Prologue

4.3K 111 0
                                    

Nagising ako sa isang malakas na pagsabog dali- dali akong bumangon at dinampot ang baril. Sigawan ng mga kasamahan ang narinig ko.

" Sky!" " Precious"! Hinanap ko ang mag ina ko. Sinalakay ang pinagkutahan namin ng mga armadong lalaki na nakatakip ang mukha. Nasusunog ang buong paligid dahil sa mga pasabog pinag babaril niya ang mga nakasalubong sa pagtakbo.

" Alpha one, Come in "!
Mabilis kong hinablot ang radio sa dibdib.

" Sinong mga armadong tauhan ito "!! halos sumigaw ako at lalabas ang mga ugat ko sa galit.

" Hanapin nyo ang mag ina ko "! Halos itapon ko ang radio sa galit. Nagtago ako sa isang sulok at pinagbabaril ang mga makikita na kalaban. Ng makabawi mabilis akong tumakbo.

" I need a cover up" i said it on radio. Mabilis na tumakbo ang dalawang sundalo at cinover ako naglabas ako ng granada at tinapon sa malaking kompol ng armado.

" Papa"! boses ni Sky na umiiyak. Mabilis kong hinanap ang tumawag nakita ko si Sky sa ilalim ng tangke mabilis akong tumakbo patungo rito ngunit nabitawan ko ang baril sa nakita.

Duguan si Precious nakahandusay at walang buhay.

" Papa si mama" umiiyak na sambit ni Sky duguan din ito sa pagyakap sa ina niya. Mabilis kong kinapa wala na itong pulso binigyan ko ito ng CPR. Umiiyak na ako sa labis na galit at frustration.

" Precious "! Gumising Ka ! Bubuo pa tayo ng maraming anak." ! Paulit ulit ko itong binigyan ng CPR ngunit walang pumintig. Sumisigaw ako roon at dinampot ang baril sumali ako sa dalawang nag cover pinagbabaril ang makikita.

Sa sobrang galit ko hindi ko napansin ang tumama na bala sa kanang balikat ko na ikinabagsak ko at tuluyang ng dumilim ang mundo.

" Request back up". I repeat request back up!

Babysitting the Lieutenant Son ✓ [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon