Chapter 28: Queens are Back
MARY'S POV
"SELENA IS THE KILLER PROM QUEEN!"
Napalingon ako sa gilid at nakita kong sumigaw si Sheena. Omyghad! Nakita niya siguro ang bangkay sa C.R. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.
"What?"
"YOU ARE THE KILLER PROM QUEEN!"
Nagulat ang lahat sa sigaw ni Sheena. Napatingin sila sa akin at yung iba ay parang gusto na akong patayin.
"Sheena, tumigil ka! Hindi ako mamamatay-tao at wala akong kinalaman sa pinagsasasabi mo!"
"Wala ba talaga?"
Napalingon ako sa mga tao. Lahat ay nakatingin kay Sheena. Lahat sila ay naniniwala sa sinabi ng demonyong baliw na babaeng ito.
"Wala akong kasalanan! Tigilan mo nga ako!"
"No! NAKITA KO PONG LUMABAS SI SELENA GALING NG C.R. AT PINUNTAHAN KO ITO SA LOOB!!!"
"SHEENA, NAPAKAWALANGYA MO!!!"
"Ikaw ang walangya. AT NAKITA KO PONG MAY BABAENG PATAY SA LOOB NG CUBICLE! Ibig sabihin lang nito, ikaw Selena ang killer! Hindi mo deserve ang title!"
"MAMAMATAY-TAO!!!" Sigaw ng isang audience. Hindi ko sila matignan ng maayos dahil masama ang tingin nila sa akin.
"Ano? Alam na nilang mamamatay-tao ka at may ebidensya na."
"Wala akong ginawang masama."
Habang nagkakagulo sa loob ay hindi napigilang mag-abala nila Hilary na nakikita ko sa kanilang kinakabahan sila sa nangyayari.
"TUMIGIL KAYO!!!" Napatingin ako dahil dumating si Rou at dala nya ang libro ko.
"Rou, dumating ka."
"WAG KANG LALAPIT! MAMAMATAY-TAO YAN!!!" Sigaw ni Sheena sa sarili kong kaibigan.
"Tigilan mo ang pamangkin ko. Selena, ito na ang librong hinahanap nyo. Nakalimutan ninyo kanina."
"Thank you." Kinuha ko agad ang libro at niyakap para hindi mahablot ni Sheena sa akin.
"Ano yan?"
"None of your business."
"ANONG KAGULUHAN ITO??? SHEENA, ANO ITO???" Biglang dumating si Carla sa loob ng venue. Ngayong hawak ko na lahat ay handa na akong gumanti.
"Tita, may nakita akong bangkay sa loob ng C.R."
"Ano?"
"Opo. At si Selena ang huling lumabas sa banyo."
"No!"
"Sinasabi ko na nga ba! MAMAMATAY TAO KA!!! MAY PINAGMANAHAN KA KAY MARY DELA CRUZ!!!"
"Wala akong pinagmanahan dahil AKO SI MARY DELA CRUZ!!!"
Tumayo na ako sa sobrang galit ko. Hindi na ako nagdalawang-isip na isigaw na ako si Mary.
"ANO???"
"Oo, ako si Mary. Hindi si Selena. Pumasok ako sa loob ng katawan nya para gumanti sa mga pumatay sa akin!"
"Wow ahh! Ikaw pa ang may karapatang gumanti? Sa lahat ng pinatay mo, naisip mo pang bumalik?"
"Dahil walang kasalanan si Mary sa lahat ng nangyari noon!" Sabay sigaw ni Rou.
"At sino ka namang pakealamero dito?"
"Ako si Rosauro Garcia, kaibigan ako ni Mary at ngayon ay tinutulungan ko syang mabawi lahat ng ginawa ninyo sa kanya! KAYO ANG MAMAMATAY TAO!!!"
BINABASA MO ANG
Prom Queen
Mystery / Thriller(Dark Side of Montenaro Book 1) A happy and beautiful school year at Montenaro University will be bloody, chaotic, and scary because of the murder of the prom queen. The whole school can do nothing. But one question rests with them, will they run or...