Chapter 20

0 0 0
                                    

Chapter 20: Rou and Mary Reunited

MARY'S POV

"Si Rosauro ang papa ni Hilary? Hindi... hindi maaari! No... no... no way! Hindi ko kaya ito."

"Selena? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

Shit! Ayokong mapagkamalang magnanakaw dito, at mas lalo ng ayokong malaman nya ang katotohanan.

"Uhm–"

"Sagutin mo ako ng maayos, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Nanginginig ako sa kaba pero ayokong ipahalatang kinakabahan ako. Huminga lang ako ng malalim at saka ko sinabi ang sagot.

"May... may hinahanap lang po ako kay Hilary. Baka po kasi nandito sa kwarto ninyo."

"Ahh. Pero bakit hawak mo yung picture ko?"

Jusmeyo, hawak ko pala yung isa sa mga picture na nasa kanya. Hindi ko alam ang isasagot, hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Mali nga itong ginawa ko.

"Uhm, kasi po maga... maganda po yung picture ninyo. Nakakatuwa lang po na may ganito pa po kayong mga picture. Tsaka nakalabas po kasi kaya tinignan ko nalang po."

Binalik ko ito sa kanya ng maayos at kinuha naman nya ito kaagad.

"Salamat at nagandahan ka sa mga litrato ko kahit papaano. Teka, ano pala yung hinahanap mo kay Hilary?"

"Uhm–" Ngayon ay hindi ko alam ang isasagot ko. Nagdahilan ako na may hahanapin kay Hilary kahit wala naman talaga.

"Selena? Bakit hindi ka makasagot? May problema ka ba?"

"Ayy, wala po. Yung ballpen ko po kasi nung isang araw nasa kanya pa po."

"Ahhh, ganun ba? Wala namang nilalagay si Hilary dito sa kwarto ko. Baka nandun sa kwarto nyo."

"Pa, anong ginagawa nyo dito?" Lumingon ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko si Hilary na nasa likod ng papa nya.

"Si Selena, may pinapahanap sa akin eh."

"Sis, bakit nandito ka? Kala ko ba kakain ka ng meryenda? Tsaka, paano ka napunta dito?"

"Uhm, yung ballpen ko kasi hinahanap ko. Baka napahiram mo kay papa mo kaya natanong ko sa kanya."

"Yung ballpen? Yung my gel 0.5?"

"Oo, yun nga. Nakita mo ba?"

"Niligpit ko sa pencil holder mo sa lamesa. Nakita ko nung nakaraang araw nakakalat sa kwarto kaya binalik ko sa holder mo."

"Ayy! Kaya pala hinahanap ko nung isang araw sa ilalim ng kama, nawala na dun. Thank you ahh."

"You're welcome."

"Sorry po, Tito Roy. Hindi na po mauulit." Sabay yuko ko sa kanila dahil sa aking pagkakamali.

"Wala yun. Sige na, kumain na kayong dalawa dun baka gutom na kayo."

"Sige po."

Pumunta na kaming dalawa ni Hilary sa lamesa habang si Cass naman ay naghahanda na ng mga plato at tinidor namin.

Malaki parin ang pag-aakala kong si Rou ang papa ni Hilary. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Halatang-halata at magkatulad na magkatulad ang mukha ni Rou at papa ni Hilary.

"Selena, paano mo naman natanong kay papa yung ballpen ko?"

"Eh baka hiniram nya sa'yo or hindi kaya napulot nya din. Pasensya na ahh baka nadamay ka pa."

"Bakit naman ako madadamay? Of course not. Nagtanong ka lang naman kay papa kaya wala yun sakin. It's ok for me."

"Bakit? Anong meron sa ballpen?" Sabay tanong ni Cass nang may pagkain pa sa bibig.

Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon