JC
Kahit na nakapikit pa ang mata ko gising na ako, ang nakakabahala lang nagising ako hindi dahil sa sinag at init ng araw, kundi dahil sa mabangong pagkain na naaamoy ko, panigurado sa amoy na yun ang niluluto ay walang iba kundi itlog at hotdog, pero ba't ganoon ang amoy ng itlog sobrang alat. Kahit na ramdam ko ang init ng araw mula sa bintana ng kwarto ramdam ko parin ang antok, siguro dahil 'to sa sobrang pagod.
Kahit na gusto kong tumayo ay hindi ko magawang gawin ito, lalo na't may nararamdaman akong naka dagaan sa aking dibdib at ibabang katawan.
"Ang cute mo, talaga pagnatutulog," bulong ng kung sino sa tabi ko sabay haplos sa mukha ko.
"Ang cute namumula s'ya," anak ng tokwa, sino ba 'tong...
Si Jess nga pala, loko talaga itong babaeng ito pinagtitripan na naman ako.
"Ang sarap mong i-kiss," bungisngis nito.
"Sige nga kiss mo ko"
Bigla akong napadilat ng sumigaw ito at sinipa ako paalis ng kama ko, sa lakas ng sipa nito halos isa't kalahating metro ang nilayo ko hinihigaan ko. Mayamaya lang ay may narinig akong malakas na yabag ng paa papunta sa kwarto kung nasaan kami. Lumitaw si Shane ng may pag-alala sa mukha kung ano ang nangyari, lumingon ito sa kapatid nya na sya namang paglingon ko rin dito. Sa itsura ni Jess na may hawak na kumot at nakatakip sa kanyang katawan agad akong napatingin kay Shane na sya namang pag-tingin sa akin ng may galit.
"Sandali! Nagkakamali ka nang-iniisip..." bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay kinwelyuhan ako nito patungo sa sala ng bahay ko.
"Anong ginawa mo sa kanya!" Sigaw nito sa mukha ko.
"Wala akong ginagawa..."
"Anong walang ginagawa, wag kang magsinungaling!"
Habang nagkakasagutan kaming dalawa bigla bumukas pinto at napansing pumasok ang babaeng namamahala sa pinapasukan kong paaralan. Dahil dito bigla akong nakaramdam ng galit at napasigaw.
"Put*ngina mo bitawan mo nga ko!" Sa pag sigaw kong yun bigla ako nitong binitawan mula sa pagkakakwelyo.
"Magpaliwanag nga kayong tatlo bakit kayo nandito!" Sa wakas, tumahimik na din ang paligid ng bahay.
"Hoy! Wag kayong maingay dyan may batang natutulog dito" Sigaw ng nasa kabilang unit.
Pumwesto ako sa may lamesa at dahan-dahang huminga ng malalim. "Gusto ko ng kumain, naiistress ako sa inyo."
Agad na pumwesto ang dalawang babae sa lamesa, habang si Shane naman ay naghain ng pagkain sa mesa.
Hindi ako komportable sa pwesto ko lalo na't ang dami naming nasa mesa. Habang naghihintay na matapos sa paghahain nakatingin lang ako sa dalawang babaeng kasama ko mesa. Mayamaya lang matapos ni Shane maghain ay umupo na rin ito, kukunin na sana nito ang kubyertos para kumain, ngunit pinigilan ko ito lalo na't gusto ko munang malaman kung bakit sila nandirito sa pamamahay ko.
"Anong paliwanag mo bakit nasa bahay ka?" tanong ko kay Jess.
"Wala lang gusto ko lang..."
"Anong gusto mo lang? Imposibleng gusto mo lang, pangatlong beses mo ng nasa bahay at dalawang beses ka ng natulog sa bahay.
"Dalawang beses ka ng natutulog sa bahay n'ya?!" Naguguluhang tanong ni Shane sa kapatid nito. "Bakit hindi ka doon sa atin matulog?! Baka kung ano ang gawin sa'yo ng lalaking yan!?"
"Excuse me?" parinig ko dito. "Bakit totoo naman ah?! Baka nga pagdiskitahan mo kapatid ko?!"
"Tumahimik ka na kuya!" sa sigaw nito agad kaming dalawa nanahimik. "Hindi mo alam ang sinasabi mo kuya, wala kang alam dahil lagi ka namang wala dito." Okay sige, na-gets ko na.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
General FictionThere are lots of books published that the main character is the protagonist, and the antagonist is the character who make someone's life miserable - especially the protagonist. This book helps us to understand more what is an antagonist really is...