ganoon ba talaga ako kahalaga sa kan'ya?
Kahit na hindi ko s'ya ituring na isang kaibigan?
Sa ipinapakita niyang pag-aalala sa akin, naisipan kong himasin ang ulo nito para pakalmahin ito't mawala na ang bahalang nadarama.
"H'wag kang mag-alala, ayos lang ako."
Tumingin ito sa akin at napansin na ang mga mata nito'y namamaga dahil sa lubusang pag-iyak nito.
Nginitian ako nito, at dahan-dahang pumipikit ang mata kasabay ng pagbagsak ng katawan nito. Muntikan na itong bumagsak ng tuluyan sa sahig mula sa pagkakayakap, mabuti nalang at nakayakap pa ako sa kaniya kaya mabilis ko itong nasalo.
Napatingin ako sa direksyon ng iba at napansin na nakatingin sila sa akin ng may mababagsik na mga mata na handa akong sugurin.
Kinarga ko si Jess at lumapit sa kotse ni Shane, ipinasok ito't sinarado ang pinto.
"So, ano ng mangyayari?"
Sa tanong ko sa kanila, tinititigan pa rin nila ako sa paraang sa kaunting saglit lang ay masasaksak ako ng mga ito.
"Huy! Ano na magiging procedure n'yo? Si ma'am may mild trauma, si sir Bell may problema? Anong gagawin n'yo?"
Mayamaya'y nakaintindi narin ang mga ito't nawala na ang mga tingin sa akin at nagbigay na ng command si Shane sa mga kasama nito.
"Sige. Justine, dalhin mo si Alexander sa ospital at isama mo si Michael. Nakatulog lang naman s'ya, baka mayamaya sa byahe n'yo magising na 'yan."
"Sige, kopya."
"Lander, ihatid mo si Gra- si ma'am Grace sa mansyon, tapos tawagan mo yung psychiatrist n'ya bukas matapos n'yang makapagpahinga, at kakausapin ko pa itong isa dito habang inuuwi si Jessica."
Biglang nawala ang pagkatulala ni ma'am Grace sa sa loob ng harapang seat ng kotse at sinunggab ang braso nito. "Shane, please dito ka lang. Kailangan kita, ayokong mag-isa."
Gulat na gulat ang dalawa sa kanilang nakitang reaksyon nito't parang ngayon lang nila ito natunghayan.
Ano yan? Out of character ganoon?
BINABASA MO ANG
The Antagonist
General FictionThere are lots of books published that the main character is the protagonist, and the antagonist is the character who make someone's life miserable - especially the protagonist. This book helps us to understand more what is an antagonist really is...