Chapter 16: Mary is Back
SELENA'S POV
Nagising nalang ako bigla at nakita ko ang paligid. Kulay light blue ang pader, may mga ilaw, may bntana rin na kita ang magandang tanawin sa labas. Pero ang nakakapagtaka ay nakasuot ako ng hospital gown.
"Nasaan ako?!"
Ngayon ko lang na-realize na nasa loob pala ako ng ospital. Wait, ospital? Paano ako napunta dito eh kagagaling ko lang sa Vine Street kanina.
"Oh, good afternoon Ms. Montenegro. How are you?"
"Ok naman po. Pa-paano ako napunta dito? Sinong nagdala sa akin? Anong nangyari sa akin, doc?"
"Well, as the witness said a while ago, unconcious ka ng dinala ka nila dito. Ibig sabihin, wala kang malay. Wala naman din akong nakitang signs na may sakit ka. Sadyang nahimatay ka lang. Pwede ka naring makalabas mamaya."
"Doc, andyan po ba yung mga nadala sa akin dito?"
"Sad to say, umalis na sila after kang dalhin dito. Kung gusto mong magpasundo sa family mo, pwede ko silang tawagan."
"Sige po. Bigay ko nalang po yung number."
Agad kong binigay ang number sa doktor para masundo nila ako dito. Mas mabuti nang may kasama ako pauwi, baka maulit nanaman yung nangyari kanina.
Number pala ni Hilary ang binigay ko, hindi ko saulado ang number ni mama o ni papa. Nag-ring naman kaagad ang telepono at kinausap ko sya.
"Hilary."
"Hoy Selena, isa ka talagang gaga. Nasaan ka?"
"Andito ako sa medical hospital."
"Ano? Nasa ospital ka?"
"Oo, mahabang kwento mamaya ko na sasabihin."
"Anong gagawin ko ngayon?"
"Sunduin nyo ako ni Cass. Mas mabuting may kasama ako pauwi."
"Ok, sige. Papasama nalang kami kay papa para sunduin ka. Ok?"
"Sige. Thank you."
Binaba ko na ang tawag at binalik ko ang telepono kay dok. Imbes na isipin ko ang kaligtasan ko ay baka mas mapahamak pa ako pag-uwi. Hindi ko alam ang sasabihin nila mama sa akin.
HILARY'S POV
After tumawag ni Selena sa akin ay agad ko itong ipinaalam kay Cass at sa mama nya. Nag-aalala na talaga si Tita Susan at nag-ooverthink ng malala kung napaano na si Selena.
"Cass!"
Tinawag ko si Cass paakyat dito sa kwarto. Sa kanya ko muna sinabi na tumawag si Selena sa akin.
"Oh?"
"Halika dito. Tahimik ka lang."
"Bakit? Ano nanamang isisikreto mo?"
"Gaga! Tumawag si Selena kanina lang."
"Ano?" Napalakas ng sigaw si Cass nang ipaalam ko sa kanya ito. Ang tanga ng babaeng ito, sabing tahimik talagang sinigaw.
"Sabi ko tahimik ka lang 'di ba?"
"Sorry. Ano nga palang nangyari? Kamusta sya?"
"Nasa ospital sya. Ok naman sya walang sakit."
"Then?"
"Susunduin natin sya. Andyan ba si papa?"
"Oo, nasa garden nagdidilig. Sabihin ko ba?"
BINABASA MO ANG
Prom Queen
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 1) A happy and beautiful school year at Montenaro University will be bloody, chaotic, and scary because of the murder of the prom queen. The whole school can do nothing. But one question rests with them, will they run or...