Chapter 40-

1.3K 25 0
                                    

Warning: Scene are harassment. Skip it.

Naghahanda kami ni Rayner upang pumunta sa state. Tinawagan ko ang mga magulang ko dun na nagpakasal ako sa pinas nagulat sila at hindi makapaniwala. I'm going to explain to them if I return to state with this two gentlemen tailing me. Nag uusap kami ni Rayner nung nagdaang gabi he explained something to me about Jasper Valmore he said everything but he doesn't have proof that Jasper did that to her wife.

Nakapila ang mga maleta namin sa pintuan malapit. Rayner is fixing his schedule sa Campo I decided to fetch Sky in his school. Nagbihis at lumabas ako kasama ang isang sundalo na driver nagpahatid sa school ni Sky at inabaangan na matapos ang klase niya.

Lumipad ang isip ko sa magulang ni Precious i can't explain bakit kakabog ang dibdib ko tuwing mag uusap kami parang may kakaiba na hindi maganda.

Hawak ang kamay ni Sky pumunta kami sa isang mall he's going to buy school materials. Lumilibot libot kami naiwan sa sasakyan ang driver namin dahil he's wearing uniform.
Napaigtad ako ng may nabunggo ako nalaglag ang hawak ko na paper bag.

" Oops sorry miss". Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mata namin. He's aura is bit dangerous. Hawak ko si Sky sa isang kamay. Pinulot nito ang paper bag at binigay sa akin.

" Salamat". I accept it. " Mommy don't talk to strangers daddy's order " sumapaw si Sky nakita kong tumalim ang tingin ng lalaki kay Sky.

"Miss can I ask for your number?" nilabas nito ang cellphone at nagtipa.

" Sorry may asawa na ako". Seloso pa naman yun. Baka barilin ka ng isang iyun. Tumango ito at tumitig sa akin kumapit si sky sa paa ko na parang natatakot.

" I am a businessman". My I ask who's your husband?" animong sabik ito na malaman kung sino ang asawa ko. Parang pamilyar sa akin ang katawan niya parang siya yung.. Jasper? Rayner described him to me.

" Umhh, Tuazon that his last name" aalinlangan na sagot ko. " Excuse me we need to go." Paalam ko sa kanya nakatood lang ito at sinundan kami ng tingin. Umuwi kami sa bahay dahil nahihilo ako sa matinding init ng araw.

Nakatulog ako ng makauwi kami hilong hilo ako uminom na ako ng gamot ngunit umiikot pa ng mahina ang paningin ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama at nagdaramdam napukaw ang diwa ko ng may kumatok. Tumayo ako at binuksan ito nagulat ako dahil hindi pamilyar sa akin ang sundalong ito he's wondering his looks on our house.

"Ma'am, may gusto kumausap sa inyo nasa labas ng gate". Napatitig ako sa kanya at kinakabahan hindi siya sundalo ni Rayner kilala ko ang mga tauhan ni Rayner at mga mukha nito.

"Sino Ka?" Sinong gustong kumausap?" Napahigpit ang hawak ko sa doorknob ng pinto. Bumugso ang kaba sa akin ng hilain niya ako at takpan ang bibig ko ng panyo.

" Hmmmmppp"! Nagpupumiglas ako ngunit nanlalabo ang mata ko at nanghihina ang katawan ko bumalot ang dilim sa akin.

Halos takbuhin ko ang mansion ng tumawag ang sundalo na may pumunta dun. Nawala ang asawa ko hindi nila alam nilagyan ng pampatulog ang binigay na pagkain sa kanila halos murahin ko sila sa telepono ng makausap. Halos kumudlit ang gulong ng kotse sa kalsada dahil sa rahas ng pagpapatakbo ko. Binangga ko ang gate na nakaawang ng konti nabigla ang mga sundalo na mukhang nahihilo.
Natarantang lumapit sa akin ang isa' ngunit sinipa ko ito.

"Bakit niyo hinayaan na may makapasok dito"! gigil na sigaw ko at tinaliman ng tingin ang mga ito. Takot ang rumehisro sa mga mukha nito yumuko sila at nagsikuhan.

" Sir, kilala po namin ang sundalong iyun inutusan mo daw siya." nanginginig na saad ng isang tenyente. Sinuntok ko sa sikmura ang isang sundalo napaubo ito at namilipit sa sakit.

Babysitting the Lieutenant Son ✓ [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon