JC
Sa pag-gising ko, init ng araw ang naging dahilan upang ako ay bumangon. Ramdam ko pa rin ang antok dulot ng katamarang taglay ng aking mga mata. Muli akong nahiga sa aking kama, ngunit ang init ng araw ay sadyang nanggigising. Ano pa nga bang magagawa ko, eh 'di ako makatulog?
Sa aking paghikab, tsokolate ang agad na hinanap ng aking bibig. Nag-init ng tubig, at saka naupo sa sofa. Binuksan ang TV, nanood ng balita.
"Wala na bang ibang balita ngayon?"
Agad kong pinatay ang telebisyon, at nagpatugtog nalang ng mga Classical music na nasa playlist ng aking cellular phone.
Matapos ang dalawang minutong pakikinig, sipol ng takure ang nanggambala sa akin, pinatay ang kalan, at itinimpla ang tsokolateng nasa loob ng garapon na nasa cabinet.
Habang bitbit ang mug, ako'y umupo sa sofa at muling nakinig sa tugtog habang hinahalo ang tsokolate.
Biglang akong napahigop sa aking inumin nang biglang may pumasok sa aking isipan.
"Ano kayang magiging itsura n'ya pag hindi ko sinunod ang deal???" Tanong ko sa aking sarili ng naka-ngisi. "Manggigigil yun sa akin. Ahahahahahaha!" Iniisip ko palang natatawa na ako.
Tumingin ako sa wall clock na nasa taas ng TV at napansing kailangan ko ng mag-ayos para sa pagpasok.
Agad akong naligo, nag-sipilyo, nagsuot ng damit, nagpabango, pinatay ang kailangang patayin, at tinanggal ang kailangang tanggalin. Kinuha ang phone at saka lumabas na.
Nang nasa labas na ako ng building, pumunta ako sa sakayan at nag-intay. Marami na ang sasakyang dumaan na na maaari kong sakyan papuntang school, ngunit ang gusto kong sakyan ngayon ay ang mga modernized vehicle. Dahilan: Wala lang, gusto ko lang.
Sa kaunting saglit, sa wakas may huminto ng sasakyan sa aking harapan na gusto kong masakyan.
Habang bumabagtas ang sasakyan, itinuloy ko nalang ang tugtog na aking pinapakinggan kanina. Sa sobrang pakikinig ko sa tugtog muntikan na akong lumagpas sa ang bababaan, mabuti nalang at nagtanong ang driver kung may bababa sa Chalice High School.
Habang naglalakad sa campus, may nakita akong babaeng papalapit na nakatitig sa akin. Hindi ko ito tinignan sa mata, upang hindi niya maisip na nakikita ko s'ya. Gumawi akong kaliwa ng kaunti, upang lumayo ang tingin niya sa akin. Nang madaan ko na siya, pakiramdam ko titingin siya sa akin. Pero... Ano nga bang pake ko? So what?
Ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad papuntang canteen saka dumiretso sa room, lalo na't gusto ko ng umupo.
Bago pa man ako makapasok sa room ay may narinig akong nagsisigawan sa loob. "Put*ngina mo!" Ano ba naman yan, may nagmumurahan agad?!
Sa pagpasok ko sa room, nakita ko ang dalawang lalaking nagsasagutan. O sige, ano bang meron at nag-aaway 'tong mga ito?
"Oy, anong meron bakit nag-aaway yang ng mga 'yan?" Tanong ko sa lalaking malapit sa aking upuan. "Nabangga ng isa yung isa, tapos nagsagutan na" sagot nito. "Yun lang?" Tumango naman ito sa akin na may pagkairita sa mukha.
Ang ingay naman ng dalawang 'to!
Inilapag ko ang bag ko sa upuan at kinuha ang tsitsiryang binili sa canteen. Binuksan ito, at pumwesto sa harapan ng mga nanonood ng away. Kinain ko ang tsitsirya ko habang nanonood sa mga nag-aaway.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
Ficción GeneralThere are lots of books published that the main character is the protagonist, and the antagonist is the character who make someone's life miserable - especially the protagonist. This book helps us to understand more what is an antagonist really is...