Chapter 19: Secrets Reveal
MARY'S POV
"Magbabayad kayo!" Bigla kong sabi habang masama ang titig ko kay Carla Beltran. Hindi pa ba nila ako naaalala? Nakalimutan na nila siguro ang kasalanang ginawa nila sa amin.
"Ano?" Napalingon agad ako kay Hilary. Narinig nya siguro ako na sinabi iyon. "Anong sinabi mo? Magbabayad kayo?"
"Ay... wala yun. May napanood lang kasi ako sa TikTok kaya ginaya ko rin. Mamaya ko pa gagayahin. Hahaha." Dinahilan ko sa kanya ito para hindi ako magmukhang tanga.
"Kaka-TikTok mo yan! Kumain ka na ba? Bukas naman yung canteen, tara mamaya?"
"Sige."
Kinabahan talaga ako kanina. Akala ko mabubuking na agad ako. Kailangan kong magpanggap na Selena hanggang dumating ang takdang panahon.
ROSAURO'S POV
Bumalik ako sa kwarto after kong iligpit ang mga groceries. Humiga ako saglit sa aking kama ng biglang may pumasok sa isipan ko.
FLASHBACK...
"Para patayin kayong lahat! Hindi nyo ba alam na hindi makatarungan ang pagpaslang ninyo sa isang estudyante?"
"Paslang? Hindi namin ginawa yon. Nakita nalang namin syang duguan at patay sa C.R. saka namin dinala sa bakanteng lote.
"Yan! Ako pa ang pagsasabihan mo nyan? HA???" Sabay pisil nya ng mahigpit sa panga ko.
"TAMA NA MA'AM!!!"
PRESENT...
Naalala ko nanaman si Mary. Bakit ba hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko si Mary? Buong buhay ko ay dala-dala ko ang mga alaalang iyon.
Sa pagkakaalala ko sa mga panahong iyon ay hindi ko napigilang kunin ang natatago kong mga litrato sa itaas ng kabinet at dali-dali ko itong binuksan.
Pagkabukas ko nito ay bumungad sa akin ang mga natirang litrato naming tatlo nina Mary at Alvin. May alikabok at kulay brown na ang kulay ng mga litrato. Yung iba ay malapit ng mabura kaya labis ko itong iniingatan.
"Mary, Alvin, kung naririnig nyo man ako ngayon, sana magparamdam kayo sa akin. Hindi ako titigil hangga't hindi natin nakukuha ang hustisya."
Pagkatapos kong sabihin ito ay saka naman tumulo ang mga luha ko. Kapag nakikita ko ang mga litratong ito ay naalala ko ang mga masasaya naming pagsasama.
FLASHBACK...
Nakalabas na ako ng ospital. Pinilit ko sila mama na pumunta muna ako sa puntod ni Mary at ni Alvin kahit saglit lang.
"Ma, pwedeng dumaan muna po tayo kay Mary saka kay Alvin?"
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Gusto ko pong makita yung mga puntod nila, kahit ngayon lang."
"Sige, bilhan narin kita ng bulaklak at kandila para naman may maibigay ka."
"Salamat po, ma."
Pagkatapos naming bumili ay dumiretso na kami sa puntod ni Alvin. Maganda ang pagkakagawa ng kanyang puntod.
Bumaba na ako ng kotse at pumunta ako sa kinatitirikan ng kanyang puntod. Dito ay sinindihan ko ang kandilang dala ko at nilapag narin ang dala kong bulaklak sa kanya.
"Pare, ok ka lang ba dyan?" Tinawanan ko lang ang sinabi ko kahit alam kong nakalibing na sya.
"Alam mo, lagi kitang pinapakamusta. Lagi kitang naiisip. Hindi man lang kita nakita bago ka mamatay. Ni hindi ko nga nalamang sinu... sinugod ka sa ospital bago ka mamatay. Sa... sana nakita o nakausap man lang kita, kahit sa... sa huling pagkakataon–" Napaupo nalang ako sa sahig sa sobrang iyak. Nakakainis lang dahil hindi ko man lang sya nakita. Sana nasabi ko man lang ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Prom Queen
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 1) A happy and beautiful school year at Montenaro University will be bloody, chaotic, and scary because of the murder of the prom queen. The whole school can do nothing. But one question rests with them, will they run or...