Ngayong unang araw ng pasok, papasok ako sa aking paaralan na tinatawag na Chalice High School, kilala ang paaralan na ito dahil ang mga mag-aaral dito ay nagtatagumpay sa kahit anong ninanais ng mga ito sa kanilang pagtatapos — maging kotse man, kasintahan, at marami pang iba — doon ito kilala, basta makapagtapos ka sa paaralang ito lahat ng nais-in mo makukuha mo.
Bago ako naging isa sa mga mag-aaral nito may assessment muna silang ginagawa dito gaya nalang ng : Mental Examination, Interview, at Physical Examination. Mabusisi sila pagdating sa pagkuha ng mga mag-aaral na tatanggapin sa paaralan lalo na sa aming mga senior high students. Gusto kasi nila na ang makakapagtapos lang dito ay ang mga taong tinuturing nilang karapatdapat.
Sa pagpasok ko ng gate, may dalawang poste ang nasa aking gilid, at sa loob ng guard house ay may screen na malaki. Sa paglapas ko dito maya-maya lang ay lumabas ang mga imposmasyon patungkol sa akin sa screen na tinititigan ng guard.
Mahigpit nga talaga sila dito...
Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad ay pinahinto ako ng guard, tinitigan ang screen at muling ibinaling ang pansin sa akin.
"Gawin mo lang ang dapat mong gawin hijo." Nakangiting sabi nito sa akin
"Sige" sagot ko sa kanya ng walang paggalang.Hindi ko na ito muling pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Ipagpatuloy mo lang yan!" Sigaw nito na may halong tuwa sa kanyang boses. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero kung ano man iyon, wala na akong pake.
Sa pagdating ko sa harap ng room, nakita ko ang ilang mga mag-aaral sa loob nito na nagkukulitan, nakikipagkamustahan, at ang iba naman ay tahimik lang na naka-upo sa kanilang kinalalagyan.
Umupo ako sa bandang harapan kung saan wala masyadong naka-upo para mapag-isa. Pansin ko rin na halos lahat ng nasa loob ng room ngayon ay sa likod pumupwesto.
"Ay ang tapang! Sa harapang upuan pa pumwesto... Sa gitna pa!" Daing ng isang mag-aaral sa likod. Bahala siya sa buhay niya, para namang ikamamatay ko ang pag-upo sa harapan.
Mapag-trip-an nga ito.
Tinignan ko nalang ito para malaman niyang narinig ko ang pinagsasabi nya, inirapan ko nalang sya at bumalik sa dati kong pagkakaayos.
"YABANG MO AH!!!" Galit na sigaw nito. Ramdam ko ang yabag ng paa niya sa pagkakalakad niya.
Kitang-kita ko sa aninong nasa harapan ko na bubuwelo ito ng suntok na pa-hook. Habang bumubuwelo ito, may naramdaman ako yabag ng mga paa sa labas ng room na unti-unting bumabagal at humihina.
Yumuko ako at dumaan ang malakas na hangin sa aking batok. Natumba ang lalaking sumubok na suntukin ako.
Nahahagip ng aking mata ang lalaking tumatayo na namumula ang mukha dahil sa kanyang kahihiyan. Lalapit na sana ito sa akin upang bumawi sa ginawa ko, ngunit natigilan ito nang siya ay may nakitang lalaking nakatayo sa may pintuan na nakasuot ng kasuotan ng isang guro ng paaralang aming pinasukan.
"Hoy! Umupo ka nga! Bakit namumula 'yang mukha mo?! Anong meron?!" Tanong ng nito.
"Wala po sir..."
"Umupo ka na!" Seryosong sabi nito."Good morning class!"
"Good morning sir!" Sagot naming mga mag-aaral na nasa loob ng silid."Unang araw ng klase... Alam na." Panimula nito
"Ganito ang pagpapakilala: Edad, Hobby, School na pinanggalingan noong junior high kayo, nickname, then Real name."
"Sandali nga lang, bakit nasa likod kayong lahat? Paki-occupy nga ng space sa harapan." Iritadong tanong at utos ng guro sa mga mag-aaral.
"Simulan natin sa'yo..." Turo nito sa mag-aaral na nasa ikatlong upuan sa aking kaliwa.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
General FictionThere are lots of books published that the main character is the protagonist, and the antagonist is the character who make someone's life miserable - especially the protagonist. This book helps us to understand more what is an antagonist really is...