Chapter 4

2 0 0
                                    

Chapter 4: Simula ng Pagmumulto

MARY'S POV

Nakarating na kami sa ilog. Maraming naliligo, naglalaba, nag-iigib, at meron pang nagsasampay. Bumaba na ako at tumakbo agad kay mama. Nakita nya ata akong sumakay sa motor.

"Ma, andito na po ako."

Yumakap agad ako kay mama. Kinakabahan na ako kung anong itatanong ni mama sa akin.

"Mary, sino yung kasama mo?"

"Ay, sinakay niya lang ako sa motor kasi nakita niya akong mag-isang naglalakad sa bundok."

"Kahit na! Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa iyo lalo na't hindi mo kilala! Sa susunod na pupunta ka dito sa ilog, sumabay kana sa akin. Naiintindihan mo ba ako?"

"Opo. Pasensiya na po."

"Sige na, maligo kana kung gusto mo."

"Sige po."

Naligo na ako sa ilog. Sa bahay nalang ako magpapalit ng damit, tutal hindi pa ako nakakaligo.

Nakauwi na kami. Nilakad nalang namin ni mama ang kalsada hanggang sa bahay. Tulak ni mama ang kariton na dala ang galon ng tubig. Nang makapasok na kami sa bahay ay bigla akong kinausap ni mama.

"Mary, bakit ka pumayag na sumakay dun sa lalaki?"

"Sinabay niya lang po ako papuntang ilog."

"Bakit? Bakit ka niya sinabay?"

"Naglalakad po akong mag-isa sa bundok. Nakasalubong nya ako kaya ayun, sinakay na lang niya ako."

"Bakit nga? Anong pumasok sa isip mo kung bakit sumakay ka?"

"Delikado daw po dun tsaka may mga namatay na daw po doon sa dinaanan natin."

"Naniwala ka naman doon. Dalawa ang daan papuntang ilog. Yung dinadaanan natin, yun ang Mountside Avenue. Yung kabila naman, ang Vine Street. Sa Vine Street delikado kasi doon binibigti lahat ng namamatay dito. Kaya nga lagi ako sa Mountside Avenue dumadaan at nakakamatay ang kabilang daan."

Nagulat ako sa kuwento ni mama. Dalawa pala ang daanan papuntang ilog. At sabi ng lalaki sa akin, delikadong dumaan sa Mountside Avenue kahit hindi naman talaga delikado. Pinaglololoko na ata ako nung lalaking iyon. Ayoko na siyang makita pa.

SELENA'S POV

"Huh? Pinaniwala lang ng lalaki si Mary sa daanang yon?" Tanong ni Cass.

"Oo. Kaya sa tuwing nagpupunta ang mama ni Mary sa ilog ay lagi siyang dumadaan sa Mountside Avenue, at hindi sa Vine Street." Sabi ni Hilary.

"Ano? Tutuloy ba natin ang story?"

"Magkuwento ka nga ulit Hilary." Sabi ni Cass.

"Ok. Isang araw, bumalik muli ang mag-ina sa ilog. Nauna ulit ang mama ni Mary na umalis habang si Mary naman ay naliligo pa ng oras na yon. Dahil nahuli siya ay may balak siyang dumaan sa Vine Street, kung saan delikadong dumaan."

MARY'S POV

Dumaan ako sa Vine Street para malaman ko kung talagang nakakamatay ang dumaan dito. Madilim, masukal, at talagang gubat ang dadaanan dito. May mga dahon ding nahuhulog sa daan.

"Wala namang nakakatakot." Sabi ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Narinig ko nanaman ang pagtawag sa pangalan ko, na nangyari rin noong isang araw.

"Mary."

Lumingon ako sa paligid. Wala namang tao. Ngayon ay mas natatakot na ako dahil gubat ito at hindi ko alam kung saan dadaan.

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon